CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION

7.3K 382 160
                                    

THIRD PERSON'S POV

"It is such an honor that we had an interview with a person like you, Mr. Yzrael Chatel, the Vice President of Vernix." pormal na pag-anunsyo ng isang babaeng journalist reporter sa kanilang pagtatapos na interview. "We are looking forward for Vernix's anniversary." ani pa nito bago inanyayahan ang kasamang dalawang junior staff at isang camera man.

Isang tipid na 'Gladly.' mula kay Yzrael ang natanggap ng apat.

Lumabas sila sa Vice President's room...

Paglabas na paglabas nila...

"Omyyyyyyyyy! Ang gwapoooo niya!" tili ng isa sa dalawang junior staff.

"Ang sarap magpalahi kyaahhh!" pagsang-ayon pa ng isa. "Ms. Pen, thank you. Thank you talaga dahil kami ang isinama mo sa interview na'to. Imagine, the rumored former pirate na Vice President ng Vernix na sobrang gwapo ang na-interview namin? Ahhhh, pwede na akong mag file ng resignation bukas na bukas din."

Seryosong mukha namang tiningnan ni Ms. Pen ang kaniyang dalawang junior staff bago.... "Ihhhhhh ano ba! Kayo ulit isasama ko kapag may chance na kaylangan ulit interviewhin si Chatel. Ang pogiiiii kanina pa ako nagpipigil ng ihi sa kilig!~~~" ay kumalembang na nga din po si Ms. Pen na halos dalawang dekada ang tanda kiay Yzrael.

Napa-iling nalang ang camera man...pero sa loob loob niya, nagdadalawang isip na siya kung aanib na ba siya sa pederasyon ng mga kabaklaan dahil sa kagwapuhan ni Yzrael.

YESS! YZRAEL MINE, WALANG AAGAW!

Tuluyan ng lumabas ang apat na interviewer sa Vernix. Siya namang paglabas ni Yzrael sa room. Unbothered at domineering!

"Minsan na-a-amaze ako sa sarili ko, I would never imagine na I really have the eyes for people, Yzrael."

Napahinto si Yzrael ng bumungad sa kaniya ang kapitapitagang Presidente ng Vernix...

Peter Veracillo.

Isang magalang na pagyuko ang ibinigay ni Chatel sa kaniyang Presidente.

"It would be my pleasure only if you'll be the one attending the interviews, Mr. President."

Malutong na tawa ang pumalahaw sa magarbong hallway ng Vernix. "Hahaha Yzrael!" ani nito. "My face is not for public and ordinary people."

Tiningnan lamang siya ni Yzrael with his 'ah ok' look.

Naglakad na si Yzrael paalis. Tapos na ang trabaho niya sa Vernix, may mga dapat pa siyang ayusin sa labas.

Sinabayan naman siya ni Peter sa paglalakad paalis.

Saktong habang naglalakad sila, nakasalubong nila ang bhoszx maluphetz na masked-man na si Tobias. Sisipol sipol pa ito habang binabaybay ang hallway.

"Mr. President, if you hate public that much, why don't you wear a mask like his." suhestyon ni Yzrael.

Sawang sawa nang maging mukha ng Vernix si Yzrael. Lahat ng transaction na kaylangan ng appearance ng Presidente, siya ang sumasalo.

He is an appointed Vice President. Hindi naman talaga niya ginusto ang posisyon na ito, sadyang isa siyang tao na sagad sa sense of responsibility. Noong nagpaulan si Lord non, sinalo lahat ni Yzrael. Nagtampisaw pa siya!

"Ha! Gusto mo ba akong magmukhang katawatawa kagaya niyang si Tobias? Isa pa, panget lang ang mga nagsusuot ng maskara."

Nakarating sa pandinig ni Tobias ang sinabi ng Presidente.

"Oi Mr. President, nandito ako para sunduin ka hindi para marinig ang mga insulto mong wala namang patunay at basehan." ani ni Tobias paglapit niya sa dalawa.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon