Gold And Silver

45 4 0
                                    

Maya't maya ang aking pagbuntong hininga habang nakatayo ako sa likod nang stage kung saan kami madalas nagtatagpo nang kasintahan ko.  Concert nila ngayon, at nag perform sila sa harap nang libo nilang taga hanga.

Mapait akong napangiti nang sa wakas matanaw ko na syang papalapit sa akin. Nakasuot sya nang itim na long sleeve turtle neck. May gitara pang nakasakbit sa likuran nya. Tapos na pala sila mag perform, dumaan ang mga kagrupo nya sa harap ko at kumaway lang.

Napakagwapo talaga nila, iba talaga kapag artista.

"Hi! Kanina ka pa ba? Sorry nalate ako." He kissed me on my lips at inabot sa akin ang isang stem ng pulang rosas. "Saglit lang tayo langga makakapag usap, magpapalit lang daw sila nang damit tapos next performance na."

Matamlay kong kinuha yung bulaklak at yumuko. I can't look at his eyes right now. Isang linggo ko nang pinag iisipan ang bagay na dahilan kung bakit ako umiiyak. Alam ko, masasaktan si Ken sa sasabihin ko. Bumuntong hininga ako at humugot nang lakas nang loob.  "Ken, let's end this. Ayoko na."

Saglit syang natigilan na para bang hindi pumapasok sa utak nya ang sinabi ko.  "Wait? What? I don't get it! Sheeny, gusto mo nang makipag break? Yun ba?" His voice starting being cold.

Tumingin ako sa kanya. "Magbreak na tayo." After saying those words ibinalik ko sa kanya yung bulaklak pero hindi nya ito kinuha at hinayaan na lamang na mahulog sa lupa.

Nadurog bigla ang puso ko nang mag umpisa nang tumulo ang kanyang luha. " Sheeny naman, bakit? bakit ka makikipagbreak sakin ha? I did my best to love you, binigay ko lahat ng pagmamahal sayo pero bakit ganun?"

Hinayaan ko syang yakapin ako ng mahigpit. Nanghihina ako sa mga yakap nya. "Ken, I'm doing this for you." Umiiyak na rin ako. "I'm doing this for you and to your career. Ken, alam na nang management na ako ang ang girlfriend mo at mahigpit na pinagbabawal ang mag gf ka di ba? Mahal na mahal kita alam mo yan pero hindi ko hahayaang masira ang career na pinaghirapan mong abutin." Pinilit ko na umalis sa pagkakayap nya.

"Let me go, please."Tuloy tuloy na ang mga luha ko.

"I don't care, I love you and I won't let you go. You are my dream and I don't want to lose you. Please don't leave me. Kung pwede lang ngayon din, iiwanan ko ang career ko pa--"

PAK!

Nanginginig pa ang kamay ko na sumampa sa kanya. "Wag kang maging hangal, Ken. Wag mong isakripisyo ang pinaghirapan mo para sa akin. Pangarap mo yan, nandyan na yan bago pa man ako dumating."

Nakayuko nalang sya at umiiyak. Seeing him crying making me felt guilty at this moment, pero ano ang gagawin ko? Kung hindi ako lalayo sya naman ang masisira. At ayokong mangyari 'yun. Ayokong masira ang pinaghirapan nya.

Hinawakan ko ang dalawang kamay nang pinakamamahal 'kong lalaki. Malamig na ito. Pinilit 'kong ibaling ang mukha nya sa akin at nang magtama ang paningin namin, naawa ako. Paano ko nagawang saktan ang lalaking ito. "Langga?" Huling beses na tawag ko sa endearment namin.

"Oh?" Mahina nyang respond.

Inilapat ko ang palad ko sa pisngi nya. "Tandaan mo, mahal na mahal kita. Hindi ibig sabihin na nakipagbreak ako sayo ay hindi na kita mahal. Sa ngayon kasi, kailangan ko munang gawin ito para sa'yo."

Please, Ken. Wag ka na umiyak sa harapan ko, pinapahirapan mo ako eh. "Hindi naman ako mawawala, nandyan parin ako, sisigaw sa mga concert mo, manunuod nang live stream mo at makikisali sa mga menpa. Mamahalin parin kita kahit nasa baba ako ng stage Ken. Tutal don naman ako nagsimula di ba, sa pagiging fan mo lang.I love you, Ken. "Hinalikan ko sya sa labi habang umiiyak.

" I Iove you too. Promise me, babalik  ka sa akin. Not just a fan girl but my wife." He hugged me. Sobrang higpit nang yakap nya sa akin, para bang ayaw na nya akong pakawalan pa.

Saglit na humiwalay si Ken at may dinukot na maliit na pulang box sa kanyang bulsa. Nang buksan nya ito, isang gold na necklace ang nakita ko.

Para saan ang kwintas na ito? Gold sya at ang kanyang pendant ay kalahating puso at may nakasulat na iisang letter sa gitna.

Letter K. Stand for Ken?

Kaagad nya isinuot sa aking leeg ang kwintas at hinalikan nya pa ako sa noo."Habang naghihintay tayo kung kelan pwede na ulit tayong magsama, itong kwintas na ito ang magiging palatandaan na magsasama pa tayo hanggang sa huli."

Mula sa ilalim nang kanyang turtle neck, isang kwintas din pala ang kanyang suot. Kulang silver naman ang nasa leeg nya at kalahating lang din na puso ang pendant nito. May S na nakasulat sa gitna.

Sandali---

Pinagdikit nya ang mga pendant nang kwintas namin at nabuo doon ang isang puso. Kalahating gold,kalahating silver.

"Langga" tawag sa akin ni Ken. "I am your silver and you are my gold. You are my master and I am your slave. Mangako ka na hihintayin mo ako, kapag pwede na magpapakasal tayo."

Ngumiti ako at niyakap ko sya."Pangako, Ken. Hihintayin kita." The last word i've said bago sya bumalik sa stage.

I will support you forever, langga.

Title: Gold and Silver.
Dedicated to: Sheeny Sormillo

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now