Chapter 29

18 1 0
                                    

Chapter Twenty-Nine

"Merry Christmas, Baby"




'Yon ang bati ko kay Sam nang mag Christmas. Medyo malungkot dahil akala ko talaga makakasama ko s'ya pero hindi. Nandito kami ngayon kina Lolo dahil 'yon ang gusto ni Daddy.





My relationship with Sam is now more matured. Hindi kami masyadong nag uusap pero naiintindihan namin ang isa't-isa. Pinilit ko na din na ibigay ang buong tiwala ko sa kanya dahil alam kung hindi n'ya ako sasaktan.





Hindi parin alam nila Daddy ang relasyon namin. Pero pinangako sa akin ni Sam na after my birthday, doon na kami aamin. Sakto din naman na after my graduation, birthday ko na kaya double celebration ang magaganap.






"Ito na ang pinaka ayaw ko. Research, research, research"Napatawa naman ako kay Carl habang kumakain kami sa canteen ng school. Because we're graduating na, talagang pinapatay na kami ng aming mga school work.





"Hindi ko pa nga alam kung anong topic ko"Problemadong sambit ni Jovan"Maloloka na ako"





"Kaya natin 'yan"Sambit ko pa"We're graduating na kaya go lang. After this, we're college students na"Para kaming mga baliw na nag tilian dito sa canteen, Sina Ren naman ay napatawa nalang sa amin. Talagang hindi ko mapigilan ang maexcite dahil mag co-college na kami. But high school life is still the best. Dito ako nakakilala ng mga totoo kong kaibigan. At nakagawa kami ng mga magagandang memories.





Ako ang naatasang leader sa aming research kaya ganun nalang ang pag ka busy ko. I need to check my groupmates with their assigned works. Halos mahilo ako habang binabasa ang mga pinasa nila sa aking parts nila.






"Ahh, this is so stressful"I mumbled and massage my nape. Pinatay ko aking laptop at natulog nalang. Bukas ko na itutuloy ang aking mga gagawin.





"Naku! Tulog pa ang batang iyon. Alam mo na, stress sa research"Narinig ko ang mahinang tawa ni Mommy habang pababa ako ng living room. Kagigising ko lang dahil kailangan kong ayusin ang mga iba ko pang gagawin.





Pero parang nawala ang antok ko dahil sa bisita ni Mommy. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi ng makita ako.







Baby..!! I want to squeal when I saw Sam, sitting pretty in our sofa.





"Look, she's awake na pala"Baling ni Mommy sa akin"Good morning, anak"Ngiti ni Mommy sa akin.






"Good morning, mom"Sagot ko pa bago ulit tumingin kay Sam na ngayon ay deretsong nakatitig sa akin. Kung wala dito si Mommy, baka sinalubong ko na s'ya ng yakap.





"Hey.."Bati ko sa kanya. I tried to sounds like shocked, well I am!





"Hey"He chuckled. Para kaming mag tropa lang na nag batian dahil syempre, nandito si Mommy. Ang hirap naman nito, lalo pa't ang gwapo ni Sam. Gusto ko s'yang yakapin.





"What are you doing here?"Tanong ko pa. Tumaas ang isang kilay n'ya na parang hindi gusto ang tanong ko. Pinandilatan ko s'ya pero mahina lang s'yang suminghal.





"I came here because your friends, I mean, my cousins wants to send their gifts for you"Umawang ang labi ko sa kanyang sinabi, hindi makapaniwala"Hindi ka daw nila nakasama nung Christmas and new year, so yeah.."Hindi ko naman mapigilan ang matuwa dahil hindi nila ako nakalimutan.





"Eat your breakfast, anak. At sumama ka sa kuya Sam mo sa kanila. Nandoon kase 'yon mga gifts"Hindi ako nag pahalata na nagulat ako. I thought, nandito na ang mga gifts, nasa bahay pala nila Sam.






UNTITLED (Secret Romance Series #1)Where stories live. Discover now