CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION

11.3K 474 110
                                    

ASHARI JENESSE S. FERELL'S POV

"Para ka namang kinakatay na baboy! Hoy chanak tumahan ka na kung ayaw mong ipakain ko sa'yo 'tong sabon." ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong sabon.

At lalo pa ngang umiyak ang chanak!

Mula ng ipasok ko siya dito sa CR, hindi na siya tumigil sa kakapalahaw ng iyak. Ano bang problema ng uhugin na'to?

Kinuha ko ang tabo na may tubig. Bubuhusan ko na siya kahit hindi pa natatanggal yung damit na suot niya.

Duh, ayokong humawak ng damit na may labak noh.

Ng makita niya ang tabo na puno ng tubig, lalo pa niyang nilakasan ang iyak.

Anak ng chanak naman oh!

"Pusa ka ba ha? Takot na takot ka sa tubig?" inis na ibinalik ko ang tabo sa timba. "Diyan ka lang, may kukunin lang ako! Huwag mo kong susundan ha." iniwan ko siya na naka-upo sa bangkito sa CR.

Di kagandahan CR namin, saktong naka tiles lang ang sahig, hindi de flush ang bowl at walang shower pero wala pa ding karapatan si Chanak na umiyak don!

Nagpunta ako ng kusina at naghalungkat ng food gloves. Pwede na'yon kesa walang sandatang gamit laban sa mga mikrobyong dala ng chanak na'yon.

Nakita ko kaagad yung food gloves. Dinoble ko suot para more on ang protection.

Bumalik ako sa CR.

Hindi na maingay si Chanak pero umiiyak pa din siya ng pahikbi. Nanginginig pa din siya sa ginaw.

E ano gusto niyang gawin ko?

Hindi pa nga ako nakakapag init ng tubig e. Hay nako! Magtiis siya sa lamig!

Agad akong lumapit sa kaniya. Pinigil ko paghinga ko kasi ang ang baho niya talaga. Dahil naka gloves naman ako, mabilis kong natanggal ang suot niya na shirt. Infairnes naman dito kay Chanak ha, polo shirt pala tong suot niya.

Kinuha ko na ang sabon at naglagay ng kalahating tubig sa tabo. Dahan dahan kong ibinuhos sa katawan ni Chanak yung tubig atsaka mabilis siyang sinabunan.

Katawan palang kasi yung short niya hindi ko pa natatanggal. Naging taong bula si Chanak dahil sa pagsasabon na ginawa ko. Mula buhok niya, mukha, kaloob looban ng tenga at ilong niya. Pati mata niya sinabon ko na din. Wapakels ko ba kung mahilam siya. Nagmamagandang loob na nga akong linisin siya e.

Ayan nahilam na nga.

Umingit na ng iyak atsaka nag-ambang ipupunas ang kamay niya sa mata. Inunahan ko nga si Chanak. Kumuha ako ng tubig at ibinuhos sa kaniya yon.

Napahiyaw siya sa ginaw.

Luh, dapat masanay na siya sa ginaw. Tagal niyang na-u-ulan don sa labas e.

"Ayan nagmumukha ka ng bata, chanak." natural na boses kong sabi habang sinasabon ang kili kili niya. Nakapikit lang siya, na trauma na yata na baka mahilam ulit siya.

"Tayo ka Chanak." utos ko.

Agad naman siyang tumayo. Montik pa madulas, ano ba naman 'tong chanak na to. Bakit kasi ayaw dumilat! Kukurutin ko mata nito e.

Ibinaba ko muna ulit yung sabon. Binukas ko yung zipper ng short ni Chanak. Wow ha, cargo shorts pa pala tong suot ng chanak na'to. Bakit parang pang mayaman naman 'tong suot niya? Kung hindi lang to babad sa labak baka pwede pa 'tong maibenta sa pre loved.

Pagbaba ko ng short ni Chanak, nakapampers pa si loko!

Pati pampers niya kasing itim ng labak. Yuck!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now