Marupok

32 4 0
                                    

Nakangiti akong naglalakad sa kalsada, palubog na ang araw kaya naisipan kong pumasyal sa bahay ng best friend kong si Ken at  bitbit ang isang bucket nang fried chicken na binili ko sa Jollibee. Ibibigay ko ito sa kanya mamaya, paborito nya talaga ang fried chicken kaya mukha na din syang manok.

Malapit na ako at natatanaw ko na ang gate ng bahay nila.

May nakita akong dalawang tao na nakatayo sa may gate, mukhang nag-uusap. Si Ken yung lalaki pero yung babae, nakatalikod kaya hindi ko makita ang mukha.

"Ken, please bumalik ka na sakin I know you still love me right?" Ayy takte! Boses pala yun ng ex ni Ken! What is she doing here?

Mabilis ako nang tago sa nadaan kong kotse. Nagsimula akong makaramdam nang inis. Bakit nandito ang ex nya? Balak nya bang makipagbalikan kay Ken? Ohhh! No way gurl! Hindi ako papayag.

"Tell me, Ken. Do you still love me right?" Narinig kong tanong nung babae. Di ko feel sincerity ni gurl. Mukhang plastic.

Hulaan ko isasagot ni Ken. Hindi na nya mahal ex nya, hindi kaya marupok bestfriend ko. I KNOW HIM! HINDI SYA MARUPOK NA BASTA NALANG BABALIK SA EX NYA KAPAG--

"Oo, mahal pa kita."

Ay palakang tumalon! Kakasabi ko lang Bes na hindi ka marupok eh! Bakit mo sinabi yan?!

Halos mapaupo ako sa semento ng marinig ko ang sinabi ni Ken. Nakakapanlumo, nakakapanghina. Nakaramdam ako ng lungkot, mukhang magkakabalikan na sila pero yung nararamdaman ko kay Ken hindi ko pa nasasabi.

Mapupurnada pa atah ang lovelife ko. Epal.

Tinakpan ko ang tenga ko para hindi ko na marinig pa ang anumang pag uusapan nila. Masasaktan lang ako.

"Ken, ako nalang sana minahal mo. Mahal na mahal kita hindi kita sasaktan tulad ng ex mo." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang sakit makita yung mahal mo na masaya sa iba. Sino nga ba naman ako di ba? Isang hamak na bestfriend lang sa kanya.

"Mahal mo pala ako di mo sinasabi sakin. Mahal din naman kita bakit ka pa umiiyak dyan?" Biglang nay humila sakin at niyakap ako. Wahhh! Amoy palang kilala ko na!

"K-ken?"

" Shhhh. Hindi ako nakipagbalikan sa kanya." Sabi nya habang nakayakap sakin.

"Bakit? Di ba mahal mo sya."

Ngumiti sya. "Oo Mahal ko sya dati pero hindi na ngayon, mas mahal ko ang babaeng kaharap ko ngayon."

Habang unti-unting lumubog ang araw, Ken slowly lowering his face and he kissed me sweet and slowly.  "I love you, Claessa. " He wiped my tears. "I choose you because I love you." Damn! He smiled!

"Ilove you too, Ken! " Nag tiptoe ako at ako naman ang yumakap at humalik sa kanya. "Akala ko marupok ka eh."

Ginulo nya ang buhok ko."Sa'yo lang marupok ang isang Ken Suson. Sa'yo lang 'to kakalampa--Aray! Bakit ka naninipa, dyan?"

"Ambastos nang words mo." Telege be? Se eken leng she kekelempeg? Yieee, haba nang hair ko. Excuse me, baka maapakan nyo, tabi tabi.

Inakbayan nya ako. "Tara na sa loob, kainin ko na yan."

Bigla akong namula sa sinabi nya."H-ha? K-kainin ang a-ano?"

"HAHAHA." Natawa sya. "Ano pa ba eh di yang dala 'mong fried chicken. I-celebrate nadin ang araw na ito."

Ahh. Jusme, akala ko kung ano na. Ako lang ba ang madumi ang utak dito? Ayaw kasi aayusin ang mga salita. "Sige."

Hinawakan nya ang kamay ko at pumasok kami sa bakuran nila. Habang naglalakad kami, humangin nang malakas at dahil dun, unti-unting pumapatak sa amin ni Ken Ng mga tuyong dahon nang kanilang malunggay.

Oh, lakas Maka cherry blossom, mga mare.  Kunwari nasa kdrama kami.

"Oh? Bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan?" Takang tanong ni Ken.

Nakangiti lang ako. "Pautang ako kah-- Aww. Bakit mo ko piniktosan?" Pinitik ba naman ang noo ko.

"Manahimik ka. Wala akong pera. Hindi porket sinabi 'kong mahal din kita gagawin mo na akong at--" Tsup!

Natigilan sya at namula pa ang mukha matapos 'kong nakawan nang halik. "I love you, langga." Sabi ko, sabay yakap sa kanya.

"Mahal din kita, ga." He hugged me back.

Isang pag-ibig ang nabuo sa paglubog nang araw.

Finally, He's mine.

Dedicated to: Claessa Suson

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now