Chapter 17

17 1 0
                                    

Chapter Seventeen




MAPATINGIN nalang naman ako sa aking sarili dito sa salamin ng aking kwarto. Parang ang daming nangyari sa akin ngayong araw.





Habang nag susuklay ay naalala ko ang mga pag tatalo namin ni Sam. Kahit sinabi ko na hindi ko na s'ya gusto ay alam ko sa aking sarili na gusto ko parin s'ya. Hindi ko alam kung paano ko s'ya haharapin matapos ng mangyari kanina.




Napasapo nalang ako ng aking mukha bago inayos ang aking sarili. Simula kanina ay hindi ko nakikita si Sam. Hindi ko alam kung saan s'ya nag punta, wala rin akong oras alamin dahil tinulungan ko si Mommy sa kitchen.




Bumaba na ako dahil mamaya ay dadating na ang aking mga kaibigan. Hindi ko naman inaasahan na may makikita akong pamilyar na mga mukha sa aming living room.



"Alondra!"Ngiti n'yang bati sa akin kaya ganun nalang ang pag sapo ko ng bibig.



"Gian?"Halos walang boses kong sambit at tiningnan s'ya.



"The one and only"Ngiti n'ya kaya ganun nalang ang pag takbo ko sa kanya at niyakap nang mahigpit.



"Oh, gosh!"Hindi parin ako makapaniwala na makikita ko s'ya ngayon"Ikaw na ba talaga 'yan? You look good. How have you been?"Sunod-sunod ko pang tanong sa kanya nang kumalas sa yakap.



"I'm fine"Ngiti n'ya sa akin at pinasadahan ako"Look at you, ang laki na nang pinag bago mo. You look so fine"



"Well.."'Yon nalang ang nasagot ko at tumingin kay Mommy na naka ngiti pala sa amin ni Gian"Why didn't you tell me na uuwi ka na? And where's your family?"Umupo naman kami dito habang si Mommy naman ay nag paalam na pupunta sa kitchen para kumuha ng aming juice.



"Nasa Cebu parin sila, ako muna ang bumalik dito dahil may kailangan akong gawin"Tumango naman ako. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanya. Hindi ko din alam ang magiging reaksyon ko dahil nung huli naming pag kikita ay masyado pa kaming bata.



"Wow!"Hindi ko na talaga mapigilan ang mamangha dahil sa kanya"Grabe! Ibang-iba ka na Gian"Hindi ko alam kung matatawa ako o mamamangha habang nakatingin sa kanya.



Nanliit ang kanyang paningin habang nakatitig sa akin. Nakangiti din s'ya at halatang na natutuwa sa akin.




"Are you still single?"Tanong n'ya na s'yang kinagulat ko. Inalis n'ya pa ang mga nakaharang na buhok sa aking mukha bago tumingin sa aking mga mata




Natawa ako bahagya, hindi parin makapaniwala sa nakikita"Well, busy ako sa school..so no time for b-boys"



"Really?"He chuckled"Baka dahil ni Tito"Biro n'ya kaya ganun nalang ang pag tawa ko.



"Well, maybe you're right"Sagot ko pa at ganun nalang ang kanyang pag ngiti.



Sakto namang dumating na si Mommy at kinausap na din si Gian dahil ilang taon na din s'yang hindi nakakabisita dito. Anak s'ya ng kaiban nila Mommy. Dito nakatira ang mommy ni Gian habang ang daddy n'ya ay sa Cebu. May ari din sila ng isang factory ng mga sardines at talagang successful sila doon.



"Oh..so, nanalo kayo ni Ren sa pageant?"Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Kahit si Ren ay kilala n'ya dahil nag lalaro din sila dito nung panahong dito s'ya nag babakasyon.



"As always"Ngiti ko pa at uminom ng juice"Join us later"




"Sure"Ngumisi s'ya kaya ganun nalang ang pag Iling ko. Unlike before, mas naging mature ang itsura ni Gian at halata ding maloko na.



UNTITLED (Secret Romance Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum