Chapter Twenty Five

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko talaga alam kung ano ang sikreto niya paano siya nakakauha ng mataas na grades. Ano kayang klaseng utak meron ang taong 'to? Minsan nakaka inggit maging in born na matalino. Ako kasi kung hindi ko sisipagan, hindi ako makakakuha nang mataas na grade.

Both me and Seb sit in silence while we're doing our own business. Pero ito yung katahimikan na hindi awkward. I hate to admit it but I feel more comfortable around him after I cried in front of him.

I also appreciate the fact na hindi niya bino-brought up ang pag iyak ko nor pinipilit na i-kuwento ko lahat nung nangyari about sa mom ko at yung pandaraya ko sa letter ko noon. But at the same time, I can feel that he's trying to comfort me by buying me ice cream.

Aaminin ko na dati, bwisit na bwisit ako kay Seb. Well, may times na bwisit pa rin ako sa kanya kasi ang galing galing niya mambwisit.

But yeah, I appreciate him a lot these days. I really do.

Past five in the afternoon na rin nung umalis kami sa leisure house. Sabi ni Seb, ihahatid na niya ako sa amin. Hindi na ako tumanggi kasi alam kong hindi naman ako mananalo sa kanya so I just let him. Sabi niya rin naman malapit lang sa amin ang tinitirahan niya.

"Taga saan ka ba?" tanong ko sa kanya nung naglalakad kami papunta sa sakayan ng bus.

"Secret," he said with a playful grin. "Bawal sabihin, baka i-stalk mo 'ko."

I rolled my eyes, "assuming ka pa rin."

I heard him chuckled.

Hindi ko na siya pinilit sabihin sa akin. Baka mamaya isipin pa niya na interesado ako sa kanya.

Well, to be honest, curious ako sa kung anong buhay si Seb. Pag pumapasok siya sa school parang palagi siyang bagong gising. Ang dugyot ng itsura, lukot pa ang uniform tapos hindi naka tuck-in. Napansin ko rin yung bag na gamit niya, luma na 'to at nabubutas na yung gilid.

It makes me wonder kung hindi ba maayos ang living condition niya?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya, sa totoo lang. Pero the mere fact na ayaw niya i-disclose sa akin kung saan siya nakatira means hindi siya willing mag open up ng about sa buhay niya. And I get it, dahil ganoon din ako. Dahil may mga bagay na hindi pa rin ako ready na pag usapan.

So like him, hindi ako nagtatanong. I respect his privacy.

I got distracted with my train of thoughts nang maramdaman kong may kumikiskis sa ankle ko. I suddenly yelp kaya naman napatingin si Seb sa akin.

"Iris?" tawag niya.

Napatingin ako sa paanan and I saw a small black kitten on my feet. She's so tiny and small. Half of her body is covered with mud and she's meowing weakly at me.

"Hala kuting," sabi ni Seb at yumuko siya to pet the the kitten pero natakot sa kanya yung kuting at nag tago sa likod.

"Uh.. 'di niya ako gusto," sabi ni Seb. "Pero mukhang gusto ka niya."

"Itabi natin siya baka masagasaan ng mga dumadaang tricycle dito," sabi ko.

Nag labas si Seb ng face towel at binalot namin yung pusa doon at binuhat ko. The kitten kept on crying on my chest habang buhat buhat ko siya. The way she meows, para siyang nag mamakaawa.

"Nasaan mommy mo?" tanong ko doon sa kitten. Tumingin ako sa paligid to see if may iba pang stray cats sa paligid pero wala akong makita. Baka napahiwalay siya sa mommy niya. She's very small and skinny. Her meow is weak, probably she's very hungry. Probably she's looking for her mom to feed her. I'm sure takot na takot siya nung napahiwalay siya. I wonder kung gaano na siya katagal nagpapaikot ikot dito mag isa.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon