"Pasalamat ka at hindi ka nakatikim ng batok," sabi ko atsaka lumabas ng classroom. Narinig ko pa ang pahabol ni Sein mula sa pinto.

"Kaita, huwag mong kakalimutang i-goodluck kiss si Ushijima ha! Babatukan talaga kita!"

"Shut up!"

Napahilot ako sa sentido nang makababa na ako sa unang palapag. Biglang pumitik ang ugat ko sa ulo dahil sa isinigaw ni Sein. Ano bang pumasok sa utak 'non? Kahit gusto ko si Ushijima, hindi ko magagawa yun. Good luck kiss? My God! I can't imagine myself doing it to him, nakakahiya.

"Hey, ayos ka lang ba?" Isang boses ang nagpaangat sa ulo ko. Sa harap ng mga lockers, nakatayo ang taong gustong kumausap sa akin. Nakasuot siya ng kanilang jacket at pants. "What's bothering you?"

Umiling ako. "Nothing," lumapit ako sa kanya ng tuluyan. I heave a sigh before giving him my usual smile. "Gusto mo daw akong makausap."

Tumango siya. "I just want to say that we have to go. Atsaka..." bigla niyang inabot ang kanang kamay ko, dahan-dahang inilapit sa kanya at maraan itong hinalikan. I can feel his lips against my bare skin and it feels so warm. Napalunok ako sa ginawa niya. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kalma ka lang, Kaita. Kumalma ka.

Nang maalis niya ang labi sa kamay ko, muli niya akong tiningnan at ngumiti. "Kumalma na ako."

"W-What?"

"Hindi kasi ako mapakali kanina habang hinihintay ang oras ng pag-alis. Kaya pumunta muna ako dito para makita at makausap ka," napahinga siya atsaka na binitiwan ang kamay ko. May kinuha siya sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa akin.

"The victory charm," usal ko at napangiti. Hindi niya nakalimutang dalhin, mabuti naman. May kinuha rin ako sa aking bulsa at ipinakita sa kanya. "Hindi ko rin nakalimutan," tukoy ko sa ibinigay niyang protection charm. "See you in finals."

"Yeah, in finals."

"Wakatoshi-kun, tara na!" Rinig namin ang pagtawag ni Tendou-san sa labas. Mukhang aalis na sila.

"Nandyan na," sagot niya. Pero bago pa siya umalis sa harap ko, muli niyang itinaas ang kamay at inabot ako. Nahuli ko ang sariling yakap-yakap ni Ushijima at hindi makagalaw. Para akong naparalyze sa kinatatayuan. W-W-What is this? I—I can smell his scent.

"U-Ushijima-"

"Five seconds," he muttered under his breath. Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap. Maya-maya, bumitaw na siya at muli akong tiningnan. "Bye."

"B-Bye."

At agad na siyang umalis. Naiwan akong hawak-hawak ang dibdib kung saan ang puso ko, ngayon ko lang napansin ang panginginig ng mga tuhod at kamay ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang niyakap ako ni Ushijima. It's the second time he did it to me pero naninibago pa rin ako, siguro dahil ngayon ay may gusto na ako sa kanya.

It was a brief reverie but a good one.

"Nakita ko 'yun!"

"Ano?!"

Marahas akong napalingon sa likuran at nakita ko si Sein na lumabas sa pinagtataguan nito—sa gilid ng mga lockers. Lumapit siya at tila mang-aasar na naman. I almost rolled my eyes when I saw her devious smile.

"Ba't ka nandito?" tanong ko nang makalapit siya. "Sinundan mo ba ako?"

"What? Hindi. Nagkataon lang na may kukunin ako sa locker ko," dahilan niya atsaka tinungo ang sariling locker at binuksan ito. Pinakita niya ang kinuhang notebook para sa susunod naming subject. Muli niya isinarado ang locker at lumingon sa akin. "I'm really happy for you, Kaita."

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Место, где живут истории. Откройте их для себя