Chapter 10

20 1 0
                                    

Chapter Ten








HINDI AGAD AKO MAKASAGOT. Napatingin nalang ako kay Ren na ngayon ay halatang hinihintay na din ang aking sagot. Talagang hindi ko alam kung anong dapat sabihin, ayokong masaktan si Ren sa posible kong sagot.








Napahinga nalang ako ng malalim at tumingin sa kanila. Mag sasalita na sana ako ng maunahan ako ni Ren.








"Guys, I told you, 'wag n'yong tanungin si Alondra ng mga ganyang bagay"Tumingin sa akin si Ren at hinawakan ako sa kamay









"Oh, come one, Ren"Tumawa si Hazel"Kaya nga namin tinatanong si Alondra for your own sake na din"Ngumisi si Hazel at tumingin sa akin"So Alondra, do you like Ren?"She asked again. Nahagip ng paningin ko si Sam na sa akin nakatingin bago kunin ang kanyang phone at tumayo na.







Mukhang may kinakausap s'ya dahil lumayo pa s'ya"Yes, Nathalie. I'm fine here"Parang tinusok ang puso ko ng marinig ang boses ni Sam. Pumikit ako ng mariin, huminga ng malalim bago humarap kina Hazel na nakay Sam na din nakatingin.








"Yes"Sagot ko kaya ganun nalang ulit ang baling nila sa akin. Agad umugong ang tuksuhan dito sa aking sagot kaya ganun nalang din ang tingin sa akin ni Sam. Umiwas nalang ako at hindi na sila inintindi pa.








Yes, I like Ren but as my friend. Hindi ko alam kung anong iniisip nila sa sagot ko pero hindi na 'yon mababago pa sa akin.








"Alondra"Hindi makapaniwalang sambit ni Ren sa akin. Gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko ay masasaktan ko s'ya. Hindi ko intensyon na sabihin 'yon sa kanya.







"Okay, spin the bottle"Inasar pa nila kami bago ko paikutin ang bote. Tumapat naman kay Gelo ang bote at pinili n'ya ay dare. Nag patuloy naman itong aming laro. Nakita ko pa kung paano dumilim ang mata ni Sam habang pabalik sa kanilang table. Nakaramdam ako ng matinding kaba, nakakatok ang mga tingin n'ya.








"Ren, it's your turn"Natutuwa pang sambit ni Andy ng tumapat ang bote kay Ren. Ramdam ko pang tumingin sa akin si Ren bago sagutin ang tanong ni Andy









"Dare"Pag sagot nito kaya ganun nalang ang sigawan dito. Hindi na naman kami pinapansin pa ng mga nakatatanda dito dahil may sari-sarili din silang ginagawa.







"Okay...kiss the person you like"Napasinghap ako dahil sa narinig. Kahit si Ren ay umalma pero hindi pumayag ang mga kasali sa laro.







Kahit hindi ko s'ya lingunin ay alam kong sa akin s'ya nakatingin. Nag hiyawan ang lahat ng makitang lumapit ng husto sa akin si Ren at dinampian ako malapit sa aking labi. Amoy na amoy ko pa ang alak sa kanyang labi nang humiwalay s'ya.








"I really really like you Alondra"He mumbled drunkly and kiss me once again. Doon nanlaki ang aking mata sa kanyang ginawa. Alam kong may tama na si Ren pero hindi ko inaasahan na gagawin n'ya 'yon







Table namin ang pinaka maingay dahil sa nangyari. Nakita ko pang may nakatutok sa amin na camera at halatang kinukuhanan kami ng litrato.







"That's enough!!"Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang buong boses ni Sam sa aming likod. Kahit si Ren ay napalayo sa aking ng makita si Sam. Pakiramdam ko ay nanginginig ang aking mga tuhod kahit nakaupo ako.







Mukhang natauhan din si Ren sa nagawa kaya ganun nalang ang pag tingin n'ya sa akin. Pero hindi pa man s'ya nakakapag salita ay hinila na na ako ni Sam kaya ganun nalang ang pag tayo ko.








UNTITLED (Secret Romance Series #1)Where stories live. Discover now