CHAPTER 50 - CANDLE

4.5K 272 66
                                    

THIRD PERSON'S POV

"He's still in Russia, dear. It's been a month since he left. Hindi pa siya bumabalik dito."

Sumubo ng cinnamon bread ang badtrip na si Ashari habang ini-internalize ang sinabi ni Kumareng Helen.

"Ano ginagawa niya don? Bet niya makipag gyera sa Ukraine?"

Tinawanan naman siya ng mahina ni Kumareng Helen. Kinuha ni kumare ang kakainit lang na chocolate drink at nagsalin sa dalawang tasa.

"Maybe Dyther's the one telling Putin to put a war. You know him, mahilig siyang makisawsaw at bumulong ng mga dapat mangyari." nakangiting pabiro ni Kumare sabay lapag ng tasa na may mahalimuyak na cholote sa harapan ni Ashari. "Fill yourself up dear."

Kinuha naman ni Ashari ang tasa at hinipan ito ng very light. "Wow proud mama yern." Sagot niya.

Umupo si Kumare kaharap ni Ashari at kumain na silang dalawa.

"Pero seryoso na ho, anong ginagawa ni Dyther sa Russia? Bakit hindi pa siya umuuwi? Wala ba siyang obligasyon dito sa mga Marchese o tinatakbuhan niyang sadya?"

"Well dear..." humigop si kumare ng chokolate. "Dyther isn't an official member of the mafian organization ng Marchese, not yet atleast. Hindi pa siya nagdedecide kung gusto niyang tanggapin ang position ng pagiging consigliere. He has no obligations here in fact."

Napatango tango naman si Ashari. Aware naman siya sa part na'yon. Bakit ba kasi itinanong pa niya kung wala bang obligasyon si Dyther, ayan tuloy humaba pa ang usapan nila ni Kumare.

"Ah, pabibo talaga si Dyther. Gusto mapansin kaya gawa ng gawa kahit hindi naman pala belong."

Bunganga ni Ashari minsan...este madalas, pasmado.

Buti nalang hindi patola si kumare. Natawa lang ito at parang legit na sanay na siya sa balahurang bibig ng dalagitang kaharap. "You are half correct haha. Pabibo nga ang anak ko." Aminado naman pala ang ina e. "Actually, he's doing mafian works because of family ties. Marchese's are too important to him. He really wanted to help us... he wanted to help Easton. Don't worry dear, he's sincere and pure."

May lapastangang langaw ang lumilipad lipad sa cinnamon bread. Binugaw iyon ni Ashari.

"Oo na ho, sige na, mabuti at maaalalahaning tao na si Dyther kaya kahit salingpusa siya at papapampam e tinutulungan pa din niya si E---si E----si..." nag-appear nanaman sa utak ni Ashari ang ibinaon na niya sa limot na pangalan. Parang biglang nag-init nanaman ang ulo niya. Lahat ng red blood cells niya sa katawan e nagsisimula ng kumulo! Sakto nakita niya 'yung langaw na biglang nagdive sa chocolate drink ni Kumareng Helen. "Si Engot talaga ng langaw na'to. Nag dive sa choco drink mo Ma'am Helen." turo ni Ashari sa langaw. At doon na nagsimula ang oras na muli niyang nakalimutan ang pangalan ni Easton.

"Goodness me!" itinapon na ni Kumare ang choco drink kahit nanghihinayang ito.

"Sana po Ma'am Helen di niyo na tinapon, inimagine niyo nalang sana na paminta 'yon."

Isang ipit na tawa nanaman ang lumabas sa bibig ni Kumare.

Umupo ulit siya sa kaharap ni Ashari at nakangiting pinanood ang dalaga na kumain.

"Ashari dear, do you still remember the face of your mom?"

Mabilis na tumango si Ashari habang humihigop ng chocolate. "Yung tatay ko palaging pinagpapantasyahan ang picture ni nanay tuwing gabi."

"Hahahahahaha." natigilan si Ashari sa pag-inom.

"Ma'am Helen, walang nakakatawa sa sinabi ko. Normal lang naman na pagpantasyahan ng tatay ko ang nanay ko diba?"

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon