Kabanata 19

462 8 0
                                    

Kabanata 19:
Election

Isabella Danisse's Point of View

Mabilis namang lumipas ang araw dahil ngayon ay election na para sa bagong student councils ng Hearthstone University. Kahapon naganap ang debate na ginanap sa auditorium. As expected from Threscia, she's good at debating.

Lahat ng binabatong tanong ng kalaban niya sa kaniya ay nasasagot niya ito ng mahaba na para bang nagbibigay siya ng speech. Kakaiba rin ang mga sagot niya dahil may mapupulot kang at aral dito.

Mapapasang-ayon ka talaga sa kaniya kaya kung si Threscia ang mananalo ay nasa mabuting kamay ang Hearthstone University. Gano'n din si Blaire, magaling din siyang sumagot at halata na matalino rin siya.

Nasisiguro ko na magiging mabuting student body president si Threscia dahil nasa dugo na niya ang pagiging leader.

Minsan ay tinanong namin siya kung may balak ba siyang pumasok sa politiko kapag natapos na siya sa pag-aaral pero ang tanging sagot niya lang ay hindi raw siya interesado at wala siyang balak.

Hindi naman siya pinipilit ng mga magulang niya na mag-politiko dahil alam nila na magulo ang buhay ng politiko.

Kahapon din ay nanalo ang partido ni Threscia sa debate at lamang na sila sa election. Panigurado ay maraming magi-straight vote ngayong araw. Magaling din ang kabilang partido na sumagot ngunit napapatigil sila kapag si Threscia na ang nagtanong.

Ang bibigat kasi ng mga tanong ni Threscia. Para tuloy siyang nasa korte kahapon kung makipag-debate. Marami ang namangha sa kaniya kahapon dahil lahat ng estudyante ng Hearthstone ay nanood.

Halos lahat ng taga College of Law ay pabor kay Threscia at Blaire. Mukhang nakuha nila ang tiwala ng mga law students. By year ang botohan ngayon. Ngayon ay kasama ko sina Threscia na kumakain ng snack sa cafeteria.

After ng break time ay ang election na. Tiningnan ko si Threscia na abala lang sa pagsipsip sa milk tea niya. Mukhang hindi siya kinakabahan ngayong araw. Si Kristen naman ay nilibre ako kahapon at naging mag-kaibigan na rin kami dahil napansin ko na wala siyang kaibigan.

Ang sabi niya ay ayaw raw nila ng nerd na kaya walang lumalapit sa kaniya. Naawa naman ako sa kaniya kahapon dahil mahirap ang walang kaibigan. Mahirap din kapag iniiwasan ka ng mga tao. Mabuti at pumayag siyang maging kaibigan ko.

Maganda naman si Kristen at mayaman kaya lang ay ayaw niya raw ng make-over. Konting ayos lang sa kaniya ay mas lalo siyang gaganda. Hindi ko naman siya gustong pilitin kaya hinayaan ko lang siya.

Hindi ko pa ito nasasabi kila Threscia pero sasabihin ko rin sa kanila pagkatapos ng election. Bigla tuloy akong may naalala tungkol sa nakita ko kahapon.

"Alam mo ba kahapon Threscia? Siguro matutuwa ka sa ikekwento ko ngayon," I broke the silence. Napatingin naman sa akin si Threscia at nilapag ang milk tea niya sa mesa. Inabot niya ang tinidor niya at kumuha ng graham cake gamit iyon.

"Spill," she replied while she's busy on her graham cake.

"It's about Grant," that cue made her stop and turn her gaze to me. She's anticipating what I will say next. Ngumiti ako sa kaniya bago nagkwento.

"Well, I noticed yesterday that Grant is staring at you. He also looks amazed, Cia. Hindi ko alam kung bakit siya nakatitig sa 'yo kahapon pero kahit nagsasalita ang kabilang panig ay sa 'yo pa rin nakatitig si Grant," mahaba kong kwento.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi niya at mukhang masaya talaga siya sa narinig. Hindi sa pinapaasa ko siya pero totoo talaga na sa kaniya lang ang atensiyon ni Grant.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now