Hanggang Sa Huli

33 5 0
                                    

Bandang ala singko na nang madaling araw, mag-isang naglalakad si Stell sa tahimik na kalsada at may hawak pa itong isang bote nang beer na wala nang laman.

“Hanggang she dulo nang ateng weleng henggen *hik* Sha delaw na buwen.” Nagawa pa nitong kumanta sa kabila nang kalasingan.

Nang makarating sa gate nang kanilang bahay, kusa itong bumukas at lumabas ang bagong gising nitong kaibigan na si Ken. Nakapantulog pa ito at may kargang itim na pusa.

“Yare ka, Stell kay Pinuno. Lasing ka na naman.” Napapailing na sambit ni Ken.

“Hoy, bakit may manok kang kashama? Gabi na ah pagala gala ka pa pano *hik* kung mapagtripan ka ng mga tambay sha kanto at I letchon yang manok mo ha.” Napasandal na si Stell sa gate.

“Ha?! Hindi naman manok tong dala ko ah.” Napakamot sa batok si Ken. “Saka anong gabi ang sinasabi mo dyan, umaga na ah!”

“Manahimik ka dyan shi ming ming kaushap ko he he hi ming Ming nagshashaleta pala manok mo hehe.” Tuluyan nang natumba na si Stell sa semento.

“PINUNO!! YUNG ASAWA MO ESTE ALAGA MO  UMUWI NA NAMAN NANG LASING OH!” Malakas na sigaw ni Ken.

“He he yung manok nashigaw pa.” Pumikit na si Stell at ginawang unan ang boteng hawak nya kanina.

Maya-maya pa, lumabas ang leader nang kanilang grupo na si Pablo. Masama ang tingin nito sa nakahigang si Stell at tila hindi gusto ang naabutan nyang eksena.

“Ken, tulungan mo ako. Isakay mo si Stell sa likod ko.” Inis na utos ni Pablo.

Kaagad namang sumunod si Ken at ginawa ang iniutos nang kanilang leader. “Bakit ba kasi hindi mo nalang iwanan nyan sa gate eh, wag mo na kasi ayawin para hindi na uminom.” Nauna nang pumasok nang bahay si Ken at iniwan ang dalawa.

Hirap man, nagawa pa rin ni Pablo na buhatin ang lasing na kaibigan. Usad pagong ang lakad nya, medyo may kabigatan din kasi si Stell.

“Sa susunod, kung mag-iinom ka sa kanto at uuwi ka sa ganitong oras wag ka nalang magpakita sa akin. Napakapasaway mo.” Himutok ni Pablo.

“Pinuno~” Mahinang sambit ni Stell mula sa likuran nya.

“Wag mo akong matawag-tawag na pinuno kung hindi ka rin lang naman marunong sumunod.” Naiirita na talaga sya.

“Pinuno~ showee na.” Parang bata naman si Stell, nakapikit la sya at ang mukha nya ay nakasubsub sa balikat ni Pablo.

“Manahimik ka. Hindi kita papatawarin.” Amoy na amoy nya ang alak sa katawan ni Stell. Bakit naman kasi uminom pa sya?

Ibinaba ni Pablo si Stell sa mahabang sofa at tinulungan nya din itong makahiga. Umupo sya sa gilid ni Stell at napapailing itong pinagmasdan ang kaibigan.

“Pinuno~" Muling tawag ni Stell sa kanya.

"Oh?" Iritableng sagot nya. Gusto man umalis ni Pablo, hindi naman nyang pwedeng iwanan ang kaibigan.

“Sowee na kasi~” Nakapikit si Stell pero humihingi parin ito nang tawad. Hindi kaya nananaginip lang sya?

Bumuntong hininga si Pablo at inalala ang nangyari bago umalis si Stell at magpakalasing. Aksidente kasing nabasa ni Stell nang tubig ang papel kung saan nya isinulat ang bago dapat nilang kanta. Napunit pa ang papel at nabura ang mga letra.

Ramdam ni Stell na galit sya kanina kaya kusa itong umalis at ngayon ngang bumalik na ang lalaki, lasing naman.

"Pinuno~” Tinawag na naman sya ni Stell.

Nahabag ang puso ni Pablo nang makita ang tubig na umaagos mula sa mga mata ni Stell kahit na nakaipikit ito. Umiiyak sya?  “Sowee na Kashi, di ko naman nisasadya.”

Tunay na malambot ang puso ni Pablo kahit na matapang sya kung titingnan. Inalis nya ang nakaharang na buhok sa mukha ni Stell at pinagmasdan ito. “Oo, alam ko. Hindi mo sinadya. Sorry din nagalit ako.”

Hindi na sumagot pang muli si Stell, marahil ay nakatulog na. 

Aayusin sana ni Pablo ang pagkakahiga nang kaibigan nang mapansin nyang nahulog na pala sa sahig ang cellphone ni Stell. Dinampot nya ito at binuksan. Nang i- unlock nya ang screen, automatic na biglang may play na audio sa cellphone. 

Hi, Pinuno! Sorry ha, nasira ko yung bago mong master piece. Sorry na, wag ka na magalit.  May inihanda pala ako sa'yo.” Boses ito ni Stell na nakarecord na.

Isang audio pa ang nagplay at kasabay noon, pumatak ang kanyang luha habang pinapakinggan ang kinakanta nang kaibigan.

   *Now playing: Just imagine, Stell singing Hanggang sa Huli in Acapella.* 

Napaupo si Pablo sa sahig at tuluyan nang naiyak. Yung kanta, inayos pala ni Stell.  Nagulat sya nang naramdaman na may biglang yumakap sa likuran nya.

It was Stell. “Im so sorry, Pinuno. Sana nagustuhan mo ang pabawi ko sa'yo.”

Dedicated to: SA MGA PABTELL SHIPPERS DYAN!

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now