75. She's bleeding

Começar do início
                                    

Lahat ay nakasunod at nag-aalala din para kay Jess.

Agad namutla ang manager ng marinig ang Penthouse. Wala sa sariling sumunod din siya at mabilis na kinuha ang cellphone para tawagan ang mga empleyado. Sana napaalis na nila si Ms. Sofia sa Penthouse.

Tahimik lang na nakasunod si Talia ng mapansin niya ang pulang likido sa may binti ni Jess.

"Ohmygod! Xander!",nahihintakutang sigaw ni Talia.

"Not now Talia. Not now! I am fucking worried with my wife!"madiin na sagot ni Xander. Kulang nalang ay takbuhin ang pabalik sa hotel.

"M-may dugo siya!",nanlalaki ang mga matang bulalas ni Talia saka nanginginig na tinuro ang binti ni Jess.

Parang nanghina si Xander sa narinig at biglang napahinto sa paghakbang.

Dahan dahan siyang tumingin sa binti ng asawa at nakita nga doon ang dugo.

"Shit!",parang gusto niyang magwala sa galit na nararamdaman.

"Boss, dali! Nasa bungad na ng hotel ang doctor",sabi ni Martin.

Para namang natauhan si Xander at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad.

"Anong nangyari, sir?",agad na tanong ng doctor na sumalubong sa kanila sa lobby ng hotel.

"You! Speak! Tell what happened!",mainit ang ulong bulyaw ni Xander sa nakasunod sa kanilang manager ng hotel.

"D-doc nawalan po siya ng malay. N-nakita ko pong hinawakan niya ang ulo niya kanina",mabilis na sagot ng manager.

Dire diretsong pumasok si Xander si private lift kasama ang doctor, manager at Talia. Ang iba ay sa ibang lift na sumakay.

"She's bleeding",tiim bagang na sabi ni Xander sa doctor.

Agad na hinawakan ng doctor ang pulso ni Jess at pinakinggan iyon saka tumango tango.

Agad na lumabas si Xander ng bumukas ang lift. Kasabay nun ang paglabas nina Sofia at ng kaibigan nito habang hila ang kanilang maleta.

"Xander",bulalas na sabi ni Sofia habang bakas ang pagkagulat sa mukha.

Kumunot din ang noo ni Xander ng makita ito na galing sa loob ng Penthouse pero hindi siya nagtangkang magtanong dito.

"Open the damn door!",bulyaw ni Xander sa manager na namumutla.

"Y-yes sir",sagot nito habang nanginginig ang kamay na binubuksan ang pinto.

"Kapag may mangyaring masama sa mag-ina ko, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko",pagbabanta ni Xander dito.

"Xander, anong nangyari?",tanong ulit ni Sofia pero hindi siya pinag abalahang sagutin ni Xander at pumasok na ng tuluyan ng mabuksan na sa wakas ng manager ang pinto.

"Excuse me. Makaka alis na kayo. Hindi kayo kailangan dito",pagtataboy ni Talia kina Sofia at dali daling pumasok din sa loob ng Penthouse.

Agad na inasikaso ng doctor si Jess matapos mailapag siya sa kama ni Xander.

Binuksan nito ang hawak na bag saka mabilis na naglabas ng injection at isang maliit na botelya ng gamot.

"W-what is that?",tanong ni Xander.

Kumuha ulit siya ng isang injection at kumuha ng dugo.

"Sa labas muna tayo Xander. Hayaan mo muna ang doctor na umasikaso sa kanya",sabi ni Talia at pilit inilalabas si Xander na wala sanang kabalak balak na iwan ang asawa lalo na sa kanyang kalagayan.

Hila hila siya ni Talia habang pilit inilalabas mula sa kwarto.

"Kumusta si Jess?",tanong agad ni Gwen.

"Wala pa sinusuri pa siya ng doctor"

"Ano ba kasing nangyari?",tanong ni Ben.

Masama ang tingin na pinukol  ni Xander sa manager na naroon pa din.

"I think I understand now",mainit ang ulong sabi ni Xander.

"S-sir promise po nag-uusap lang po kami kanina ni Madam tapos bigla pong sumakit ang ulo niya",naiiyak na sabi ng manager.

"What the hell Sofia is doing at the Penthouse?",matalim na tanong ni Xander.

"M-may miscommunication lang pong nangyari sir",tuluyan ng napaluha ang manager.

Bago pa magbitaw ng salita si Xander ay bumukas ang pinto ng kwarto kaya sabay sabay silang napabaling.

"Mr. Steve",tawag ng Doctor mula sa kwarto.

Agad namang napatayo si Xander at saka bumaling ulit sa manager.

"Hindi pa tayo tapos. Sorry to disappoint you but I will not let this pass so easily.",banta ni Xander sabay pasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang asawa.

"L-love",umiiyak na tawag sa kanya ni Jess.

"Love! Hey, why are you crying?",tanong ni Xander at mabilis na dinaluhan ang umiiyak na asawa.

"I was so scared! Akala ko hindi na kita makikita.",umiiyak na sabi nito at mahigpit na yumakap kay Xander.

"Asan si Lavigne? I want to see Lavigne! Akala ko hindi ko na siya makikita!",patuloy na iyak ni Jess.

"W-wait what do you mean?",nagtatakang tanong ni Xander.

Kumalas sa pagkakayakap si Jess at buong pagmamahal na tiningnan si Xander.

"I remember everything now. The day I thought I died!",lumuluhang sabi ni Jess.

"R-really?",hindi makapaniwalang sabi ni Xander.

"Wow, thank God",mabilis na hinalikan ni Xander ang asawa sa kanyang labi.

Naghiwalay sila ng marinig ang pagtikhim ng doctor. Agad namang pinamulahan si Jess at nahihiyang tinago ang mukha sa dibdib ng asawa.

"Doc, kamusta ang asawa ko?",tanong ni Xander.

"They are both fine Mr Steve. Tinurukan ko na si Mrs Steve ng pampakapit. Nagreseta na din ako ng vitamins for her."

"Ho? Anong ibig niyong sabihin Doc?",gulat na tanong ni Jess.

"Congratulations Mrs. Steve, you are two weeks pregnant",nakangiting sabi ng Doctor.

"Ha?! Ang bilis mo naman, Love!",nanlalaki ang matang sabi ni Jess kay Xander saka sumimangot.

"Thanks, Doc! Makaka asa kayo na aalagaan ko ng mabuti ang mag-ina ko",masayang sabi ni Xander.

"Paano yan sir, una na po ako. Good thing we have our own pharmacy in the island thanks to you sir. Pwede niyo ng bilhin ang mga vitamins ni misis",sabi pa ng Doctor.

"I will, Doc. Thanks again. I will ask my secretary to come and talk to you. What else you don't have here? I will provide just tell me",sabi ni Xander.

"Thank you, Mr. Steve. Sige po at mauna na ako"

Nang nakalabas na ang doctor sa kwarto ay agad namang bumalik si Xander sa asawa.

Sumampa siya sa kwarto at agad tumabi sa kanyang asawa. Nakangiti namang nagsumiksik si Jess at yumakap dito.

"I am so damn happy, Love",bulong ni Xander saka paulit ulit na hinahalikan ang labi ng asawa.

"Hmmm. Me too. I love you, Love.",malambing  na sabi ni Jess.

They are kissing each other ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Martin.

Napanganga pa ito ng makita silang mag-asawa sa kama habang naghahalikan.

Inis na napatingin si Xander at saka mabilis na inabot ang maliit na drawer sa side table gamit lang ng isang kamay at nilabas doon ang baril.

Agad namang namutla si Martin at sing bilis ng kidlat na lumabas ng kwarto.

Natatawa nalang si Jess habang napangisi lang si Xander.

-----

2 or 3 chapters more :)



Xander:Till Death Do Us PartOnde histórias criam vida. Descubra agora