Rooftop Prince

29 7 0
                                    

"Jessica, saan ang punta mo?" Tanong sa akin nang seat mate ko na si Zerica. Ibinabalik ko na kasi sa loob nang bag pack ko ang lahat nang notebook ko.

"Hindi ka sasabay sa akin sa lunch?" Dagdag pa nya. Hindi sya sa akin nakatingin, may hawak syang maliit na salamin at nag a-apply sya nang liptint sa labi nya.

"Hindi na muna. Busog pa naman ako. Aakyat lang ako sa rooftop. Doon na ako magrereview." Sagot ko. Hindi ako makakapag concentrate dito sa classroom namin, puro SB19 songs kasi pinapatugtog nang mga kaklase namin. Baka imbes na mag review ako para quiz mamaya eh magsasayaw ako dito.

Isinakbit ko ang bagpack ko sa likod ko at nagpaalam na kay Zerica. Dumeretsyo ako sa rooftop nang building namin. Sakto, walang tao dito ngayon. Masarap mag aral.
Hindi rin masyadong mainit ang panahon ngayon, puno nang ulap ang kalangitan kaya natatakpan ang haring araw.

May mga silya na nakatambak lang dito sa rooftop, Yung iba wasak wasak na, Ewan ko ba kung sino ang sumira. Naging makalat tuloy dito sa rooftop. Pumili ako nang isang maayos at umupo. Inilabas ko ang libro ko at nagsimulang mag review. Kailangan ko talaga 'ko, math pa naman.

"Ang sipag mo talaga. Palagi mo akong pinapahanga." Hindi ako nagpa distract sa taong nagsalita. Naupo sya sa tabi 'kong silya at nagpangalumbaba. Andito na pala sya.

"Hindi mo man lang ba ako papansinin, Jessica? Usap naman tayo." May pagtatampo sa boses nya.

"Hay nako, Ken. Manahimik ka muna dyan, magrereview ako oh. Kaya nga ako umalis sa classroom eh para makapag review nang maayos." Tuloy parin ako sa pagbabasa. Sinasaulo ko ang formula.

"--oyyy! Ano ba?" Bigla kasing inagaw ni Ken ang libro at itinago nya sa likuran nya. Nababaliw na naman ba sya? "Ken, akin na ang libro ko bago ko pa maisipan na banatan ka."

Ngumuso sya at nagpacute. "Ayaw ko. Gusto ko nga kasi usap. Kwento ka kasi. Kwentohan mo si Nek-nek." Nek-nek ang palayaw na ibinigay ko sa kanya since nagkakilala kami 3 months ago. 

Naglaho nalang bigla ang inis ko nang makita ko kung paano sya mag pacute. Alam nya talaga kahinaan ko. Ngumiti nalang ako. "Oo na. Usap na tayo."

Katulad nang palagi naming ginagawa kapag nagkikita kami dito sa rooftop, kwentuhan lang sa mga random things. Estudyante din naman si Ken dito, hindi ko lang alam kung anong grade kasi hindi naman ako nagtatanong. Baka tulad ko lang din na grade 12. 

Rooftop Prince ang bansag ko din sa kanya kasi paborito nyang lugar itong rooftop. Bukod kay Zerica, si Ken lang ang naging kaibigan ko dito sa campus.

Matapos ang kalahating oras naming pagkikita, tumayo na ako at muling isinakbit ang bag ko. "Babalik na ako sa classroom, patapos na ang lunch time. Akin na ang libro ko, kita nalang ulit tayo mamaya."

Sa pag-abot nya nang libro sa akin, naging malungkot ang mukha nya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtaka. "Oyy, ayos ka lang? Para ka namang namatayan dyan nang limang sisiw eh."

"Baka kasi ito na ang huling beses na magkikita tayo, Jessica." Mahina lang ang pagkakasabi nya pero malinaw na malinaw sa pandinig ko.

"Ha? Bakit? Mag tatransfer ka na ba sa ibang school? Daya mo naman, Ken. Paano na ako? Dalawa na nga lang kayong kaibigan ko eh." Ngayon palang nalulungkot na ako.

"Sorry ha, kailangan na talaga eh." Tumayo din si Ken at hindi ko inasahan na bigla nya akong yayakapin. Ito ang unang beses na niyakap nya ako simula nang maging close kami.   "Sa pag alis ko, hindi kita kakalimutan. Pangako. Basta ipangako mo din na hindi mo makakalimutan ang pangalan ko."

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, parang napakapayapa sa pakiramdam nang yakap nya, parang isang angel ang nakayakap sa akin. "Kailangan mo ba talagang umalis?" Nagsimula nang pumatak ang luha ko.

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now