"Ikaw ba? Pano ka napunta dito?"tanong ko at naglakad na papasok sa room, sinabayan niya  naman ako

"Napaaway ako"ani nito at natawa ako kasi same kami.

"Ahhh, di na nakakagulat"ani ko

"My club kanang sasalihan?"bigla ay tanong niya nakinataas ng kilay ko

"Pede sumali sa club ang end class?"

"Pede naman kaso lagi kang alalay"ani niya at napairap na lang ako

"Patayin mo na lang ako"ani ko saka pumunta sa upuan ko. Aping api talaga ang end class pero bakit di sila umaalis rito. Ano yun trip lang nila sa buhay para my trill?

Nag umpisa ang klase at nabangit nga ang tungkol sa club, halos lahat naman ay di interesado lalo naman ako pake ko ba. Isa pa sa announcement ay ang buwan ng wika sa agosto. July 26 na kasi ngayon. At my kailangang representative kami sa pagtula. Pagbasa. Poster and slogan, jingle making, at talumpating di handa. Sa augost 23 pa naman. Atat lang talaga ata tong si mr. Tom

Natapos ang klase at ngayon ko lang napansin na wala parin si kami. Maging si thea ay absent den. Kaya naman nag isip ako ng gagawin ko kasi ang bored ng buhay ko

Namataan ko naman si mr. Tom kaya agad ko siyang nilapitan.

"Hoy mr. Yung jacket mo, kailangan ko pa bang isauli yon o itatapon ko na?"tanong ko sa kanya

"Gusto mo lang itago nag dadahilan kapa. Alam kong gwapo at ma appeale ako pero kumalma ka naman"mayabang niyang ani na kinairap ko

"Yabang mo. Pukpukin kaya kita"ani ko na kinatawa niya. Sinabayan ko naman siya sa pagbaba sa bundok. My isa pa kasi akong rason bakit ako lumapit sa kanya

"Sadya bang gusto mo makipag close sa lahat ng estudyante mo?"tanong ko

"Oo naman"

"Para saan. Para mabansagang mabuting guro  ng taon?"

"Mali....Para madami akong fans" ani nito na kinataas ng kilay ko

"Aba mangagamit ka ahh"ani kk at tumawa siya

"Biro lang. Pero my pinangakuan ako kaya ko ginagawa ang mga ginagawa ko ngayon"ani niya na kinatango ko

"21 ka palang naman kala mo eh matandang hukluba  kana kung magsalita"

"Ikaw ba  my pinangakuan kana?"tankng niya at napatigil ako.

"Ewan. Ayoko mangako"ani ko at naalala ko ang mama ni kami. Nangako ako sa kanya sa pagkakaalala ko.

"Ang pangangako kasi ay malaking obligation kaya siguro di mo kaya kasi spoild kana brat kapa"ani nito na kinataas  ng kilay ko

"Aba nagsalita ang tanginang hambog na guro na feeling talented kahit hindi."ani ko at inirapan siya. Tumawa naman ito

"Alam mo yang bibig mo eh masarap kagatin sa sobrang dumi"ani niya na kinairap ko

"Yuk. Iww"ani ko dahil iba ang naiisip ko sa sinabi niya

"Pero alam mo ba kung ano ang gusto ko mangyari?"ani nito at umiling ako

"Ang maturo ko sa estudyante ko ang totoong ibigsabihin ng puso" ani ni mr. At napatigil ito saka tumingin sakin.
"My gusto ka bang malaman?"tanong nito na kinagulat ko. Nababasa niya ba ang isip ko

"Meron nga"ani ko at ngumiti siya

"Diko masasabi sayo ang gusto mong marinig mas magandang malaman mo ito ng kusa"ani niya na kinataas ng kilay ko "konektado ang lahat ng nangyayari sa gusto mong malaman na sikreto" dagdag niya pa saka ako tinalikuran. Nauna naman na siyang maglakad

My sayad ba talaga silang lahat.? Weird.

Pagkauwi kong bahay ay nadatnan ko na nandito na si yaya na pinapunta ni daddy. Yung mayordoma sa bahay na siyang galit na galit sa mga lumalapit sakin. Tunay na ginto kasi ang tingin niha sakin

"Miss alexis ikinagagalak ko po na nakita ko po kayong uli"sabat ni yaya at dahil nasa mood akk ay nginitian ko siya sa unang pagkakataon na kinagulat niya na siyang kinagulat niya.

"Yaya bili moko para sa puson ko. Masakit ee"ani ko at nataranta na agad ito. Namiss ko ang gantong feeling na natataranta ang nasa harap ko kapag my di ako gusto o nararamdaman. Sa end class kasing yon ay di nila iniaappreciate kung gaano ako kahalaga.

Humiga muna ako pagkaalis ni yaya para matulog

Thea POV.

My humahabol sakin ngayon at diko na kaya pang tumakbo dala ng hika ko habang tumatakbo ay subosubo ko ang inhaler at nakahawak sa dibdib ko. Alasais na ng gabi pero bakit ba laging sa gabi nila ako hinahabol malalagot ako kay vincent ee

Wala nakong makitang tataguan pero nakita ko ang condo na kinaroroonan ni alec. Oo nga di nila kilala si alec kaya maliligaw ko sila rito.

Agad akong tumakbo papasok sa di kalakihang building at tumapat sa condo ni palamura agad ko siyang kinatok ng kinatok pero nagulat ako ng isang may edad na babae ang bumungad sa akin na nakabihis pang katulong. Nakakapangilabot ang uri ng pagtingin niya kaya naman nagtindigan ang buhok ko

"Tulog ang heirs. Ang sinomang gumising ay masasaktan"nakakapangilabot na ani nito saka ako sinaraduhan ng pinto. Pero pinigilan ko siya. Mamatay ako kapag di ako tinulungan ng isang to. Malapit na sila

"Teka lang. Kilala ako ni alec. Siya si pala--" diko natapos ang sasabihin ko ng bumukas na naman ang pinto at ang my edad na babae ay my hawak ng kutsiliyo

"Sino ka para basta tawagin ang heirs sa pangalan niya. Gusto mo bang mamatay?"ani nito nakinalaki ng mata ko. Ano bang--

"Kaibigan ko si---'

"Ang heirs ay di nakikipagkaibigan sa hampaslupa. Umalis kana kung ayaw mong saktan pa kita"nakakapangilabot na ani nito. At nakakatakot talaga ito. Ngayon ko na realize na ganon kahalaga si alec pero inaapi lang ng end class.

Akmang sasaraduhan niya na abg pinto pero wala nakong oras kaya sapilitan nakong pumasok. Pero paggulong ko ay isang malakas na sipa mula sa likod ko ang tumama kaya naman halos mawalan nako ng malay.

"Ang heirs ay natutulo---"di na niya natapos ang sasabihin ng nakita niyang nagising na nga si alec

"Thea?"patanong na sabi nito hababg kakamot kamot ng mata

"Ako nga. Tingan mo sinasaktan niya ako palamura---ahh"bigla na naman niya ako sinipa

"Wag mong tawagin ng ganyan ang heirs gumalang ka o kikitilan na talaga kita ng buhay"nakakatakot na sabi nito akmang sisipain na naman niya ako ng pigilan siya ni alec

"Tama na yan yaya. Yaan mo siya. Iwan mo muna kami"ani nito at saka nag inat inat. Yumuko naman ang nasabing yaya saya dumaretsong kusina

"Alec. Napakasama niya sinaktan niya ako"pagsusumbong ko akmang bumaling na naman ang yaya at napataklob na naman ako ng muka dahil parang sasaktan na naman niya ako dahil tinawag ko na namang alec si alec e si alec naman talaga to ee

"Sinabing guma--"

"Yaya tama na don kana"deretsong ani ni alec saka labag sa loob na iniwan kami ng yaya niya

"Bakit kaba naman kasi nandito ng alasais ng gabi?"tanong nito

"My sikreto ang end class na dapat mo kasing alamin para makatulong ka namin"ani ko at inatake na naman ako ng hika dahil sa pagtakbo ko kanina

*********
CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITA


CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now