Kabanata 6

646 13 0
                                    

Kabanata 6:
University Tour

Isabella Danisse's Point of View

I never imagined myself being the class president of COHI - 6A. I'm just here to study and don't have plans on joining class officers or council but here I am, standing in front of my classmates because they nominated me as their class president and I won.

Sumulyap ako kay Miss Elle na nakaupo at nakangiting nakatingin sa akin.

"Go ahead, Miss Contreras. Initiate the nomination," she then spoke which made me nodded. Humarap ako sa mga kaklase ko at ngumiti.

"The position for the Vice President is now open," I started. Humarap ako sa whiteboard at sinulat ang 'Vice President'.

"Danisse, I would like to nominate Kingsley Roel Santiago for the position of Vice President," kaagad namang napuno ng hiyawan ang classroom ulit nang banggitin ni Kiri ang pangalan ni King. Sa tingin ko ay schoolmate niya si King dahil sa Sacred Monarch Academy rin gr-um-aduate si King.

Napailing na lang ako dahil hindi talaga sila titigil. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ang kami ni King. Ang ibig kong sabihin ay baka pinagti-trip-an lang kaming dalawa. Wala sa sailing napatingin ako kay King na ngayo'y nakatingin din sa akin at nakangiti.

Mukhang gustong-gusto niya ang mga nangyayari at parang wala lang sa kaniya ang mga asaran. Ibang klase. Tama ba ang napasukan kong klase o baka naligaw ako? Napasinghap ako nang hindi ko inaasahan na kumindat siya sa akin at ngumisi. Umiwas ako ng tingin at mahinang tumikhim.

Nagpapasalamat din ako na tumigil na ang asaran, hindi ako kumportable.

"Okay Mr. Santiago is nominated," I then spoke and faced the whiteboard to write his name. Humarap ako ulit sa kanila. Maya-maya ay nagtaas ng kanang kamay si Lida at tumayo.

"I moved to closed the nomination, Ms. President," kapagkuwa'y aniya.

"We second the motion," they followed in unison. I just sighed because of it. Sinasabi na nga ba, pinagti-trip-an lang kami ni King. Are they serious? Mukhang hindi yata sila seryoso sa class officers.

Hindi naman sa ayaw ko siyang maging Vice President, pakiramdam ko kasi ay pinaglalaruan lang kami.

"Don't worry, Ms. President. Dati nang officer si King sa Sacred Monarch Academy no'ng Grade 11 at 12 siya. Magaling siyang mamahala. He's a good leader. This section will be I'm good hands," maya-maya ay sabi ni Kiel sa akin no'ng napansin niya siguro na nagtataka ako.

Sa tingin ko ay kaibigan siya ni King dahil galing Sacred Monarch din si Kiel. Tumango lang ako at parang nawala naman ang pangamba ko. Akala ko ay kung sino-sino lang ang nino-nominate nila. Mabuti naman kung gano'n.

"Okay, Mr. Kingsley Roel Santiago is our classroom Vice President. Mr. Santiago, kindly joins Ms. Contreras here in front to help her initiate selecting our classroom officers," Miss Elle stated. Huminga lang ako ng malalim at bahagyang binaling ang tingin ko kay King na nakatayo at pababa na.

Agad namang naghiyawan ulit ang mga kaklase ko nang palalapit sa akin si King na animo'y kinikilig sa akin. Ibang klase, may boyfriend ako at hindi ko maiwasan hindi maging komportable. Hindi ba nila narinig ang sinabi ko kanina na may boyfriend na ako? I just sighed and shook my head.

Staring at King, he was sporting simple jeans and a grey tee-shirt that emphasizes his built.

He had the face of a playboy and he seems like a heartbreaker. I bet, he broke many women's hearts before but I shouldn't judge him in his physical appearance because I might be wrong.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now