One Last Kiss

38 5 0
                                    

12: 30 am, kakauwi ko lang galing sa trabaho. Waitress kasi ako sa isang bar at kahit pagod wala akong pagpipilian kundi ang maglakad, bukod sa wala akong pamasahe malapit lang din naman ang boarding house ko dito. Mga dalawang kanto, ganern.

Tahimik ang kalyeng nilalakaran ko at nagliliwanag sa dami nang ilaw sa bawat poste. Maswerte ako dahil sa tagal ko nang lumalakad sa kalyeng ito, never pa ako naholda---

"--Pre, holdap 'to." Bigla akong napatago sa likod  nang isang kotse nang marinig ko na may nagsalita sa unahan nang kotse kung saan ako mismo nakatago.

Pasimple akong sumilip sa holdapang nagaganap. Isang lalaking naka puting jacket at nakafask mask ang hinoldap nang lalaking mataba at nakasando lang at panyo lang ang ginamit nitong pang takip nito sa mukha.

May kutsilyong nakatutok doon sa lalaking nakaputi. Nakataas lang ang dalawang kamay nya tila ba sumusuko na kaagad. Sa porma nya, mukhang mayaman sya kaya malamang pag iinitan talaga sya nang mga holdaper dito. Buti nalang mukhang dugyot ako at walang pera.

"Pre, akin na ang pera at cellphone mo bago ka masaktan." Tapang ni mamang holdaper.

"Wala ako nun." Sagot naman ni Kuya. Sa tingin ko gwapo sya, feeling ko lang. Umaandar na naman ang gwapo radar ko.

"Impossible! Just me your pitaka!" Ayy Sosyal, umeenglish si manong.

"Sabi ngang wala nga di ba. Kung meron man kanina ko pa ibinigay sa'yo!" Mabilis naman mapikon itong si kuyang nakaputi.

Mukhang hindi nagustuhan nung holdaper ang sinabi nya kaya naman inihanda nya ang kutsilyo nya para saksakin ang bibiktimahin nya pero mabuti nalang at mabilis na nakaiwas ang lalaki.

Bilang makabayang pilipino at matapang na dalagang Pilipina, hindi ko makakayang panuodin at tingnan nalang ang kapwa ko na inaapi nang masasamang loob. Sige! Ding! Akin na ang bato, magdadarna ako! Charot.

May nakita akong bote nang beer sa ilalim nang kotse. Dinampot ko ito at hinawakan nang mahigpit. Hindi ko alam kung ano ba itong pumapasok sa utak ko pero bahala na, mukhang need ni kuya nang help eh.

Bumuntong hininga ako. Isa. Dalawa. Tatlo!

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nakisali sa sasaksakan scene nila. Nakatalikod si holdaper sa akin kaya buong pwersa 'kong ipinukpok sa ulo nya ang bote nang beer.

Napalakas atah ang paghampas ko nang bote sa ulo nya, nabasag ang bote at kaagad na natumba sa kalsada ang matabang holdaper. Bleeh! Buti nga!

Napatulala naman si kuyang nakaputi, at hingal na Napasandal sa hood nang kotse. "Sino ka ba? Lakas nang loob mong makisali ah." Habol sa hangin ang pagsasalita nya.

"Magthank you ka nalang, kung hindi ako dumating malamang nasaksak ka na nya." Woah. Feeling ko I'm a heroine. Darna, kabahan ka na.

"So? Dapat ba akong magpasalamat?" Aba, may pagkamasungit ang pananalita nya.

"Syempre naman! Niligtas ko kaya ang buhay mo." Tama naman di ba? "Teka nga, ano bang ginagawa mo dito sa ganitong oras. Alam na madaming holdaper dito, ngayon mo pa naisipang mag gala. Adik ka boy?"

Umayos sya nang tayo. "Chismosa ka ba? Pakialam mo kung nandito ako. Teka nga hindi ako makahinga." Inalis nya ang facemask nya at nagulantang ang nananahimik Kong matres nang masilayan ko ang gwapo nyang mukha--maliwanag kasi dito.

"Oh? Bakit ka natulala? Gwapo ko ba?" Ayyt. Mayabang din.

Mukhang kilala ko sya, kung hindi ako nagkakamali--"Ikaw si Ken Suson nang SB19 'di ba?" Shocks! Kung ganitong nilalang ang makikita ko palagi sa ganitong oras, gabi gabi na ako gagala.

Gamit ang palad nya, pinaypayan nya ang sarili nya. "Ako nga may problema ba?"

Fan mo ako, boy! A'tin din ako! Taga manukan! "Pwede nagpapicture? Sige na, tinulungan naman kitang mapatulog ang holdaper eh." Yieeee, papayag na Yan.

"Sige na nga, akin na cellphone mo." Hingal pa din sya eh.

May narealize ako. "Cellphone? Hehe." Napakamot pa ako sa ulo ko. "Wala nga pala ako nun."

Iritableng syang napatingin sa kin. "What? Paano Tayo magpipicture nyan?"

"Ikaw ba? Wala ka bang cellphone?" Mayaman sya di ba? Saka artista sya imposible na wala.

"Para ka naman itong holdaper eh, Sabi nang wala akong cellphone. Naiwan ko sa condo ko."

Hmmm eh ano nalang kaya? Ahh! Alam ko na! May naisip ako sana pumayag sya. "Pwedeng kiss nalang? Please!"

"Hoy! Ayoko nga. Hindi nga kita kilala eh. Iba nalang hilingin mo."

"Lei ang pangalan ko. Yan, kilala mo na ako pwede mo na ako ikiss!"

"Hindi. Ayoko pa din." Arte naman nang manok na 'to.

Hindi ako papayag gusto ko nang kiss! Minsan lang to kaya ipu-push ko na! Dinampot ko yung kutsilyong ginamit nung holdaper at initutok ito kay Ken. "Hahalikan mo ako o itutusok ko ito sa mahal mong internal organs?" Pusha, ako na holdaper ngayon.

"Teka lang! Ano to, sexual harassment?!" Gulat din sya.

"Isang kiss lang promise tapos aalis na ako." Yieee laban para sa halik nang isang Ken Suson.

"Langya, nakaligtas nga ako sa isang holdaper may manyak naman na pumalit."

Ano daw? "Anong sinasabi mo dyan? Bawal bulong bulong dito." Bubuyog ba sya?

Napakamot sya sa ulo. "Wala!"

Ay Teka may naisip ako hehehe. "Sige na, pagbigyan mo na ako mister Ken Suson. May taning na kasi ang buhay ko pero wala pa din akong pers kiss. Kung sakali man na mawala ako atleast may magandang alala akong dadalhin---"

Bigla nya akong hinatak palapit sa kanya at sa bilis nang pangyayari, hindi kaagad ako nakapag react.

HINALIKAN NYA TALAGA AKO!

HINALIKAN NYA AKO!

Napatulala nalang ako after nyang gawin ang gusto ko. "Ano happy ka na? Satisfied?" Ngumisi pa sya.

Napalunok ako nang laway. Ang lambot nang labi nya. Eng serep. "Isa pa--Aray Naman! Mapanakit ha." Batukan pa Naman ako.

"Wag kang abusada." Ginulo nya ang buhok ko. "Pero Thank you sa pagliligtas nang buhay ko. Sana magkita pa Tayo ulit." At tumakbo na nga sya palayo.

Naiwan akong nakatayo at lutang pa din dahil sa nangyari.

WAHHH! Hinalikan nya talaga ako. Sana Hindi ito ang huling beses na mahalikan ko sya. This is not a one last kiss. Meron pa! Hahanapin kita Suson!

Dedicated to: Lei Raizel Collado

SB19 Short Story Present:Where stories live. Discover now