Chapter 9

17 0 0
                                    

Chapter Nine






"HAPPY BIRTHDAY, TITA"Nakangiting bati ko kay Tita luz pag kapasok namin.






"Alondra"Natutuwa n'ya pang sambit at niyakap ako"Naku!!Salamat, salamat"Ngiti n'ya pa.






"Here po"Abot ko ng cake sa kanya kaya ganun nalang ulit ang pasasalamat n'ya sa akin. Pero naputol din 'yon nang tumingin s'ya sa likod ko. Bakas sa kanyang mukha ang gulat nang makita si Sam.







"Mr. Montevilla"Bati ni Tita Luz. Nakuha agad ni Sam ang atensyon ng mga Tao na nandito.







"Happy birthday, Ma'am"Magalang na bati pa ni Sam at nakipag kamay.







"Ma, ininvite ko si Kuya Sam"Sambit pa ni Carl at nakangiting bumaling sa akin.







"Ikaw talagang bata ka"May panunuway pang sambit ni Tita at bumaling din sa amin"Naku!Thank you, Mr. Montevilla. Masaya po ako at nakapunta kayo dito"







"It's my pleasure, Ma'am"Ngiti ni Sam"And just call me nalang po na Sam. I'm fine with that"Bakas sa mga mukha ng tao dito ang mangha kay Sam.







"Naku.."Napatawa si Tita"Ay, parine kayo..upo, upo..Carl, kunin mo ang electric fan, bilis"Talagang sinasikaso nila kami at pinaupo dito sa may couch na nasa living room. Halos hindi na nawala ang tingin nila kay Sam na ngayon ay tumitingin sa bahay.






Ngumiti naman si Sam sa mga bumabati sa kanya.






"Pasensya na, hijo at medyo magulo"Sambit pa ni Tita"Hindi kase nasabi ng anak ko. Ano bang gusto n'yo? Alondra, hija? Anong gusto n'yo?"Ngiti n'ya pa sa amin.






Napatawa ako bahagya"Tita, I'm fine. It's your birthday. Just enjoy your day"






"Hindi, ayos lang ako"Ngiti n'ya pa at agad din inutusan ang mga anak na ipagdala kami ng pag kain dito. Tuloy ay medyo naiilang ako dahil sanay na naman ako dito pero dahil kasama ko si Sam ay hindi ko na nagawang tumulong.






"Naku!Nandito ang anak ni Zoren. Pumarine ka at kapulunge mo ang gwapong batang iyon"Rinig ko pang sambit ni Tita, siguro si Tito ang kausap.







Napatingin naman ako kay Sam na naka kunot ang noo









"Bakit?"Hindi ko maiwasan ang tanungin s'ya. Napatingin naman s'ya sa akin at huminga ng malalim








"What's kapulunge?"Gusto kong tumawa ng marinig ang kanyang tanong. Mas lalong kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin








"Kausapin, ganun"Mahina kong sagot kaya napaawang ang labi n'ya bago tumango. Tuloy ay may mga mahihina ding tumatawa sa nakarinig sa kanya.






Hindi ako nag kamali, si Tito ang kausap ni Tita. Agad din itong kinausap si Sam at nakipag kamustahan. Napatingin naman ako kina Jovan na halatang kinikilig sa isang gilid. Gusto ko tuloy tumawa dahil pinandilatan nila ako.






"Gosh, ang gwapo talaga"Sambit n'ya pa nang makalapit ako. May hawak pa s'yang plato na may lamang lumpiang shanghai. Tumingin naman ako sa paligid, hinahanap kung nandito na ba si Hazel. Para akong nakahinga ng maluwag dahil wala pa.






"'Wag kang ano d'yan. Kinakausap na ang magulang ko, hihingin na ang aking kamay"Napatawa naman kami sa sinabi ni Carl.






UNTITLED (Secret Romance Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin