"She's a good actress. She can easily make a fool out of people. She's just using you as much as she's been using me, and everything that can give her what she wanted." 

    "Sandali lang—" 

    "And oh Ivan. Its the Bloodshed Tournament that we're talking about. She's been using you to enter the place you loathed the most!" Muling humagalpak sa katatawa si Typo at doon ko lang naramdaman na may mainit na likido na pala ang tumutulo mula sa pisngi ko. 

    The place he loathed the most? 

    Sa mga araw na nakasama ko si Ice Bear. Akala ko talaga ay mas nakikilala ko siya. Pero marami pa rin pala akong hindi alam sakanya at sa tingin ko'y ang mga bagay na 'yon ang sisira sa kung anong mayroon kami ngayon. 

    "Ice Bear—" 

    "Totoo ba?" 

    Sinubukan kong lumapit ngunit napahakbang lang siya palayo at iwinagli pa ang kamay ko.

    "Sasali ka sa tournament na 'yon?" Napasinghal siya at halos hindi ko na makilala kung anong ekspresyon ay mayroon sa mga mata niya. 

    "Gagamitin mo lahat ng tinuro ko para ano? Para manakit ng tao? Para maging masama?" 

   "Hindi naman 'yon gano'n Ivan. May dahilan ako! Hindi—" 

    "To hell be with your reasons, Nathalie. I gave you everything you need to learn! I gave you everything only to find out that you'll use it for evil purposes." Napahawak ito sa sentido.

    "You know what? I'm ashamed. Right now, I really feel like I just succeeded in raising a monster." 

•••

    Hindi ko alam kung iiyak ba ako dahil sa mga sinabi ni Ivan o sa gagawing pagmamaltrato sa 'kin ni Typo ngayon. Kasi sa totoo lang, nagkakanda letse, letse nanaman ang lahat. At heto, heto nanaman ako. Paulit ulit na lang. Alam kong kaya kong lumaban. Alam kong kaya kong patumbahin si Typo. Alam ko ang pagitan sa lakas naming dalawa, pero wala pa rin akong magawa. 

    Kasi nakatali parin ang leeg ng pamilya ko sakanila. 

    Alam ko ring mali ang ginagawa ko, at tama naman si Typo sa mga sinabi niya na ginamit ko si Ice Bear. Pero wala akong ibang choice! Hindi ba maintindihan ni Ivan 'yon? 

    Wala akong ibang makakapitan kundi patalim! Kundi maging masama at maging kasing halimaw ng mga taong paulit-ulit kaming nilulubog sa lupa! Kasi kung hindi ko gagawin 'yon, paano ako? Paano ang pamilya ko? Paano ang mga karapatan namin na palagi nalang na pinagkakait ng bayang 'to? Ni hindi nga kami maka alis dito!

    Paano ang kalayaan namin?

    Nang makarating sa kwarto niya ay agad niya akong inabutan ng benda, na para bang bilini niya talaga 'yon para sa 'kin. Napasinghal nalang ako at tinanggap 'to.

    At kung minamalas ka nga naman, bigla pa tuloy sumagi sa isipan ko noong nagtre-training palang ako kay Ivan at aksidente niya akong nasugatan. 

    Ginamot niya ang gasgas ko ng mga panahong 'yon, pero heto ako ulit ngayon. Mag-isang gagamutin lahat ng sugat na matatamo ko sa mundo. 

    Marahas akong napa-iling dahil sa mga alaalang 'yon at nag antay na sa parusang makakamtan ko sa gabing 'to. Halos ako na nga lang din ang kumuha ng latigo mula sa kama ni Typo at ibinigay ito sakanya. Ngunit imbis na magsimula ay tumawa lang siya at napailing. 

    "Bad girls deserves bloody punishments, you know that. Pero dahil nag effort ka, bibigyan kita ng chance ngayon." Ngumiti siya at ginulo pa ang buhok ko na akala mo naman talaga normal na usapan lang ang ginagawa namin!  

my name is not loveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora