Chapter 34

14 1 0
                                    

Chapter Thirty-Four





"SHUSH, STOP CRYING!"





Pero kahit anong pag aamo sa akin ni Cathy ay hindi parin ako tumigil sa pag iyak.





Hindi n'ya ako minahal, Cathy...





"Paano n'ya nagawa sa akin 'yon?"Humagulgol ako sa mga yakap nang aking kaibigan. Nandito na ako sa New York, dalawang araw nang umiiyak"Minahal ko s'ya higit pa sa buhay ko pero bakit ganito ang pinalit n'ya?"Puno nang sama ng loob na sambit ko pa"He's having a baby with Nathalie. Hindi ko matanggap. Ang sakit-sakit nang ginawa n'ya"Mas humigpit naman ang yakap n'ya sa akin kaya umiyak pa ako lalo.





Gusto kong mag pasalamat kay Cathy dahil nakikinig lang s'ya sa akin. Kahit na paulit-ulit ang sinasabi ko ay hindi s'ya nag sasawang pakinggan ako.





"Yes, Tita, she's o-okay naman po dito"Napatingin naman sa akin si Cathy habang kausap n'ya si Mommy sa phone"Naku! Opo, nag wawala na nga po sa sobrang saya, halos umiyak na katatawa"Tiningnan ko ng masama si Cathy sa kanyang sinabi.





Hindi ko magawang kausapin sina Mommy dahil pakiramdam ay pag makausap nila ako, malalaman nila kung bakit ako umalis. At blinock ko na din ang lahat ng contacts ko sa lahat. Ayokong may makuha silang balita sa akin, lalo na kay Sam.





Mapait akong napangiti, hindi ko inaasahan na minahal ko s'ya. Hindi parin ako makapaniwala na sa lahat nang nangyari sa amin ay niloloko n'ya lang pala ako.





"No prob, Tita, she's safe here. Sigeh po, hindi ko po makausap dahil busy sa pinapanuod. Okay po, bye din po"Pinatay na n'ya ang tawag at humarap na sa akin"Oh, okay na?"Tumango naman ako sa kanya at niyakap nalang ang aking mga tuhod. Napahinga naman s'ya ng malalim at hinagod ang likod ko.





"Hindi ko alam ang gagawin ko"Nag simula na namang tumulo ang mga luha ko. Parang hindi na naalis ang sakit sa aking puso"Hindi ko na talaga alam, Cathy"





"Shush! Magiging okay din ang lahat"Niyakap n'ya ako"Malalampasan mo Ito"Umiyak ulit ako sa mga yakap n'ya habang yakap-yakap n'ya ako.





Ilang araw pang ang lumipas nung kinausap ni Cathy si Mommy. Hindi parin nag hihilom ang sakit sa akin puso. Hindi na din ako tumigil sa kaiiyak tuwing gabi. Hindi na ata matatapos.




"You know, typical bad boy, ganun. E, ayoko, mukhang lolokohin lang ako"Kwento sa akin ni Cathy sa lalaking nag ligtas daw sa kanya nung muntikan na s'yang mahagip ng kotse. Nandito kami sa isang coffee shop dahil gusto n'ya daw na ipasyal ako dito sa syudad ng New York.




Nag simula na namang mag init ang mga mata ko dahil naalala ko ang panloloko na ginawa sa akin ni Sam.




"Oh, shoot! I'm sorry"Biglang sambit ni Cathy nang mapansin na umiiyak na naman ako"Naku! Bakit ko ba kase na kwento pa?"Lumapit agad s'ya sa akin at inalo ako.




"No, it's okay"Humihikbi ko parin sambit sa kanya pero nag patuloy lang naman s'ya sa pag sabi ng sorry.




"Gusto mo na bang umuwi?"Tumango nalang naman ako sa kanya"Sigeh, let's go"Tumayo naman kaming pareho pero agad din akong napahawak sa lamesa nang mahilo ako. Madalas ko itong nararamdaman, lalo na pag umaga. Siguro ay dahil ito sa kaiiyak ko"Oh, careful ka lang. Okay ka lang ba talaga? Napapadalas na 'yang hilo mo?"Tanong n'ya sa akin habang inaalalayan akong lumabas sa coffee shop.




"I'm okay, siguro ay dehydrated lang ako"





"Well, siguro nga"Sagot n'ya pa at sumakay na sa kotse n'ya. Hindi ko man lang naenjoy ang kotse na niregalo nila Mommy sa akin.




UNTITLED (Secret Romance Series #1)Where stories live. Discover now