"Mag-iingat po ako," pinilit kong bigkasin. Isinusumpa kong iyon na ang huling pagsisinungaling na bibitawan ko.

Matagal bago siya lumayo sa bintana. Pagkasara nito, nakaramdam ako ng finality sa lahat. I wanted to say goodbye. Kaso 'di ko iyon gawain at hindi ko alam kung paano gawin. Nag-echo sa tenga ko yung paglock ng pinto. Bakit ganon? Ako yung aalis pero parang ako yung hindi malaya.

Pinaandar ni Rhys ang kotse. Pinilit kong tumingin sa harapan. Kung gusto ko talagang pakawalan ang naging buhay ko sa rancho, kailangang iwanan ko na ang mga ito. God, I suck at goodbyes. Nakausap ko si Lolo bago umalis pero paano yung iba? Si Barney, si Kalbo, si Lino, at yung iba ko pang mga katrabaho? Sina Rica at AJ? Si Shasta, Dimples, at Ares? Si Migs?

Kahit may hinanakit ako sa pag-alis ko, gusto ko pa rin siyang makita kahit sa huling pagkakataon.

Inalis ni Rhys ang kamay niya sa gear stick para hawakan ako sa kamay. Umiwas ako.

“Gusto lang kitang i-comfort. Mukha kang malungkot eh.”

“’Di ko kailangan ng comfort mo. Mag-drive ka na lang,” I snapped at him.

Sanay na siya sa ganitong pananalita ko sa kanya kaya hindi na siya nagkumento.

Nasa main road na kami at hindi pa gaanong nakakalayo nang makasalubong namin si Migs sakay ng motor niya. Hindi naman siya mahirap punahin dahil walang sasakyan sa daan kundi yung amin. Nakita’t nalampasan niya na kami. Muli, gusto kong lumingon para makita ang reaksyon niya. Para pigilan ang urge, pumikit na lang ako.

“What the fuck?” bulalas ng katabi ko.

Hindi ako doon nagulat. Nagulat ako nang may pumalo sa hood ng sasakyan. Iminulat ko ang mata ko’t nagtama ang tingin namin ni Migs sa may bintana ko. Umaandar ang sasakyan at sinusundan niya kami gamit ang motor niya.

“Baba,” muffled ng glass na naghihiwalay sa amin ang boses niya.

Natulala ako sa shock.

“Baba!”

Napatalon ako sa sobrang obvious na galit niya. “Rhys, itigil mo ang sasakyan.”

“Pero—”

“Rhys!”

Napahawak ako sa dashboard sa sobrang impact ng paghinto namin. Pinandilatan ko siya ng mata. “Gusto mo ba tayong mamatay?”

“Paalis na tayo, Hannah! Bakit ba bumabalik ka pa?”

“It’s none of your business! Dito ka lang at huwag manggulo!” Binuksan ko ang pinto at lumabas. Naglakad ako papunta sa likuran ng kotse kung saan kakababa lang ni Migs ng pinaradang motor. Yung hiling ko kaninang makapagpaalam sa kanya ay napalitan ng inis dahil sa ginawa niya. At dahil kumulo ang dugo ko sa nangyari, nasigawan ko rin siya. “Anong problema mo?”

Lumalaki yung butas ng ilong niya sa sobrang lalim ng paghinga. Kinokontrol niya ang sarili niya. “Saan ka pupunta?”

Sa kabila ng inisyal na galit, nagawa niyang pakalmahin ang damdamin niya para hindi ako masigawan. Kaya lang hindi magagawa ng konting kalma niya na panatilihin ako rito. “I’m leaving.”

“Kailan ka babalik?”

Nakatingin ako sa kanya pero nang itanong niya iyon ay lumihis ako ng tingin.

“Puno na ba ang tangke mo?” Nakita niyang ‘di ko naintindihan ang tanong niya. “Tapos ka na bang magpagasolina?” Tinutukoy niya yung minsang naging usapan namin sa kung anong dahilan at nagtungo ako sa rancho. Dahil pit stop ko lang ito’t kapag napuno na ang tangke ko, aalis na ako para malayo ang marating.

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now