Chapter 16: Losing It

Start from the beginning
                                    

            “Wala bang playground o park na malapit dito, Marky?” Tanong bigla ni Monic. Gulat tuloy na napatingin sa kanya ang dating nobyo.

            “Uhh... Meron naman... May maliit na playground sa building namin... Do’n sa likod.”

            “Ayun naman pala eh. Puwede na do’n. Makipaglaro ka muna sa anak mo.”

            “Pero... ayos lang sa’yo? Baka kasi kailangan niyo nang umalis agad...”

            “Hindi ah,” mabilis na tanggi ni Monic. “Maaga-aga pa. Kaya kahit saglit lang, maglaro na kayo.”

            Napangiti sa kanya si Marky. At ang ngiti nito... Hindi siya sigurado pero... parang kakaiba kaya nakaramdam din ng kakaiba ang puso niya. O siguro masyado lang siyang nag-iisip ng kung anu-ano at masyado lang mag-react ang puso niya?

            “Okay... Sige.” Sagot na ni Marky bago binalik ang tingin sa katabing anak na abala pa ring kumakain. “Bilis, prinsesa ko. May pupuntahan tayo.”

            Kumurap-kurap ang bata sa ama, which Monic found so cute and funny at the same time kaya natawa siya.

            “Maglalaro kayo sa park ni Daddy, kaya dalian mo na.” said Monic. Napatingin sa kanya ang bata with wide and twinkling eyes.

            “Talaga po?” Sabay lingon ulit sa ama. “Magpe-play tayo po sa park, Daddy?”

            Tumango si Marky. “Uh-huh. Talaga.”

            “Woah! Yeeey!” Cheer naman ni Alannah at binilisan na ang pagkain. Habang nagkatinginan naman sina Monic at Marky—with both of their lips forming a very happy smile.

                                                                        ***

ANG CUTE NAMAN nila...

            Ngiting-ngiti si Monic habang nakaupo sa swing at pinapanood ang mag-ama na naglalaro sa katapat niyang octopus slide. Akyat nang akyat si Alannah para mag-slide, at parati naman itong sasalubungin at aalalayan ng ama sa dulong ibaba. Hanggang sa maghabulan ang mga ito, at umalingawngaw sa paligid ang matinis na pagtili ng bata.

            “Alannah!” Maya-maya ay si Marky naman ang napasigaw. Nadapa kasi bigla si Alannah. Madali nitong nilapitan ang anak at pinatayo at tinignan ang mga tuhod.

            Nag-aalala si Monic, ngunit agad kumalma nang makitang nakangiti at matawa-tawa lang ang bata sa nangyari. Napakamot naman ng ulo ang ama nito.

            How I wish my dad’s like Marky... Nalungkot si Monic nang maisip ang ama. Wala kasi silang naging ganung bonding, ever. Kahit man lang ganun katinding concern, wala.

            Pinapagpag ni Marky ang mga tuhod ni Alannah, nang mapansin ni Monic na may paparating na dalawang bata. Oh, fraternal twins na may kasamang naka-uniform at may edad nang nanny. Mukhang mas bata kay Alannah ang kambal, pero hindi nahiya ang mga ito na unang lumapit at magyayang makipaglaro.

            Si Alannah, mukhang nagpaalam pa sa ama. Nakita naman ni Monic na natawa si Marky bago tumayo at pinat sa ulo ang anak. Pinayagan na yata nito ang bata dahil nagtatalon-talon sa tuwa si Alannah bago nilapitan ang kambal at sinimulang makipaglaro gamit ang bola na dala ng mga ito.

            Hindi umaalis ang nanny sa tabi ng dalawang bata. Talagang binabantayan nang maiigi ang mga alaga. Kaya kampanteng iniwan ni Marky ang anak at nilapitan na si Monic.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now