Kabanata 25

660 8 0
                                    

Kabanata 25:
Transformation

Isabella Danisse's Point of View

Pagkatapos n'ong usapan na tungkol sa crush ay wala nang nagsalita sa amin hanggang sa maubos ang pagkain namin. Sakto naman na nag-bell na at hudyat na next subject na ulit. Sabay-sabay kaming tumayo at iniwan sa mesa ang tray namin. Naubos naman namin ang yogurt kaya tinapon na namin ang packaging niya.

Lahat ng kagaya naming estudyante na nandito sa cafeteria ay sabay-sabay na lumabas. Kami naman nila Threscis ay nakisabay na. Nang makalabas kami ay agad na nagpaalam sa amin si Kristen dahil sa kabilang building pa siya. Pagkaalis niya ay sumulyap ako sa mga kaibigan ko.

Ngumiti kami sa isa't isa at tinungo na ang daan papunta sa building namin. Habang papunta kami roon ay hindi ko maiwasan ang hindi bumuntong-hininga. Still, I can't stop thinking about Kristen and her crush.

I have this gut feeling that Luis is her new crush and it made me angry. Hindi ko hahayaan na maagaw niya sa akin si Luis kapag nagkataon.

"Is there any problem, Dan?" Napatingin ako kay Threscia na nasa tabi ko nang magtanong niya. Ngumiti ako sa kaniya at umiling lang. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa dinaraanan namin.

"Stop lying, Dan. We know you. We've been friends for almost 14 years now. Wala akong hindi alam sa inyo," ani naman ni Olive kaya bumuntong-hininga ulit ako. Okay, they won.

"It's about Kristen. Ewan ko kung nahihibang na ako pero nararamdaman ko na si Luis ang tinutukoy niya dahil nakatingin siya sa akin nang sabihin niya ang tungkol sa crush niya. Para bang pinapahiwatig niya sa akin na si Luis ang crush niya. Iyon ang dating para sa akin. I don't know if my assumption is right but I have a feeling that it is," mahaba kong kwento.

Kumapit naman si Threscia sa braso at hinayaan ko lang siya.

"Malay mo, ikaw ang crush niya pero hindi e. Mas matanda siya sa atin so may possibility nga na si Luis ang crush niya. Don't worry, ipapasubaybay ko iyang si Kristen," suhestiyon ni Threscia kaya napatingin ako sa kaniya. Her face is serious. It looks like she's serious about tailing Kristen and I think, it's not a bad idea, right?

"Okay, payag ako," sa sinabi kong iyon ay ngumisi sa akin si Threscia at kumindat sa akin.

"On it. Ako na ang bahala. Ipapasubaybay ko siya sa co-officer ko na classmate niya. Huwag kayong mag-alala kasi mabait iyon at hindi nanglalaglag. Takot niya lang sa akin," aniya at lalong ngumisi. Bigla naman akong kinabahan sa pagngisi niya pero may tiwala ako kay Threscia.

I know her more than anyone else, she's true to her word and she's not the type of person who broke someone's trust in her.

"Sabihan mo lang kami kapag kailangan mo ng resbak, nandito lang kami. Lagot sa amin iyang Kristen na iyan," ani naman ni Jhona na ikinatawa ko lang. Tumango naman sila Threscia at Olive. Tumigil na rin ako sa pagtawa dahil ang seryoso nilang tatlo.

"Right, hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko no'ng Sabado. 'Di ba nga, sinuntok ni Luis si Simone," panimula ni Olive kaya napatingin kami sa kaniya. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Titig na titig si Kristen kay Luis. Dreamy niya pang tinitingnan si Luis. Feel ko, na-love at first punch siya kay Luis. Pa-fall kasi iyang boyfriend mo, beb," pagpapatuloy ni Olive sa sinimulan niyang kanina. Natawa naman sila Threscia at Jhona sa kwinento ni Olive. Hindi naman kasalanan ni Luis ang maging pa-fall.

Ako ay hindi ko magawang tumawa nang narinig ko ang kwento ni Olive. Wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga ulit. Nakakagaan kasi ng loob.

"We'll know soon," tipid na turan ni Threscia hanggang sa makarating na kami sa building namin. Nauna kaming umakyat ni Threscia dahil hindi kasya ang apat sa hagdanan. Nang makarating kami sa classroom nila Threscia ay nagpaalam na sila sa akin para pumasok na sa classroom nila.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu