Kabanata 31

1.4K 14 1
                                    

Huling Kabanata:
Life Goes On

Isabella Danisse's Point of View

Pagkatapos naming tumambay sa Spring River ay naisipan ko nang magpahatid na sa kaniya. Kalaunan naman ay nakarating na kami sa mansion. Kaagad na nahagip ng mga mata ko ang mga magulang ko na nasa labas.

Nang huminto ang kotse ni Calum ay agad kong tinanggal ang pagkakakabit ng seatbelt ko at sumulyap sa kaniya.

"Thank you for today, Calum. I appreciate your comfort," I then said and smiled at him. Ngumiti siya sa akin at tumango lang. Tinanggal ko na rin ang suot kong jacket niya at ibinalik na iyon sa kaniya.

"Always welcome, Danisse," he replied. I then held the door handle and pushed it to open. Agad naman akong dinaluhan ng mga magulang ko na bakas ang pag-aalala sa mukha nila.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo, Danisse. T-in-ext ako kanina ni Threscia tungkol sa nangyari," agad na ani ni Mommy sa akin pagbaba ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at nilingon si Calum na nasa loob ng kotse.

"Thank you again," I spoke and he just nodded with his remark. Sinara ko na ang pinto ay pinaandar na niya ulit ang kotse niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa aming gate.

"Let's go inside," Daddy coldly said and Mommy held my hand as we enter the mansion. Iginiya ako ni Mommy sa sala at pinaupo.

"I can't believe that Luis did that," Mommy started and I glance at her. Huminga ako ng malalim at niyakap siya. Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik at hinaplos ang likod ko.

"My poor daughter," Mommy's voice went soft as she retorted.

"Subukan lang magpakita ni Luis dito at malalagot siya sa akin. Sa tagal niyo nang magkasintahan, ngayon pa siya nagloko?" Hindi makapaniwalang sambit ni Daddy. Kapagkuwa'y humiwalay ako sa yakap. Hinaplos naman ni Mommy ang buhok ko at inayos iyon.

Daddy's right. Sana noon pa lamang ay ginawa na niya ito para hindi pa masyadong masakit kasi sobrang kasi ngayon. Lalo na't limang taon na kami tapos nagawa niya pang magloko. Wala naman akong natatandaan na pagkukulang ko.

"Sir, Ma'am at Miss Danisse, nasa labas po si Luis," kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Manang Florida sa amin. Sumulyap ako kay Daddy na umigting na ang panga niya at nakayukom na ang magkabila niyang kamao.

Mukhang handa na talaga siyang bugbugin si Luis. Huminga ako ng malalim bago binalik kay Mommy ang tingin ko. Ngumiti lang siya sa akin at hinalikan sa noo.

"Walang lalabas. Ako ang haharap sa Luis na 'yan," ani ni Daddy at dali-daling umalis sa sala. I just sighed again and leaned on my mother's shoulder. Niyakap naman ako ni Mommy.

"Everything will be okay," she whispered and I just nodded because of that.

"What's your plan now? You are attending the same university as Luis. I know that you want to avoid him," Mom then interrogated. Huminga ako ng malalim at humiwalay sa kaniya. Kapagkuwa'y tiningnan ko siya.

"Wala pa akong plano, Mommy pero gusto ko po sana magpatuloy ng pag-aaral sa New York. Gusto ko ng new environment," I replied which made her nodded. I think studying abroad won't hurt right?

I want to be independent this time. Besides, I have better opportunity in abroad and I want to come back here with a new me.

"Whatever you want, sweetie. We're always here to support you. If you want to study abroad then study abroad," nakangiting pagsasang-ayon ni Mommy sa akin. Ilang sandali pa lamang ay bumalik na si Daddy rito sa sala. Sabay kaming napatingin ni Mommy sa kaniya.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now