Vernix...

Dinala ng mga Marchese si Ashari sa headquarters ng MPO. Ang Vernix Research Ins.

Manghang mangha pa si Ashari dahil sa TV lang niya nakikita ang malaki at sikat na research institute na ito.

Kaya naman pala ganito kalaki ito, mga mafia pala ang nagpapatakbo!

Haler, sa kurakot na gobyerno sa bansa, walang kahit sino ang may kayang magpatayo ng ganitong kalaking research institution.

"Bid you deathwish, rat." Masama ang tingin ng matandang Adolfo kay Ashari bago ito naglakad papasok sa malaking glass automatic door ng Vernix.

Nakasunod sa matanda ang mga extrang alalay.

"Don't worry, you'll be fine." Bulong ni Kumareng Helen.

"Ashari." lumingon si Ashari sa likudan niya.

Si Dyther at si Easton.

Sabay silang lumapit kay Ashari.

"I am not allowed inside but I assure you, your lawyer is the best. She will take care of you." Isang reassuring na ngiti ang ibinigay ni Dyther kay Ashari.

Imbis na malubag ang loob niya, lalo siyang kinabahan. Leche, 'yung ngiti ni Dyther e parang inihahatid na siya sa huling himlayan.

"Pag nagkita tayo ulit, ililibre kita sa panaginip Dyther." mangiyak ngiyak sa kaba na sagot ni Ashari.

Si Easton naman sa kabilang banda e nakakunot na ang noo.

Bakit hindi kuya ang tawag ni Ashari kay Dyther!? O kaya manong!!!

"Come on! They are waiting."

Nauna na si Easton dahil nabi-bwisit ang kaniyang kalooban.

"Problema non? May regla ba?" gustong batukan ni Ashari si Easton. Promise, oras na makalusot siya ng buhay sa paglilitis na'to, itatakas talaga niya si Gali mula kay Easton!

Mamumuhay silang dalawa ni Gali sa bundok. Iyong walang taong makakakita at makakakilala sa kanila!


Pagpasok nila sa loob, naabutan nila si Adolfo na kausap ang dalawang lalaki.

Isang mukhang responsableng tao at isang senior citizen

Kilala sila ni Ashari!

Nakita na niya ang mukha ng dalawang 'to sa libro ng Project ExG.

"That's Acre and Senior Zaire. They are one of the executives." Wika ni kumare habang papalapit sila sa mga kampon ng lilitis sa kaniya.

Kahit hindi ipakilala ni Kumare, kilala na sila ni Ashari.

Paglapit nila....

"Ohhh! Hello, WANPI! Finally you're here!" kinawayan siya ng matandang Zaire.

Anong pinagsasasabi ng matandang 'to?

"Ano ho sabi niyo? Wanpi?" sambakol ang mukha ng Ashari niyo. Kung ano ano itinatawag sa kaniya ng mga senior citizen nitong mga nakaraan.

'Yung isa rat. Tapos ito namang tanda na'to e Wanpi.

Pilit iniisip ni Ashari kung ano ibigsabihin ng Wanpi.

Wag niyang sabihin na wanpipti yon ha! Wala akong balak maging sugar daddy siya!

"Pinaikling 100 percent yon! One hundred - wan. Percent-pi. Wanpi!"

Napangiwi nalang ang mga nakarinig.

"He-hehe." babatukan ni Ashari tong tanda na'to e. "Sigurado ba kayo na executive yan?" bulong na tanong ni Ashari kay Kumare.

"Mr. Zaire!" isang pingot sa tenga ang ibinigay ni Acre sa senior citizen. "Umayos kayo tanda."

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now