Kabanata 20

631 7 0
                                    

Kabanata 20:
Celebration

Isabella Danisse's Point of View

The election went well and we are told to keep it a secret for now to surprise the newly elected officers. When lunch came, Luis and I decided to eat at Del Luna Cuisine. Threscia is busy today, together with her co-members and the other party-list.

Magpapa-deliver na lang daw siya sa driver niya ng lunch niya kaya pumayag lang ako. Sila Olive at Jhona lang ang kasama namin ni Luis ngayon sa isang VIP room dito sa Del Luna Cuisine at tahimik na kumakain.

"As expected, Threscia and her party-list won. All law students voted for Threscia because Grant told them so," napaangat ako ng tingin dahil sa kwinento ni Luis. Did Grant tell them to vote for Threscia? Really? I bet, Threscia would love to hear this news.

"Really? Grant cared?" I interrogated. Luis met my eyes and he just nodded.

"I think. He told us about Threscia, that she's fit for the position, that's all," Luis replied. Tumango lang ako sa kaniya at sumipsip sa Iced Tea ko. Hindi ko alam kung bakit binibigyan ko ng malisya ang kilos ni Grant kay Threscia.

Siguro ay dahil hindi ko maiwasan. Masabi nga mamaya kay Threscia para lalo siyang maging good mood. Nang matapos kaming kumain ay nag-iwan kami ng bayad para sa kinain namin. Sabay-sabay kaming lumabas ng VIP Room.

Nakakapit ngayon si Olive sa braso ni Jhona habang palalabas kami ng Del Luna. Riding their own cars and I ride with Luis, we arrived at our university. Pumasok kami sa gate at t-in-ap ang ID bago pumasok.

Nagpaalam na sa amin si Luis nang maihatid niya kami sa building namin. Niyakap ko siya bago siya umalis. Nang makalayo siya sa amin ay tiningnan ko sila Olive na nakangiti.

"Sana all," they both said in unison and I just chuckled because of that. Nauna na akong umakyat at naramdaman ko naman na nakasunod sila sa akin. Nang makarating kami sa classroom nila ay nagpaalam sila sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanila.

Pumasok na rin ako sa classroom ko at bumungad sa akin ang ingay ng mga kaklase ko. Ang iba ay nagtatawanan, nagkekwentuhan at nag-aasaran. Sa lahat ng narinig ko ay nangingibabaw ang boses ni King at mga kaibigan niya.

Pinag-uusapan nila ngayon si Threscia at inaasar nila si King.

"Nanalo bebeloves mo," rinig kong sabi ni Theo. Napailing na lang ako sa ka nila. Tinungo ko na ang upuan ko at umupo roon. Maya-maya ay nag-ring naman ang bell at sakto naman na pumasok si Miss Elle sa classroom.

Like we always do, we greeted and she just smiled as a response.

"Good afternoon, class. At any minute, we will go to the auditorium. Pagkatapos ay magsisimula na ang try-out para sa mga sports," Miss Elle announced and the whole class started to talk about their sports.

Basta ako, sa Volleyball ako. Kami ni Olive. Excited na tuloy ako mamaya sa try-out. Maya-maya pa ay may tumawag na sa aming isang estudyante. Diretso na raw sa auditorium.

Hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti habang ini-imagine ang mukha ni Threscia mamaya kapag nalaman niya na nanalo siya at pati na rin ang co-members niya.

Ang lakas ng partido nila. Hindi ko alam kung paano napapayag ni Threscia ang mga 'yon na sumali sa partido niya. Whatever it is, I'm really proud of her.

I checked my face through the screen of my phone and when I got contented, I put my wallet in my pocket. Tumayo na ako at naglakad pababa. Sinalubong naman ako ni Kiri na nakangiti at sabay kaming lumabas ng classroom.

Luminga-linga rin ako at maraming estudyante ang nasa corridor. Pababa na kaming lahat. Tahimik lang naming tinatahak ang daan papunta sa auditorium.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora