CHAPTER 38: Hide and Seek

Start from the beginning
                                    

"Babae si Black?" takang tanong naman ni Kristine.

"I know a game, an exciting game," aniya.

"Ano muna ba talaga yung gusto mo samin?" tanong ni Celine.

"What I want?" tumigil muna ito at muling ngumisi. "All of you."

Tila napatigil naman ang lahat sa paghinga dahil sa tipo ng boses na ginamit nito nang sabihin niya ang mga salitang ito na para bang may masama itong binabalak sakanilang lahat.

"As I was saying, I want to play a game. Hide and seek, is not hard to play after all right?" 

Hindi umimik ang mga studyante at naghintay lamang sa susunod nitong sasabihin.

"Simple but deadly instructions, of course you have to hide and my men will seek for you. If they found you, goodnight. But if you weren't found within 2mins then you're free to go," pagpapatuloy nito.

"Teka, bakit may patayan?" hindi makapaniwalang tanong ni Honey.

Tumawa naman ng malakas si Black bago ito sinagot, "Are you seriously asking me that? What's the motto of this school again? To survive is to kill." Bumuntong hininga naman ito bago nagpatuloy, Okay, to be fair. I will give you the freedom to take down any of my men if they found you, para hindi ka mamatay."

"T-teka, seryoso ka ba?" kinakabahang tanong ni Mark.

"You have 20 secs to hide." Namatay na ang video at lumitaw naman ang 2 minutes timer. 

Nataranta naman ang lahat. "Natatakot ako," ani Roxanne habang mangiyak-ngiyak na ito sa tabi ni Diana.

"A-ayokong mamatay." Ganun rin si Honey.

Nang makita ang 20 seconds na naging 15secs nalang ay agad ng kumaripas ng takbo ang mga ito at nagkanya-kanyang tago na.

Ang iba ay pumasok sa dorm habang ang iba ay pumunta sa athena's buidling.

"Sino ba kase yang Black na yan, bakit niya ba ginagawa to?!" galit na tanong ni Nielma. Kasama nito si Tope at Gellie sa pagakyat sa kanilang classroom nila ng Sagacity.

"Walang may alam kaya sa ngayon ay sumunod na muna tayo, sa tingin ko malapit na tayo sakanya dahil nalaman na rin natin kung ano ang kasarian niya," sagot naman ni Gellie na tinanguan naman ni Tope.

Samantala ay magkakasama naman sina Kristine, at Eislen.

"Bilis dito tayo," ani Eislen kay Kristine at inilock ang locker room sa itaas na palapag ng dorm.

Sa boy's dormitory naman ay magkakasama sina Jansen, Mark at Tope nagpunta sila sa storage room ng dormitory na sa tingin nila ay hindi sila matutunton.

Narinig sa buong campus ang isang tunog na indikasyon na tapos na ang countdown at nagsimula ng maghanap ang tauhan ni Black. Hindi na alam ng iba kung nasan ang kanilang mga kasama.

Hindi pa nangangalahati ang oras ay hindi pa nakakapagtago si Roxanne, dahil nagkahiwa-hiwalay sila nina Trisha habang tinatahak ang kadiliman ng pasilyo ng main building.

Umiiyak ito habang hindi malaman kung saan papasok bilang sarado ang mga pintuang nadaraanan. Tahimik itong tumatangis nang makarinig siya ng mga yabag malapit sakanyang kinaroroonan.

Agad na naalarma at natatarantang humahanap ng ibang madadaanan at kwartong pwedeng mapasukan. 

Bawat pintong kanyang sinusubukang buksan ay siyang paglakas ng tunog ng mga yabag na paparoon na sakanyang pwesto. Lumalakas na rin ang kanyang pagiyak at natitiyak niyang naririnig na siya nito.

"Trisha asan kayo, please save me," umiiyak na wika nito habang tumatakbo na sa kawalan.

Natigilan siya nang makitang wala na siyang ibang tatakbuhan at nang balikan niya ng tingin ang kaninang daan ay doon na nanggagaling ang tunog ng mga yabag.

Ang huling pagasa niya ay tila nakadepende sa doorknob ng pintong nasa kanyang gilid. Nanginginig at puno ng takot niya itong pinihit at halos paslaamatan niya ang langit nang bumukas iyon at mabilis na pumasok ngunit sa kasamaang palad ay sira pala ang lock niyon na lalong nagpalakas sakanyang pag tangis.

"I don't want to die, please," iyak niya.

Tahimik itong naupo sa isang sulok at umiyak nalamang. Napasinghap siya nang marinig ang kaluskos mula sa labas ng kwartong kinalalagyan niya. Abot-abot ang kabang nadarama nang bumukas ito kaya agaran siyang tumayo.

Nakita niya ang isang bulto ng tao. Nakasuot rin ito ng itim ngunit ang nakapukaw skaanyang atensyon ay ang pagkislap ng bagay na hawak nito. Kutsilyo.

Dahan-dahan ang bawat paghakbang nito sakanya. Umiiyak na umiiling-iling ito at naghanap ng maaaring matakbuhan.

"Please wag, gagawin ko kahit ano," pagsusumamo ni Roxanne.

"Alam mo Roxanne, in the first place wala ka dapat dito, but then because of your friends nasali ka," wika ng taong kaharap nang tumigil ito sakanyang harapan.

Napatigil naman si Roxanne at tiningala ito. "W-what do you mean?" kinakabahang tanong nito.

"Sila ang dahilan kung bakit ka naghihirap dito ngayon," sagot nito.

"Wala naman akong ginawa sakanila, bakit pati ako nasama?" inis na tanong niya.

"Hindi mo ba napapansin o nararamdaman hindi ka nila tinuturing na kaibigan. Naalala mo ba nung araw na kinuha kayo, hindi ba dapat ay makakatakbo ka kaso hinila ka ni Trisha kaya napasama ka," aniya.

Natahimik naman si Roxanne at unti-unting namuo ang inis at galit sakanyang dibdib nang mabalik tanaw niya ang lahat ng ginawa sakanya ng kanyang mga kaibigan. Ni minsan ay hindi niya naramdaman na kaibigan ang turing nila sakanya at madalas ay pakiramdam niya ay hangin lang siya sa mga ito.

Parating sila ang tama at siya ang mali sa lahat ng bagay.

"What do I do?" mahinang tanong ni Roxanne.

"Find and kill them, that will set you free," maikling sagot nito na ikinatigil ng paghinga ni Roxanne.

"What if I don't?" tanong niya.

"Then I'll come and find you, kahit ubos na ang oras," sagot nito.

Mariing napalunok naman si Roxanne at nagpunas ng kanyang pawis sa noo. "Decide now, or die," wika ulit ng kaharap.

"O-oo, g-gagawin ko na," mabilis at nauutal na sagot ni Roxanne.

Narinig naman niya ang pagngisi nito at binigay sakanya ang hawak na kutsilyo. Tinanggap iyon ni Roxanne at dahan-dahang humakbang palabas at nang nasa may pintuan na siya ay muli niyang nilingon ang taong nakausap at tinanguan naman siya nito.


* * *

IH

The Royal AcademyWhere stories live. Discover now