Little SB19

39 5 0
                                    

"Teacher! Teacher! Si Josh po dinowingan yung bag ko! Huhu" Patakbong lumapit sakin ang 7 taong gulang na si Stell. Nasa labas ako nun ay hinihintay ang mga sundo nila. Yumakap sya sa bewang ko at umiiyak.

" Shhh. Wag ka nang umiyak ha, dito na si Teacher di na nya ulit gagawin yun" Ngumiti ako at pinunasan ang pisngi nya. " Tara na sa loob."  Pagbukas ko palang nang pinto ng classroom, isang lumilipad na libro ang papunta sa direksyon namin. Buti nalang di kami natamaan.

Lumapit sakin si Josh at napapakamot sa kanyang ulo. " Teacher, sorry po di ko nisasadya!"

" Nex--" hindi na nya ako pinatapos at nagtatakbo na sya palayo.

Napapailing nalang ako habang pinagmamasdan ko ang itsura ng aking classroom. Wala na sa ayos ang mga silya at kalat ang ibang gamit sa sahig. Isa akong Teacher, subalit bayad ang serbisyo ko para sa limang batang nandito. Sina Pablo , Stell, Ken, Josh at Justin.

Lumapit ako kay Justin. Naka upo lang sya sa sulok habang yakap-yakap ang stuff toy nyang itsurang mais. "Okay ka lang ba, baby?" Ngumiti lang sya at tumango.

Mula naman sa likod ko, yumakap sakin si Pablo. "Teacher Ket, I love you!" Ginulo ko ang buhok nya. Ang cute nya!  "I love you too, Pablo."

"T-teac-her" Napalingon ako sa gilid ko nang marahang hilahin ni Ken ang kamay ko.  "Nagwiwi po ako sa showrts ko." Namumula ang pisngi nya. Nahihiya 'to malamang. Nakayuko pa sya at hawak ng isang kamay nya ang isang unan na sisiw.

Dinala ko sya sa CR at pinalitan ng damit. Saktong paglabas namin, sunod sunod ang pagbusina nang mga sasakyan.

Andito na ang mga sundo nila.

"Kids, tama na ang paglalaro. Andito na sila." Unang nagtatakbong lumabas si Sejun, sumunod naman si Josh. Magkahawak kamay namang lumabas sina Ken at Justin.  Si Stell ay naiwan sa tabi ko, inabot ko sa kanya ang stuff toy na strawberry saka ko sya binuhat.  "Lika na, andyan na si Daddy."

Pagdating ko sa labas, nakakatuwang tingnan na itsura nang mag-aama. Ang ama ng mga batang tinuturuan ko ay ang former members ng SB19.  Galing nuh? Sa kanila din isusunod ang pangalan nang kanilang mga anak, susunod atah silang henerasyon nang SB19. My little SB19.

Lumapit sakin ang daddy ng batang hawak ko. "Kamusta ang pag aalalaga sa mga bata, Mine?"  Tanong nya sakin. Yup, ako lang naman ang asawa ni Stellvester  Ajero. Kinuha nya sakin ang anak namin na sinunod sa pangalan nya at sya na ang nagbuhat dito.

Kumapit ako sa braso at sabay kaming naglakad. "Ganun parin, ang kukulit. Manang mana sa inyong lima." Hindi ako magsasawa na alagaan ang mga makukulit na batang yun.

Dedicated to: Ketchup De Dios

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now