Ang Pangarap 'Kong Prinsipe

28 4 0
                                    

Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng library, hawak ang isang regalo ay matyaga kong hinihintay ang paglabas ng isang tao na kanina ko pa hinihintay.

"Grabe, kinakabahan ako. Kaya ko ba to?" Tanong ko sa sarili ko habang ilang ulit akong nagbubuntong hininga at hindi na mapakali sa kinatatayuan ko. Sobra na rin akong kinakabahan at pakiramdam ko namumutla na rin ako.

My name is Sapphire  at plano ko kasing magtapat na sa lalaking nagugustuhan ko, alam 'kong mali na ako ang babae pero ako pa ang magtatapat ng nararamdaman. Heto na to, hindi na ako magpapagil pa.

Kesa maunahan ako nang ibang babae dito sa campus na nagkakagusto sa kanya,  ako na ang kusang gagawa nang paraan para maging close kami ni Josh.

Maya-maya pa  natanaw ko nang palabas ng library si Josh, ang lalaking mahal na mahal ko. Crush na ko sya ever since nung nag transfer sya last month.

May bitbit syang mga libro at ang isang strap lang nang bag nya ang nakasabit sa balikat nya. Modelong Modelo talaga ang dating nya! Aww. Sya talaga ang ideal man ko eh, mabait, matalino at talented. Napakagwapo pa!

KYAHHH! Heto na sya, papalapit na! Wait- mabango ba ako? Inamoy ko ang sarili ko. Okay, amoy fresh naman. Tamang ayos lang nang buhok at lagay nang liptint.

"H-hi Josh." Mahinhin kong bati sa kanya. Nahihiya pa ko ngumiti. I'm your future wife--charot.

Nagtataka syang tumingin sa akin. Hindi naman nya kasi ako kilala.

Nanginginig ang mga kamay ko habang ibinibigay sa kanya yung regalo ko. "Is this for what?" Mahina ang boses nya sa pagtatanong.

"Para sayo yan, ako si  Sapphire, yung taga kabilang building--" Huminga ako ng malalim. "--Gusto ko sabihin sayo na matagal na kitang gusto." Ayun! After kong sabihin napayuko nalang ako. Totoo, nahiya ako bigla sa sinabi ko.

Ganito pala ang feeling na nag co-confessed.

Ayoko nang tingnan ang reaksyon nya kaya tumalikod na ako at akmang aalis na pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Sandali lang, hindi mo ba papakinggan ang sasabihin ko?" Bakit ba ang hinhin ng boses nya?

Muli akong lumingon sa kanya. "May sasabihin ka sakin? Sorry hindi dapat kita inabala." Kakahiya!! Sasabihin nya din bang mahal nya ako? Char.

"Naappreciate ko ang pagbibigay mo ng regalo sakin at salamat sa pagmamahal mo pero kasi I'm sorry hindi mo na dapat ako minahal, I'm already taken." Sabi nya.

Ha? Taken na sya? Pero sino jowa nya? Mawindang naman ang lamang loob ko sa sinabi nya. Sino ang babaeng umagaw sa lalaking mahal ko? Langya naman oh!

"Hon, sino kausap mo?"

Napanganga ako at hindi makapaniwalang tinitigan ang taong umakbay kay Josh, ang campus crush na si--

Lunok laway muna.

Woah! Can somebody explain me what's happening?

Bakit tinawag ni Pablo na hon si Josh?!

" Ito ang gusto kong sabihin sayo, ghorl. I already have a boyfriend. Meet Pablo, my 2 years partner." Masayang sabi ni Josh.

"Gurl, ang ganda nang liptint mo. Bet ko. Pwedeng akin nalang?" Nakangiting sambit ni Josh.

Lutang parin ako sa pangyayari kaya inabot ko nalang Basta ang liptint ko. Naholdap pa ako nang Wala sa oras.

"Let's go, hon. Date tayo sa labas. Tapos na klase mo di ba? Saan mo gustong kumain?" Hinalikan pa ni Pablo si Josh sa noo at sa mismong harapan ko pa! WAHHHHH! Mama!

Naglakad na sila palayo habang naglalandian. Samantalang ako ay naiwang nakanganga at hindi parin makapaniwala sa nalaman ko. Owemje!

Ang pangarap  kong prinsipe, prinsesa pala! Ayoko na sa earth!

Che! Walang poreber! Mag be-break din kayo!

Dedicated to: Sapphire De Guzman

SB19 Short Story Present:Où les histoires vivent. Découvrez maintenant