11th Choice- Jacob.

Start from the beginning
                                    

“Uh, duh? Magbusiness partners ang mga daddy natin. Baka nakakalimutan mo na may share din kami sa resort na ‘to?”

Tinarayan naman kaagad siya ni Emma. Mayaman ang pamilya ni Micole. Nasa larangan ng business ang pamilya nila. Sa kasamaang palad, magbusiness partners ang daddy nila ni Emma.

“I’m so sorry. Pero ang naaalala ko, kaya naming patakbuhin ‘to. Lumapit lang naman ang daddy mo para di bumagsak ang kompanya niyo di ba?”

Matigas at prangka magsalita si Micole. Sasampalin na sana siya ni Emma kung hindi lang nasalo ni Julia ang kamay niya.

“Impakta number 3, wag na wag mong pagbubuhatan ng kamay ang mga kaibigan ko kung ayaw mong ihulog kita sa pool!” Pagbabanta ni Julia sa kanya. Tinuro pa siya nito.

 

“Ah. At least, marunong akong lumangoy. In born.” Inirapan naman kaagad ni Emma si Julia. “Hindi ko kailangang gumastos para magpaturo lumangoy.”

“Ah talaga? Di ba nung Kinder, umiyak ka nga kasi di ka marunong lumangoy? Tapos yung shorts mo, natanggal. Ayun. Lumutang. Sa pagkakatanda ko, naihi ka pa nun. At dahil dun, nadala yung isa nating kaklase sa ospital. Nalulon niya yung waste mo!”

Napatingin naman sina Carmen kay Emma. At parang nandiri. Pumagitna naman si Marion.

“Di kami pumunta dito para makipag away sa inyo. Come on, girls.” Umakbay siya kay Julia. Pero tinulak naman kaagad siya nito. “We just want to swim. Let’s just share the pool.”

“Ah talaga? Eh yang kasama niyo ata ang naghahanap eh!” Sigaw ni Julia. “Tsaka tigilan mo ‘ko sa kakaenglish mo!”

“Julia, tama na.” Inawat ko naman kaagad sila. “Kasama namin at ninyo ang may share sa resort na ‘to. Maghati na lang tayo.”

Nilayo ko naman si Julia kayna Carmen. Huminga ako ng malalim.

“Good. Magshare na lang tayo.” Tinitigan ako ni Carmen. “Pero may mga bagay na di dapat paghatian.”

  

“Teka.” Tiningnan ko siya. “Kung kapatid ko ang pinaguusapan natin, hindi ko kasalanan na bunso ako. Na ako ang priority niya. Pero responsibilidad namin ang isa’t-isa.”

Sinampal naman ako ni Carmen. Di na ako kumibo. Sayang ang isang sampal sa kanya. Hinawi ko na lang ang buhok ko at ngumiti sa kanya.

“Alam kong ikaw yung type ng babaeng madaling magselos. Pero please Carmen. Don’t you think it’s stupid enough for you to get jealous over a relative? Specifically, ako?”

Muli, sinampal ulit ako. Di ako lalaban. Nagulat naman ako nang makarinig ako ng malutong na tunog. Isang sampal para kay Carmen. Mula kay Julia.

Dear Kuya: Her Letters of Choices [EDITING]Where stories live. Discover now