Face To Face

67 5 0
                                    

"Hayy natapos na naman ang isang araw ko." Mahinang bulong ko sa sarili bago ako padapang bumagsak sa kama ko. Dahil balik ECQ na naman, eto ako, wala na namang magawa kundi ubusin ang oras kaharap ang cellphone.
Mabuti na nga lang at napapasaya ako ng kung anu anong pinapanuod ko. SB19, ang nakaka-inspire na grupong nakilala ko. Katatapos nga lang ng kanilang online concert nitong nakaraan eh, at dahil dun, nabawasan yung ipon ko.. Bumili kasi ako ng vvip ticket para maenjoy ko nang husto ang concert. At sobrang sulit naman kasi talagang nag enjoy ako kahit di ako napiling makainteract sila, at di rin ako nanalo sa raffle. Pero okay na yun, at least nakita ko sila kahit sa screen lang diba..

Tinawag na ako ng mama para kumain kaya bumaba na ako. Pagkatapos, ginawa ko na ang routine ko bago mahiga. At bago matulog syempre, nagtwitter ako para sa update ng pinakamamahal kong grupo. May lapag ang amo ko sa tiktok, ang amo ng farm na si Stell Ajero. Hayy, Lord, sure na ba na wala nang ibang Stell sa mundong to?

Bago pa ako magdelulu na naman, naggoodnight na ako kay Stell.. Secret lang natin to ha, pero araw araw ko syang sinesendan ng message sa twitter kahit alam kong di naman nya mababasa. Wala lang, trip ko lang haha! Kung ano ano lang sinasabi ko sa kanya dun, parang diary pa nga eh.. With that done, I went to sleep.

"Anak! Rica! May naghahanap sayo sa baba!" Tawag ni mama. Napilitan na akong bumangon, ang sarap pa lang ng panaginip ko eh.. Di pa natuloy pagsubo ni Stell ng cake sakin, kainis ka 'Ma.

Pagbaba ko, may delivery man.. LBC, baka merch to na inorder ko kaya excited kong kinuha yung bayad. Pakanta-kanta pa ako ng All by Myself kasi naman ilang ulit ko nang pinapatugtog yung solo perf ni Stell.

"Ay mam, non-COD po ito. Pakilagay na lang po details nyo dito." Sabi nung delivery man.

In fairness ha, ang ganda ng rehistro ng boses ni kuya. Ang landi ng tenga ko, kainis!
"Huh? Pati twitter account ilalagay?" Tanong ko sa sarili nung makita ko sa document. Oh well, baka may paraffle sa mga bumili ng merch. Pinirmahan ko na lang at binigay na kay kuya.

"Thank you po Ms. Rica, I hope you have a good day!" Ngumiti lang ako at umalis na sya.

Pagtingin ko sa parcel, nakita ko pangalan ng kapatid ko. EH??? Hindi akin to?! So bakit alam ni kuya name ko? Ah baka lagi syang nagdedeliver. Ang OA ko.

That night, I went straight to bed and slept kasi napagod ako maglinis ng bahay.

*BAZINGAAA! HATE NYO'Y GASO-! Pusang gala naman oh, tumahip puso ko sa ringtone ko jusko! Bat ba kasi ito pa natripan kong gawing ringtone, sinagot ko na lang agad yung tawag, nawala antok ko!

"Hello?" Pungas pungas pa akong sumagot.
"Um... Hello, nagising ba kita?" Sabi sa kabilang linya.

"Ah hindi, tulog pa ako habang kausap ka, yawa." Wag syang ano, pag gantong inaantok pa ako!

Tumawa lang ng mahina yung nasa kabilang linya.
"Ang cute mo pala pag kagigising." Sabi nya.

"Sino ka ba, anong oras na oh. Bawal akong landiin, kung di ka lang din si Stell Ajero, ang heavenly voice ng esbi, bye na. Itutuloy ko na panaginip ko." Mejo masungit kong birada.

"Uy uy! Wait lang wait lang! Grabe ka naman Rica, pero kinilig ako dun ha.. Ikaw ha.." Ang pabebe ng isang to ah.

"Pls lang iba na lang landiin mo, kung di lang din ikaw ang asawa kong si Stell Ajero." Ulit ko sa kanya.

"Eh pano kung ako nga to. Ang nag iisang Stell Ajero sa buhay mo. Nandito ako sa tapat ng gate nyo. Baba ka na please, baka kunin na ako ng tanod dito."

Pagkarinig nito, humahagibis akong bumaba. Wala akong pakialam kung magising man ang buong pamilya ko! My ghad!!!! Nasa baba si Stell?!!!

Paglabas ko sa gate, may tao nga. Pero nakajacket ng itim eh.. Madilim, kaya sinipat sipat ko pa yung build ng katawan, yung posture.. pero yawa, di ko mapagsino! Balot eh!

"H-Hoy! Sino yan?!" Tawag ko, pero di ako lumalapit. Malay ko kung stalker pala to.

"Stalker mo ako." Sagot nya, pusang gala, Stell Ajero na naging stalker pa!

"Ah.. ganun ba.. Nako, mali ka ata ng bahay na napuntahan.. di naman ako sikat eh.. anong stalker haha.." Mejo kabado na ako.
Dahan dahan kong binuksan yung gate habang nakaharap pa rin sa kanya.

"Ano.. uhm, yang kabilang bahay, oo! May lahing artista yan, baka yan talaga ang pakay mo!" Malapit ko nang mabuksan, sa pagmamadali tumalikod na ako sa kanya para tuluyang mabuksan nang biglang naramdaman ko na lang, na may presensya sa aking likuran.

Lord bakit naman, si Stell po ang hiling ko, bakit stalker ang binigay mo.

"Tara, sumama ka sakin, mabilis lang tayo." Bulong nya at kung di naman talaga buang ang aking tenga, aba't parang nagustuhan ko pa yung boses nya.

Namalayan ko na lang, naglalakad na kami sa daan. May ilaw naman pero wengya, stalker pa rin tong kasama ko, pano ako kakalma?

"Uhm, ano.. sure ka ba talagang ako ang hanap mo? Wala akong maiibigay sayo.. huhu, merch lang ng esbi ang meron ako.. please paalisin mo na ako oh.."

Tumawa lang ulit sya nang marahan na parang nagpipigil. May sapak pa ata to. Hmmp!

ano nang gagawin ko?

"Andito na tayo." Napatigil ako sa pag iisip nang huminto sya. May bench na naiilawan ng mga poste mga limang bahay mula sa amin. Walang tao sa paligid at tahimik ang gabi.

"Rica. Sisiguraduhin kong hindi mo malilimutan ang gabing ito." Unti unti na syang lumalapit sakin.. Di ako makagalaw dahil di na ako makapag isip nang matino. Sisigaw ba ako, o tatakbo?

"Tulong!!! Tulungan ny--" Nagsimula akong sumigaw nang biglang nagliwanag ang paligid. May narinig akong familiar na tugtog at nang tingnan ko kung saan nagmumula, may maliit na speaker na naka set up malapit sa bench.

Alam ko tong tugtog na'to...

"I messaged you yesterday
Haven't heard back yet
Did I do something wrong
Or is it something I said
And it hurts me inside
Cause it's killing my pride
To see you reply to all of these other guys
Tell me why
Tell me why
Tell me why, ooh, oh, ooh"

"I'm in my bed sitting, talking to screens all day
But I can't seem to say what's on my brain
But I wonder, I wonder
If you would feel the same
If one day we'd meet face to face.."

Nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino sya..

"Stell? Stell Ajero?!" Hindi ako makahuma nung makilala ko tong stalker ko!

"Sabi ko naman sayo diba, ako ang nag iisang Stell ng buhay mo.." Ngumiti pa sya kaya lalo na akong natulala.

"Pero.. pano???" Sobrang nagtataka pa rin ako.

"Sorry kung tinakot kita Rica. Pero ang cute mo kanina haha! And, totoo naman kasi, stalker mo ako, ever since nakita kita sa screen ng fanmeet namin. You caught my attention kasi ikaw yung bumungad sa screen namin bago pa lang magstart yung host. Ikaw ata pinakaunang nakapasok sa link. And when I saw your room, naalala ko yung isang fan na laging nagmemessage sakin sa twitter. Pero kahapon, nakaligtaan mo akong i-dm."

"Ewan, pero bigla kitang namiss nung di ka nagparamdam. Kaya I got your details para ako sana magdeliver ng merch mo, kaso sa kapatid mo pala yung nakuha ko. I confirmed it was you when I got your Twitter account. Sorry ha, inistalk talaga kita. Kasi there's something about you that made me this hooked. Naisip ko tuloy, gusto kitang makilala, hindi lang sa screen ng twitter, kundi sa totoong buhay. Kaya papayag ka ba na maging girlfriend ko, this time face to face na?" Litanya ng napaka gwapong nilalang na to.

"Kainis kaaa! Kala ko di mo yun nababasa! Ngayon ako nahihiya sa lahat ng pinagsasabi ko dun! Pero tatanggi pa ba ako? Oo Stellvester Quitales Ajero, payag na akong maging girlfriend mo, this time, rereplyan mo na dm ko ha!" Napatawa naman syang tumango at niyakap ako.

Lord, nag iisa nga lang ang lalaking to. At salamat kasi natagpuan nya ako. 😊

Title: Face To Face
Written By: Rovie Lejano (Ate ko writer din pala)💙
Dedicated to: Yieeee. GINAWA NYA PARA SA AKIN!

SB19 Short Story Present:Onde as histórias ganham vida. Descobre agora