Pustahan

104 7 0
                                    

"Kuya Ken!" Padabog 'kong binuksan ang pinto at pumasok ang kwarto nang kapatid 'kong adik sa paglalaro nang ML. Tulad ngayon naglalaro na naman sya. "Kanina ka pa inuutusan ni mama ah! Tumayo ka na daw dyan." Nka crossed arms pa ako habang nakatayo sa likod ang upuan nya.

Hindi nya ako pinakinggan at tuloy lang sya sa paglalaro. Hmmp! Kapal nang mukha na dedmahin ang maganda nyang kapatid.

"Umalis ka dito sa kwarto ko, moon. Kapag ako natalo humanda ka sa akin." Bakas ang pagkairita sa boses nya. Wow, bakit parang kasalanan ko pa kapag natalo sya. Ako ba ang naglalaro ha? Ako ba?

Nanatili lang ako sa likod nya at pinapanuod ang kanyang laro. Tagal ko na dito sa earth pero ako nalang atah ang hindi nauusuhan nang em el na 'yan.

Maya-maya pa, bigla nalang syang tumayo. "Dre, saglit lang. Hindi ko na kayang pigilan." Naka open mic pala sya. Masamang tingin ang ipunukol nya sa akin. "Moon, wag na wag mong pakikialman ang laro ko ha, yare ka sa akin."

Nagkibit balikat nalang ako. "Pakialam ko dyan." Kahit kelan talaga ang sungit nang kapatid ko.

After that, nagtatakbo na sya sa banyo. Ako pa tinakot nya, tsk.

Dahil likas akong pasaway, kaagad akong umupo kung saan nakaupo si Kuya kanina, tiningnan ko ang screen kung saan makikita ang pinagkakaabalan nya maghapon. Sinuot ko ang headphone at ang ipinagpatuloy nang maganda nyong bida ang laro.

Teka, paano ba 'to? Hehehe.

"Dre! Ano bang ginagawa mo?! Sinusugod na ang tore natin! Para ka namang babae maglaro! Umayos ka nga!" Galit na sambit nung na kalaro ni Kuya. Sandali-- boses atah ito ni Kuya Pablo. Sya lang naman ang maingay kapag naglalaro.

Nagpipigil lang ako nang tawa. Hindi nya alam na hindi na si kuya ang kalaro nya hehe. Soweee po.

At matapos nga ang ilang minuto...

DEFEAT...

Isang salita na nang flash sa screen---NAKO! YARE AKO! NATALO 'YUNG LARO! Nabawasan pa ang stars ni Kuya Ken!Yare ako neto!

"HAHAHHA." Dinig ko Mula sa headphone ang pagtawa nang Isa sa mga kalaban. "Paano ba yan, Dre. Pustahan ay pustahan. Talo kayo."

Sa sobrang taranta ko, tinanggal ko 'yung headphone sa tenga ko at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto ko. Nilock ko na rin ang pinto natatakot ako na baka pumasok si Kuya, for sure magagalit 'yun sa akin.

Nanginginig ang buong katawan ko habang umuupo ako sa kama ko. Wala akong kasalanan 'di ba? Pramis, nanunuod lang talaga ako.

Maya-maya pa, nakarinig ako nang malalakas na pagkatok sa aking pinto. "MOON! LUMABAS KA DYAN! SINABI KO SAYO NA HUWAG MONG PAKIALAMAN ANG LARO KO! YARE KA SA AKIN."

WAHHHH! Tulong! May halimaw sa labas nang kwarto ko! Mama! Papa! Help!

Dahil takot pa din ako sa kuya ko, binuksan ko pa rin ang pinto. Isang nakasimangot na lalaki ang nabungaran ko. "Peace kuya." Ngumiti pa ako sa kanya pero inambahan nya ako nang suntok--langya! Galit na galit?

Hinawakan nya ang braso ko at kinaladkad ako sa loob nang kwarto ko. "Maupo ka dyan!" Mautoridad na utos na sya akin.

Sumunod nalang ako kesa naman magalit pa sya sa akin. Nagtaka ako nang kumuha sya nang maleta at pinaglalagay doon ang mga damit ko at iba ko pang gamit.

"Kuya? Anong ginagawa mo? Bakit mo iniimpake ang mga gamit ko?" Tumayo na ako at lumapit sa kanya. "Kuya, sorry na. Hindi ko naman sinasadyang matalo yung laro eh. Wag mo naman paabutin sa ganito." May pahawak-hawak pa ako sa braso nya.

Katulad kanina, hindi nya ako pinakinggan. Lumabas sya nang kwarto ko habang hila-hila ang maleta ko. WAHHH! Ganun ba sya kagalit sa akin? Wala tuloy akong pagpipilian kundi ang sumunod nalang.

SB19 Short Story Present:Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα