CHAPTER THIRTEEN

329 78 16
                                    

The sun is too bright today... I was excepting to rain even just once today, pero hindi, masyadong mataas ang araw ngayon.


"Hay, nakakaawa ang parents nina Noe at Mayra. Iyak nang iyak sila kanina sa libing ng dalawa." Tumango lang ako sa sinabi ni Klinnia.


"Kahit na may ginawa silang hindi maganda kay Weyla. Hindi parin nila deserve ang nangyari sa kanila." malungkot na sabi naman ni Monique.


I've learned that Mayra and Noe are cousins... Hindi sila nakaligtas sa pagsabog. I feel so sorry, this is my fault, I should have at least bring Mayra with me, at hindi ko siya iniwan sa rooftop ng lumang gusali.


"What are you thinking?" tanong bigla ng katabi ko. Nasa balcony kami ngayon ng kwarto niya dito sa headquarters nila.


"Nothing... It's just that, life really is short, hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundong ito."


Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko at inilapit pa ako sa kaniya. Muka tuloy kaming magkayakap ngayon.


"But it doesn't mean na hindi na tayo magiging masaya.. Life maybe short, hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa susunod na mga araw. But now, the only thing I know... I can't live without you." aniya at mahina siyang natawa at hinalikan ako sa noo. Ngumiti naman ako at iniyakap ang kamay ko sa bewang niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.


I really hope nothing will happened... I really wish we can stay like this forever. Sana walang mag bago.....








"Goodness Zy! I've been calling you almost five hundred times already, but you're not answering your damn fucking phone! A-"


"Teka nga! Ano ba kasing kailangan mo?" Hindi ko na pinatapos si Miiver sa mga sinasabi niya. Ang daldal, hindi nalang sabihin kung bakit siya tumawag. Psh.


"Where are you?" Napailing nalang ako dahil sa tanong niya.


"Yun lang? Yun lang ang dahilan ba -"


"Just answer, Zy!" Pambabara niya naman. Nang-gagaya pa to. Ano bang problema ng lalaking to.


"Nasa headquarters ako ng kings ngayon, bakit?" sagot ko nalang.


Natahimik naman siya sandali. Wierd talaga ng lalaking to...


"You have to go back to your condo unit." Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya.


"Pero hating gabi na." Inip na sabi ko sa kaniya. Napalingon naman ako kay Xzevier na natutulog sa kama.


Napailing nalang ako nang maalala ang nangyari ka gabi... We almost did it... Tsss..


"Zy nandiyan ka pa ba?" Napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa malakas na sabi ni Miiver sa phone.


THE REAL QUEEN'S LIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now