Kabanata 27

665 6 0
                                    

Kabanata 27:
Exam

Isabella Danisse's Point of View

My chin is trembling while watching Threscia disappeared out of our sight. My eyes also watered because of what I had just said to her. She's right. We've been friends so many years now and I know her better than anyone else.

Hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi iyon kay Threscia. Hindi ko kasi kayang marinig na nagtataksil si Luis sa akin dahil wala namang dahilan para magtaksil siya sa akin. Alam ko na naging busy ako nitong mga nakaraang araw pero hindi naman ako pumapalya na paglaanan siya ng sapat na oras.

Huminga ako ng malalim at sumulyap kila Olive na nakatingin sa akin ngayon. Nagkibit-balikat silang dalawa sa akin.

"Let her be. She needs to calm," Olive spoke and I just nodded with what she said.

"Babe," napatingin ako kay Luis nang tawagin niya ang pangalan ko. Naglalakad na siya palalapit sa amin.

"Sige. Iwan muna namin kayo, Dan," ani ni Jhona at hinalikan ako sa pisngi. Gano'n din si Olive sa akin. Nang makita ko na nakaalis na sila Olive ay sakto namang nakalapit na si Luis sa akin at ngumiti. He then gave me a kiss on my left cheek. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya.

"Are you okay?" His forehead creased. Tipid akong ngumiti sa kaniya at umiling lang. He then held my hand and intertwined it with his fingers. Kinuha niya rin mula sa akin ang bag ko at siya na ang nagbitbit. Hinayaan ko lang siya dahil palagi niya naman itong ginagawa sa akin.

"I know you, babe. Is there any problem?" Masuyo niyang tanong.

"Nagkatampuhan lang kami ni Threscia," iyon na lamang ang nasabi ko. Ayaw ko muna siyang tanungin tungkol kay Kristen dahil sasama lang ang loob ko.

"Napansin ko nga kanina nang nakasalubong ko siya. Tinawag ko ang pangalan niya pero hindi niya ako narinig. Huwag kang mag-alala, hindi ka matitiis n'on," turan niya na ikinatango ko lang at nagsimula na kaming maglakad na magkahawak ang kamay.

"How's your exam?" Kapagkuwa'y tanong niya.

"Good. Medyo madali lang para sa akin," pag-aamin ko habang ang tingin ko ay nasa dinaraanan namin.

"You did well," iyon na lamang ang naisagot niya. Mabilis naman kaming nakarating sa parking lot at binuksan niya ang pinto ng kotse niya para sa akin. Walang imik akong pumasok at kinuha mula sa kaniya ang bag ko.

Dahan-dahan niya namang sinara ang kotse niya at sumakay na rin sa driver's seat. Kinabit ko na ang seatbelt ang gano'n din siya. Kalaunan ay pinaandar na niya ang kotse niya. Habang nasa biyahe kami ay nagsalita siya.

"Ano bang pinag-awayan niyo ni Threscia?" Kuryoso niyang tanong sa akin dahilan para mapasulyap ako sa kaniya. Huminga ako ng malalim at sasabihin na ang dahilan. Hindi kasi ako matatahimik hangga't hindi ko ito nailabas.

"It's about you and Kristen," I answered without looking away. I want to watch his reaction. He took a glance at me and his forehead creased because of it.

"What about me and Kristen?" He interrogated.

"It's nothing. Never mind," bawi ko at umiwas na ng tingin. Inabala ko na ang tingin ko sa labas at pinagmasdan ang paligid.

"Walang namamagitan sa amin ni Kristen, babe," sa sinabi niyang iyon ay kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. Wala naman akong sinasabing may namamagitan sa kanila kaya paano niya nalaman?

"What? Wala akong sinasabing ganiyan," I defended. He then took a glance at me.

"I mean, gusto ko lang malaman mo na walang namamagitan sa amin," he reasoned out and I gave him a dazed look of bewilderment as I tilted my head on the other side. Malapit na akong manghinala. Ako na ang unang umiwas ng tingin at bumuga ng hangin.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon