CHAPTER 25- JELOUS

7.1K 325 82
                                    

ASHARI'S POV

Nanlalaki ang butas ng ilong kong sumunod kay Easton and others. Natapilok pa ako sa lecheng taas ng heels ng boots na'to. Ginusto mo 'to Ashari, ginusto mo kaya huwag kang magreklamo!

"Leche, papadagdagan ko ng 1 million kay Easton upa ko sa pagpapanggap na'to." para sa 5 MILLION! Kaya mo 'yan Ashari. "Babeee!" patakbo akong sumunod. Ng maabutan ko si Easton, agad akong yumakap sa mga braso niya.

Achhhkk! Ramdam na ramdam ko biceps ni Easton sa ilalim ng trenchcoat at turtle neck niyang panloob. Hinimas himas, hinagod hagod ko ang mga braso niya....ugh, sana ganito braso ng maging jowa ko sa future. Si Tony kasi mukhang tingting 'yon, buto't balat.

"What are you doing?" naramdaman ko ang madilim na aura na bumabalot sa bulong ni Easton.

"Hinihimas biceps mo." pag-amin ko naman. Masama bang i-admire ang biceps na gawa ni Lord na pinaghirapan ni Easton?

"Himasin mo lang, bukas makalawa 'yang braso na'yan ang sasakal sa leeg mo." pananakot naman niya. Panira talaga 'tong isang 'to e bwisit.

Inis na binitawan ko ang braso niya. "Panget mong biruin." usal ko.

"Easton..." biglang lumingon dito sa likod si Cannabeth kaya mabilis ko ulit na inangkla ang braso ko sa braso ni Easton.

"Aww, babe ang tigas talaga ng biceps mo, kayang kaya akong ipaglaban sa hirap at ginhawa." kung si Ashari ako ngayon, 'yan ang sasabihin ko sa pagmumukha ni Cannabeth pero dahil si Jenesse ako ngayon, magpapanggap akong isang mahinhin at kapitapitagang tao na ipinanganak na parang prinsesa na hindi makabasag pinggan.

"Babe, Cannabeth has something to tell you." wala lang, epal lang ako bilang Jenesse. Leche kasi 'tong babaeng 'to. Bakit ba ang martyr niya ha?

Hindi ba dapat umiiyak na siya ngayon kasi nalaman niyang may jowa na ang soon to be fiance niya? Iba talaga sapak sa utak ng mga mafia. Iba din mag-isip 'tong Cannabeth na'to e. Feeling niya pampalipas oras lang ako ni Isprikiton at ginagamit lang para sa mga Silvia?

Bakit ganyan siya mag-isip ha? Panget ng mindset niya.

So paano kung mag-asawa na sila ni Easton? Ok lang sa kaniya na may iba itong babae na pampalipas oras? Ok lang sa kaniya kung may laruan ito at may ginagamit na babae para sa sariling dahilan?

"As for your info, I am here for an important matter, we need to talk in private, Easton." tumingin si Cannabeth sa akin na para bang pesteng langaw ako na umaaligid kay Isprikiton.

Tusukin ko mata niyan e.

"And as for your info Cannabeth, I am with my girlfriend." Kinuha ni Easton ang braso ko na nakapalupot sa kaniya. Kinilabutan ang buong pagkatao ko ng inislide niya pababa ang mga kamay niya sa kamay ko.

Acckkkk! Holding hands kami ng mga gwapong kamay ni Easton! Oo, gwapong gwapo talaga ako sa kamay niya. Lalo na 'yung mga manly veins na gumuguhit kapag pume-pwersa ito. Hindi naman masamang purihin ang kamangha manghang likha ni Lord noh.

Tumuon ang tingin ni Cannabeth sa naka-intertwine naming kamay ni Easton. Pain flushed in her eyes, hindi ko alam kung nakita 'yon ni Easton pero mabilis na itinago iyon ni Cannabeth.

Tama nga ang mga info na nakalap ko, she's a refined gold na hindi mo mapipintasan ng kahit ano. Sobrang professional niya, alam niya kung kaylan dapat itago 'yung nararamdaman niya.

Sana ol noh, ako kasi kung walang 5 Million na nakasalalay dito, hindi ko gagalingan ang pag-arte!

Pero bakit nga ba ipinagsisiksikan pa niya sarili niya dito?

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon