Horror Booth

27 4 0
                                    

20th Anniversary nang Nase University ngayong araw kaya nagkaroon nang ibat-ibang booth. may kanya-kanya ding mundo ang mga estudyante, enjoy na enjoy ngayong araw ah. Hindi ko alam kung nasaan sina Pablo, kanina pa namin sila hindi nakikita.

Magkasama kami ni Jah ngayon at hindi ko alam kung bakit  sa dinami-dami nang booth dito sa university ay sa horror booth pa kami napapapunta ni Justin.

Hindi naman kami matatakutin pero gusto lang namin mag explore.

Hawak kamay din kaming pumasok ni Justin, nakakatakot na kasi kaagad 'yung background music dito sa loob. Entrance palang napapasigaw na kami habulin ba naman kami nung lalaking may bitbit na chainsaw with dugo dugo pa!

"WAHHH! JOSH! TAKBO NA! AYAN NA SYA!" Halos magkandadapa na ako sa paghila sa akin ni Justin.

"DAHAN-DAHAN NAMAN! MUNTIK NA AKONG MAPASUBSUB EH! KAPAG NAGASGASAN MUKHA KO UUPAKAN KITA!" Sigaw ko sa kanya.

Sa pagliko namin sa susunod na pasilyo, pareho pa kaming muntik mahimatay ng biglang may tumalon sa harap namin na lalaking nakaitim at pula ang mata.

"WAHHHHHHH!!! IMPAKTO! IMPAKTO!" Sabay naming sigaw ni Justin at dala ng adrenaline rush pareho naming nabugbug yung nang gulat sa amin sabay takbo palayo.

Para naman kasing totoo ang lugar na ito, ito ba talaga yung theater room? Grabe, nagtransform bigla sa nakakatakot na lugar! Ang galing! Napakadilim din at nakakatakot yung sound!

"Oyy Josh, tingnan mo oh. Ang ganda." Nangilabot naman ako ang ipakita sa akin ni Justin ang hawak nyang putol na kamay. "Gusto mo makipag shake hands sa kanya hehehe?"

"Bitawan mo nga yan, Justin! Tara na lumabas na tayo!" Saan ba nya nakuha ang kamay na yun. Gusto ko nang lumabas. Nahawaan na yata ako ng pagiging duwag ni Stell sa mga ganitong lugar.

Basta nalang inihagis ni Justin yung putol na kamay. May natamaan pa nga syang white lady sa likod nya eh. "Tara nga."

Tumakbo na kami ni Justin sa sunod na pasilyo pero may panibagong nakakatakot na nilalang ang humabol sa amin ni Justin, this time pugot na ulo na ang hawak nung nurse na duguan at may hawak pa din syang kutsilyo, kahit props lang yun nakakatakot parin!

Sa kakamadali ko hindi ko napansin ang dinadaan ko, may isang kamay na humawak sa paa ko! Sa gulat ko nahila ko papalapit sa akin si Justin at pareho kaming bumagsak sa sahig----Pero hindi ko kinaya ang sunod na eksena!

Nasa ibabaw ko si Justin at nanlaki pareho ang mga mata namin! King na! Magkalapat mga labi namin?!

Kaagad kong itulak si Justin para makatayo ako at sabay din kaming nandiri sa hindi sinasadyang pangyayari!

"WAHHHHHH! BAKIT TAYO NAGKISS! KADIRI NAMAN! ANG PANGIT NG LASA NG LABI MO!" sigaw nya sa akin!

Binatukan ko sya. "HINDI KO NAMAN SINASADYA AH! KASALANAN YUN NUNG NANGHILA SA PAA KO! TEKA NGA NASAAN BA YUN?! BUGBUGIN NATIN!"

"HAYAAN MO NA NGA! TARA NA LUMABAS NA TAYO!" Nauna na syang tumakbo palayo.

Ako naman ang pinupunasan ko ang bibig ko gamit ang kamay. Langya, mas nakakapanindig balahibo pa yun ah! Ang creepy! Sana walang nakakita!!

Dedicated to: Ellanie Ckarm dela Cruz

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now