Chapter 46

17 1 0
                                    

Chapter Fourty-Six




"I'll GO WITH YOU"



Napatingin sa akin si Sam na ngayon ay handa nang umalis upang puntahan si Sean.




"Kasama ko naman sina Zayn. Wala akong gagawin-"




"Sasama ako"Talagang seryoso ako kaya ang mga tao dito sa room ni Sebastian ay napatingin sa amin. Sina Tito Zoren and Tita Sofia. Nandito din sina Margaux, Kuya Timothy, and Ashton. Sina Zayn at ilang guards sila ang pupunta kay Sean.




Ayoko mang iwan si Sebastian dito ay hindi ako papayag nang hindi ako sasama kay Sam. Alam kong madaming mag babantay kay Sebastian kaya napanatag ako.





Napatingin naman sa akin si Sam at napahinga ng malalim. Mag hahapon na din, naka pag pahinga na din ako at nakapag ayos kaya ayos lang sa akin ang lumabas.




"Fine.."Wala na s'yang magawa dahil seryoso naman ako. Tiningnan ko naman sina Tita at sinabing sila muna ang bahala kay Sebastian.





"Don't worry, kami na ang bahala. Basta mabilis lang kayo doon"Bilin n'ya pa sa amin. Tumango naman ako bago lumapit kay Sebastian na wala paring malay.





"Baby, alis lang kami ni Papa, okay? Babalik din kami"Sambit ko sa kanya at hinalikan s'ya sa noo. Ramdam ko din naman ang pag lapit ni Sam at hinalikan ang aming anak.






"We'll go ahead. Call us pag may nangyari"Tumango naman sina Tita"Let's go"Hinawakan ako ni Sam sa kamay.





"I'll go with you, guys"Napatingin naman kami kay Kuya Timothy.





"Me, too"Tumango nalang kami kina Ashton at naunang lumabas ng room. Agad sumalubong sa amin ang mga tao nila Sam at inalalayan kami nakarating sa basement ng hospital.





Kami ang mag kasama ni Sam sa isang kotse, kasama ang driver at isang guard. Si Zayn naman ay kasama ang dalawa sa kotse n'ya.





Sa totoo ay hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Baka once na makita ko si Sean ay mabawi ko ang mga sinabi ko kay Sam. Pakiramdam ko ay ako ang makakapatay sa kanya. Wala s'yang karapatan na saktan ang anak ko kaya galit na ang nararamdaman ko.





Napatingin naman ako kay Sam, sa bintana lang s'ya nakatingin at parang ang lalim nang iniisip. Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinag sakop iyon kaya napatingin s'ya sa akin.





Napahinga naman s'ya nang malalim bago dampian ang aking noo. Pinatong ko naman ang baba ko sa kanyang balikat upang kumalma kahit papaano.




Nang makarating kami sa presinto ay napatingin sa amin ang mga officers dito. Isa sa mga tauhan ni Sam ang kumausap sa mga officers kaya agad silang tumango sa amin.




Nasa likod lang naman namin sina Zayn habang papunta kami sa isang room dito. Pinag buksan kami ng pinto nung officer upang makapasok kami.




Ganun nalang ang pag kuyom ng kamay ko nang makita si Sean na nakaupo habang ang mga kamay ay nakapatong sa isang mahabang lamesa at naka posas na.




"Alondra.."Ganun nalang ang pag laki ng kanyang mata at napatayo. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na lapitan s'ya at sunod-sunod na pinag sasampal. Hindi naman s'ya nag salita at hinayaan ako.




"Paano mo nagawa sa amin iyon?"Umiiyak kong sigaw sa kanya, patuloy parin s'yang sinasaktan. Halos dugo na ang kanyang labi sa pag sampal ko pero wala akong pakealam. Kulang pa iyon sa ginawa n'ya kay Sebastian.





UNTITLED (Secret Romance Series #1)Where stories live. Discover now