Chapter 15

16 1 0
                                    

Chapter Fifteen






THE PAGEANT DOING WELL. Natapos din namin ang casual attire at ngayon ay nandito kami sa stage para sa special awards.





Hindi parin natitigil ang mga sigawan dito at binabanggit ang mga numbers at names ng candidates nila.





"Ang tatawagin ko po muna ay lalaki, okay? Lalaki"Sambit ni Ms. Anne at tumingin sa results" So for our best in production number is.."





"Ren!"





"Si Baby Ren!"





"Number 12!"






Sigawan pa ng mga supporters ni Ren kaya ganun nalang ang ngiti ko





"Hindi naman ako masyadong magaling"Rinig ko pang bulong sa akin ni Ren.






"Ang galing mo kaya"Ngiti ko pa sa kanya.






"Ikaw ang magaling"Napatawa nalang at nakinig sa sasabihin ni Ms. Anne.






"What do you think, guys?!"Tanong pa nila sa crowd kaya halos mag wala na naman ang mga Tao dito"So for our best in production number is...."Tumigil si Ms. Anne bago ngumiti"Number 12"Ganun nalang ang pag lingon ko kay Ren at pumalakpak.






"A-ako?"Bakas sa kanyang mukha ang gulat at hindi makapaniwala.






"Go, Ikaw ang tinawag"Natatawa ko pang sambit dahil bakas parin sa kanyang mukha ang gulat. Nag tilian naman ang mga tao dito nang pumunta si Ren sa gitna ng stage at tinanggap ang sash at certificate para sa kanya.





"Go, papi Ren!!"Ganun nalang ang tawanan ng ka band ni Ren kaya nag tawanan ang mga tao dito






Napangiti naman ako dahil si Ms. Rosé ang nag suot ng sash sa kanya. Hindi naman umalis si Ren, tumabi lang s'ya ng konti dahil tatawagin naman ang mga girls.






"Congratulations, Mr. Ren"Tumango naman si Ren at nag pasalamat bago tumingin sa akin. Pumalakpak naman ako sa kanya bago ulit makinig sa sasabihin ni Sir. Andrew"So sa girls naman tayo"Yon nalang ulit ang sigawan ng mga tao dito at nag cheer para sa mga pambato nila.






Hindi na ako umaasa na mananalo, magagaling din naman ang ibang candidates dito. Masaya na ako na maging representative ng aming section.






"So for our best in production number is...."Pa suspense pang sambit ni Sir. Andrew at tumingin sa resulta"Is no other than.. Ms. Alondra Martinez, number 12"






Oh?






Napatingin naman agad ako kay Sir. Andrew pero ngumiti lang s'ya at tumango. Nag palakpakan at nag sigawan naman sina Mommy kaya ganun nalang ang tingin ko sa kanila.







"Congrats, mga anak"Natutuwang sambit ni Ms. Rose nang maibigay at maisuot sa akin ang aming mga awards. Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap s'ya.







"Thank you, ma'am"Sambit ko pa bago tumingin sa unahan. Kinuhanan pa kami ng pictures bago kami mag sama ni Ren at nag pictures ulit.







Nakangiti at proud na proud si Ms. Rose nang bumalik sa kanyang upuan kaya hindi namin maiwasan ang mapangiti ni Ren.






"Congrats naman"Napatawa naman ako kay Ren habang pabalik kami sa aming tayo






UNTITLED (Secret Romance Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt