CHAPTER 33 - THE OFFER

5.5K 310 76
                                    


ASHARI'S POV

For sure, miss na ako ni Gali! Bwisit naman kasi, nakidnap pa ako ng lecheng Rebel na'to!




Pilit kong tinatandaan kung ano ba ang description ng mga Marchese kay Rebel.

Pilit kong inaalala.

Ano na nga ba 'yung mga chismax ng mga maid at iba pang extra na pakalat kalat sa mansion ni Isprikiton?

Ahh, ang sabi nila kabaligtaran daw ni Easton si Rebel. Paanong kabaligtaran ba?

"May lason 'to noh? Umamin ka!"

Kahit gaano kasarap ang itsura ng isang damukal na sea food dishes na nasa harapan ko, wala pa din akong tiwala. Kulang nalang i-double cook ko sa tingin 'tong mga pagkain. Pakiramdam ko e may mga buhay pa 'to at anytime e lalamunin ako!

Kulang nalang imurder ko ng tingin ang mga pagkain dito.

"You really an odd one, you know that?"

Inalis ko ang tingin ko sa mga pagkain, tumingin ako kay Rebel. 'Yung tingin na tinatanong siya na 'MAY LASON 'TO NOH? GUSTO MO AKONG PATAYIN NG MAAGA!'

Pwes, sorry siya, masamang damo ako kaya naniniwala akong hindi tatalab sa akin ang lason ng mga pagkain dito--kung mayroon man!

"Pinagsasabi mo?" reklamo ko sa pagmumukha niyang parang interesadong interesado na nakatitig sa akin.

Infairness, never in my wildest imagination na makakaharap ko ang Rebel na'to. Parang kaylan lang, nalaman ko na ex niya si Cannabeth ah.

Naka move on na kaya siya? SANA HINDI HAHAHA!

Kinuha ni Rebel ang isang baso ng beer at ininom ang kalahati noon. "I said you're odd." di ako bingi. Odd niya mukha niya. "Shouldn't you be asking first why did I bring you here instead of glaring at the food doubting it has poison?"

"Bakit, sa tingin mo hindi ko pa 'yan naitanong sa sarili ko?" syempre kahit saang anggulo mo tignan, nandito ako kasi... "Hindi mo ba ako kinidnap dahil sa 500 million?"

"500 million?" takhang tanong ni Rebel sa akin. Nagsimula na siyang kumain. Una niyang chinibog 'yung meat fish na parang salad nakapatong sa salad. Hindi ko alam kung ano tawag don. "Try this, it's seared ahi tuna" pasegwey niya.

Walanjo, ano bang pangalan nitong mga pagkain na nasa harapan namin? Yayamanin naman, nakakahiya kainin susginoo! Nakakahiya naman sa tuna na ginawan pa ng magandang pangalan. 

Ngayon na kumakain na si Rebel, sureball na ako one hundred percent na walang lason 'to!

Ano Ashari? Kakain ka na ba ng pagkain na alok ng leader ng mga kampon ni kadiliman?

"Oo, 'yung 500 million na pinalipad ko sa Museum niyo." hindi muna ako kakain, iintayin ko muna mag 10 minutes, baka mamaya biglang matigok si Rebel e. "Hindi ba 'yon yung dahilan kung bakit mo ako kinidnap?"

Bigla kong naalala 'yung first love ko---ang mga kayamanan ko na pinalaya sa Vintagio Museum! Ay nako, hanggang ngayon nanghihinayang pa din ako sa mga pera kong isinakripisyo! Ang sakit pa din sa puso huhu. First heart break ko 'yon sa tanang buhay ko!

 "Gusto mong pabayadan kay Easton 'yon noh? Sorry nalang sa'yo pero kuripot si Easton. Kahit sampong beses mo pa akong kidnapin, hindi ka niya babayadan!"

Kahit sampong beses din akong makidnap, alam kong walang pake 'yung isang 'yon kaya sorry ka nalang Rebel.

Iintayin ko nalang na lumaki si Gali, sure ako na siya ang sasagip sa akin dito sa dagat na napapaligiran ng mga sugpo.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now