Marry Your Daughter

60 5 0
                                    

"GET IN THE ZONE BREAK! WE'RE SB19!" Sabay sabay na bigkas ng sikat na boygroup sa henerasyon ngayon kasabay nang malalakas at nakakabinging sigawan dito sa Araneta.

Natapos na ang Bazinga performance ng SB19 kaya hingal na hingal silang tumayo sa gitna nang stage. Nasa kanila ang spotlight at sa kabila ng kanilang pagod nagawa parin nilang ngumiti at kumaway sa lahat ng kanilang mga taga hanga.

Mas lumakas pa ang charisma nila sa suot nilang asul na outfit. Hindi nakakasawang titigan ang limang lalaki na ito! Hindi na nakakapagtaka kung paano napuno nang mga A'tin ang buong Araneta.

"Magandang gabi sa inyong lahat! Wow, grabe! Hindi namin ine-expect na ganitong kadaming A'Tin ang dadalo ngayong gabi sa comeback concert ng SB19! Maraming-maraming salamat sa inyong lahat!" Lalong naghiyawan ang mga A'Tin nang magsalita ang pinuno ng grupo, si Pablo Nase.

Kumaway-kaway pa sya. Ang haba na nang buhok nya ngayon, umabot na hanggang sa balikat nya but still napakagwapo nya pa din.

"HELLO A'TIN! NAMISS NAMIN KAYO, NAMISS NYO BA KAMI?!" Sa pagsasalitang yun ni Ken Suson mas umingay ang lahat. Jusme, nabibibingi na ako. Napapatakip nalang ako ng dalawang tenga ko. Hindi ito ang unang beses na dumalo ako sa concert nila pero ganito parin ang nararansan ko iba talaga ang feeling, masaya at puno ng excitement.

"ACCKKK! ANG GWAPOOO NYA!" Nakakabinging sigaw nang katabi sa mismong mukha ko. Geezz, kailangan ko na atang tumawag ng medical team, mahihimatay na sa sobrang kilig ang kaibigan ko!

Sunod na nagsalita ang tinaguriang most sexiest man in the Philippines na si Josh Cullen Santos. Si Ken ang sexist member ng grupo pero nung nanalo si Josh bilang Sexist Man sa buong Pilipinas, nag-iba na ang ihip ng hangin. Hehehe.

"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat, sa effort nyo na supportahan kaming muli sa comeback concert namin---hindi ko na alam kung pang ilang concert na namin 'to since nagstart kami sa career namin at kasama parin namin kayo hanggang sa huli. Maraming maraming salamat po." Hinihingal pa si Josh oh.

"Madami mang pagsubok ang kinaharap ng grupo namin but still palagi parin kayong nakasupport sa aming lima, lahat ng naachieved namin ay dahil sa inyo, mahal na mahal namin kayo A'tin." Ang poge din ni Justin! For sure, sa pagngiti nyang yan madami ang nalaglag ang panty. Idagdag pa na black na ulit ang kanyang buhok.

Ang lahat ng member ay napatingin kay Stell na nakatayo sa mismong gitna nila. Pakaway-kaway lang sya at wala yatang balak magsalita. Nakababa lang kasi yung mic.

What happened to the heavenly voice of SB19? His smile, I can see it. Is there something wrong?

"Stell, wala ka bang sasabihin?" Natatawang tanong ni Pablo.  Naka microphone pa naman kaya dinig ng lahat ang kanyang pagtawa.

Napakamot lang si Stell sa batok nya, tila ba nahihiya. "Ano pang sasabihin ko, eh nasabi nyo nang lahat. Heheh."

"HAHAHAH." Sinundan naman nang tawa nang lahat ang sinabing yun ni Stell.

"KYAAHHH! I LOVE YOU STELL!"

"ANAKAN MO KO!"

Argggh! Magsitigil kayo! Boyfriend ko yan! Upakan ko kaya kayong lahat---ayy joke, ayoko pala, ang dami nila hehehe.

Maya-maya pa, nagtaas ng kamay si Pablo na naging dahilan para magbigay katahimikan ang lahat. Ano kayang gagawin nilang lima? Nagpapalitan kasi sila ng tingin, wari ba'y nag-uusap sa gamit lang ang mga mata.

Ang lahat ay nakaabang. Nawala ang ngiti ng mga boys at mabilis na napalitan ng seryosong mukha.

Si Josh at Justin at bigla nalang inakbayan si Stell . Pareho silang may binulong dahilan para mapatango nalang ang binata.

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now