Ang Makapangyarihang Ipis

19 4 0
                                    

Kakalabas ko palang nang banyo nang makarinig ako nang malalakas na pagkatok sa pinto nang kwarto ko. Nilock ko kasi ang pinto, siguro hindi nya mabuksan kaya kumatok nalang sya.

"Kuya Stell! Si Kuya Pau nandito sa bahay!" Ang bunsong kapatid kong si Glendale pala ang nagsalita.

Si Pablo? Hindi sya nagchat na bibisitahin pala nya ako. "Sabihin mo, umakyat nalang dito sa kwarto ko." Sabi ko pabalik.

Nakarinig ako nang yabag nang mga paa, marahil umalis na sya.

Habang wala pa si Pablo, lumapit ako sa pinto para i-unlock ito. Bumalik ako sa kama at naupo habang pinupunasan nang tuyong tuwalya ang basa 'kong buhok. Hindi pa ako nagbibihis, naka boxer lang ako at walang damit pang itaas.

Maya-maya pa biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Ang gwapong leader namin ang pumasok. Nakangiti sya habang lumalapit sa akin. Kapansin-pansin din ang dala nyang bag pack. Naglayas ba sya? Yare sya kay tita Grace.

"Naliligo ka pala?" Natatawang tanong nya habang umuupo sa tabi ko.

Ibinato ko sa kanya ang ginamit 'kong tuwalya. "Tingin mo sa akin? Si Ken? Oyy. Marunong naman ako maka appreciate nang tubig. Bakit ka nga ba napadaan dito? Saka ano na naman ang trip mo? Bakit nagpakulay ka na naman nang buhok?"  Naging blonde kasi ang kulay nang buhok nya. Kelan pa sya naging taong mais.

"Wag mo nga pakialaman ang trip ko." Ibinato nya pabalik sa akin yung tuwalya ko. "Magbihis ka na nga, kumakaway sa akin ang muscles mo sa braso at yang mayabang 'mong abs."

Bahagya naman akong natawa. "Bawas bawasan mo na kasi ang pagkain nang hotdog para magka abs ka na din." Takaw takaw nya kasi.  "Bakit ka nga pala nandito?" Dagdag na tanong ko.

"Hindi ba nagseseen sa GC? Nag announced ako na may rehearsal tayo today ah. Para ka nang si Ken eh, tamad magseen at magreply." Bigla syang tumayo at tinungo ang direksyon nang banyo. "Makikiligo muna ako dito ha."

Kapal nang mukha. Dayo pa nang ligo dito eh. "Eh di maligo ka, bayaran mo tubig na magagamit mo ha." Syempre biro lang. Welcome naman ang kahit sino dito sa bahay namin.

Nakarinig ako nang lagas lagas nang tubig sa banyo. Mukhang naliligo na nga po si hotdog man. Sana hindi ako makakita nang kulot na buhok sa sabon ko after nya maligo-- luh! Ang kalat.

Habang hinihintay sya, dinampot ko ang cellphone ko at nahiga sa kama. Magpipicture muna ako. Oh yeah, tamang ayuda para sa mga taga farm!

Maya-maya pa, marahas na bumukas ang pinto nang banyo.  Naibaba ko ang cellphone ko dahil sa gulat. Lumabas Mula sa banyo si Pablo, may tuwalyang nakatapis sa bewang nya at may shampoo pa ang buhok nya. Hindi pa sya tapos maligo pero bakit lumabas sya kaagad.

Hindi nakalampas sa paningin ko ang panginginig nang katawan nya at para bang natakot na takot sya. Oh? Anyare?

Napabangon ako sa pagkakahiga. "Anong nangyari sa'yo? Nawalan na nang tubig?"

Lumapit sya sakin at namumutla pa. "Stell! M-may ipis s-sa b-banyo." Nabubulol na sambit nya. Mahigpit pa ang hawak nya sa tuwalyang nasa bewang nya.

Ipis? Pati ba naman ipis nakikishower sa banyo ko? Langya. "Ipis lang yun, sige na maligo ka na." Sa multo hindi sya takot pero sa ipis taob sya. Ipis lang sakalam!

"A-ayoko! M-may ipis s-sa banyo mo!" Para na syang iiyak. Hinawakan nya ang braso ko at hinila ako patayo. "Paalis mo yung ipis sa banyo mo, sige na."

Napakamot nalang ako sa batok ko. "Hayss, oo na. Paaalisin ko na para matapos na ang paliligo mo. Ganyan ka ba kagwapo para pati ipis mambuso sa pagligo mo." Tinungo ko ang banyo ko. Kinakabahan din ako kasi takot din naman ako sa ipis. Okay lang na gumagapang sya pero kapag lumilipad na sya ala butterfly, aba! Takbuhan na mga, Dre!

Nasa likod ko si Pablo habang pumapasok ako sa banyo. "Nasaan yung ipis, Pau?"

"There." Itinuro nya ang ipis na nasa bathtub na walang tubig. "Dali na, paalisin mo na sya!" Nakatago pa si Pablo sa likuran ko.

Pusha, paano ba magtaboy nang ipis? "Sho! Sho! Go away Anna!" Ayy teka. Iba pala 'yun. Hindi gumalaw 'yung ipis at stay lang sya dun sa pwesto nya. Sana ol nag i-stay.

"Shoo! Shooo! Ipis! Alis!" Hmmp! Ayaw pa din umalis nang ipis. Ayaw mo umalis ipis ka ha. Oras na para gamitin ang makapangyarihang 'kong tsinelas.

Yumuko ako para kunin ang suot 'kong tsinelas. Kapag hindi pa sya namatay gamit ito, bahala na sya sa buhay nya. Nang tingnan ko ulit ang ipis, napataas ako nang kilay nang makita ko ang ipis na wala na sa bathtub. Nasaan na sya?

Nilingon ko si Pablo. "Nakita mo kung saan lumipat yung ipis?" Ready na ako patayin sya. Oh c'mon ipis!

"S-stell, y-yung ipis kasi nasa--" Saad nito habang pautal-utal habang nakatingin sa akin.

"Nasaan nga kasi? Sabihin mo na para ma elimate ko na sya dito sa planet earth." Inihahampas ko pa nang mahina ang tsinelas sa palad ko.

Unti-unting itinaas ni Pablo ang kamay nya at itinuro ang ulo ko. "Nasa ulo mo sya."

Ano daw? Sa ulo ko? Saang ulo--este as in sa ulo ko? Nagsimula na akong kabahan. "Sa ulo ko?" Pangiti-ngiti lang ako dito pero gusto ko nang sumigaw.

Tumango sya. "Nakadapo sya sa ulo mo."

Saglit akong natigilan at nagkatinginan pa kami ni Pablo. Hanggang sa "WAHHHHH! IPIS! HELP!" Nataranta na ako at nag head bang na ako like a rock star para lang umalis 'yung ipis sa ulo ko.

"WAHHHHH! MAMA! MAY IPIS SA ULO KO!" Sa sobrang taranta ko, bigla akong napaapak sa parte nang sahig na medyo madulas. Dahil alam 'kong mahuhulog ako sa sahig humanap ako nang makakapitan.

Sa dami nang pwede 'kong makahawakan ang braso ni Pablo ang nahila ko at ang resulta sabay kaming bumagsak sa basang tiles nang banyo.

Ako ang nasa ilalim at sya at nasa ibabaw ko. Nagkatitigan kami at bakas sa mga mukha namin ang gulat! Muntik na kaming mag kiss!

Bigla namang bumukas ang pinto nang banyo. Namutla ako nang ang kapatid 'kong si Glendale ang pumasok. "Kuya, anong nangyari bakit nakarinig ako nang pagsi---" Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil maging sya ay nagulat sa naabutang eksena.

Napahawak nalang si Glen sa bibig nya at nanlalaki ang mata. "KYAHHH!" Malakas na sigaw nya.

Naitulak ko tuloy si Pablo nang wala sa oras. Yare na! Baka kung ano ang iniisip nang kapatid ko!

"Awww!" Daing ni Pablo nang tumama ang likod nya sa pader.

Tumayo ako at hinawakan sa balikat ang kapatid 'kong nashock sa pangyayari. "Teka mag eexplain si Kuya, yung nakita mo ay------"

"---KYAHHHH! OWEMJE! LUMALAYAG ANG MAIN SHIP KO! PASTELL LANG SAKALAM!"  Sigaw nya habang kinikilig, may patadyak tadyak pa sya sa sahig.

Huh? Ano daw?

Tumalikod na si Glen at iba ang ngiting ipinakita nya sa amin. "Sige na, kuya. Lalabas na ako, kunwari Wala akong nakita. PaStell lang sakalam." At lumabas na nya Po sya nang pinto nang banyo.

Anong nangyari sa kapatid ko? Parang sinapian nang espiritong malisya. Ayt teka! Si Pablo nga pala!

Lumapit ako sa kaibigan 'kong hindi na nakatayo dahil sa lakas nang pagkakatulak ko. "Sorry!"

Sabay nalang kaming napailing at pareho pa naming nasabing "Yuck."

Papatayin ko talaga ang ipis na yan mamaya!

Dedicated to: Glendale Go Carcillar

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now