Chapter 29

24 9 0
                                    

Epiphany


"Mabuti pa't kumain ka na, mukhang nakakailang subo na ako samantalang ikaw---"wika nito, pinutol ang pagsasalita dahil sumubo na naman sya.

Wala akong nagawa kundi kumain na rin.

Hapon na at nakatulala pa rin ako sa amin, mamaya lang ay ihahatid ako ni Pedo sa dormitory. Pinanood ko si Papa na tinatawag si Pedo, umalis pa kasi ito para ihatid ang isang katulong namin sa palengke para bumili ng mga pagkaing lulutuin nila sa buong lingo.

Binaba na ni Papa ang tawag saka humarap sa akin, rumayo ako nang naglakad sya papalapit sa akin pero biglang may tumawag sa kanya kaya sandali ay tumalikod naman sya, bumalik nalang ako sa pagkakaupo saka muling nakatulala.

"Ano?"dinig kong sigaw ni Papa na nagpagitla sa akin.

Agad akong napatayo, saka tiningnan sya. Umaasang may maitutulong.

"Sige, sige. Papunta na ako dyan."wika nito saka sinulyapan nya ako. Isinilid nya ang telepono sa kanyang bulsa saka muling tumingin sa akin.

"Hintayin mo nalang si Pedo. Anyways, paparating na yun."wika nito saka ko sya tinanguan.

Agad naman syang tumakbo patungong kotse nya.

Ewan ko lang din kung bakit ang selfish masyado ni Papa.

Ayaw nya akong ihatid kasi may drayber naman daw kami, at kung siya ang hahatid sa akin mas maigi pang wala nalang kaming drayber.

"Peeep...peeep..."agad akong napatayo dahil kahit mahina ay nakadinig ako ng pagbusina ng sasakyan.

Pamilyar yun sa akin kaya agad akong pumunta sa may gate, naabutan ko ang guard na binubuksan ito.

Bumungad ang sasakyan na minamaneho ni Pedo, kaya agad akong tumagilid para hindi masagasaan.

Bumaba ang isa sa aming katulong saka dumiretso na sa loob.

"Pasok na po ma'am..."wika ni Pedo saka ako pumunta sa driver's seat.

Tahimik ako ngayon sa byahe at para bang ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong masyadong malungkot ang araw ngayon.

"Problema ma'am?"tanong ni Pedo hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan.

"Kung malungkot ka, anong unang papasok sa utak mo at bakit?"tanong ko na nagpakunot sa noo niya.

Sakto namang nag kulay pula ang traffic lights kaya napahinto sya saka sya bahagyang humarap sa akin.

"Wala po akong naiintindihan sa problema nyo Ma'am..."wika nito nakakunot pa rin ang noo.

"Ang sabi ko, ano yung unang papasok sa utak mo na dahilan kung bakit parang ang bigat ng nararamdaman mo.?"wika ko, hininaan ang boses saka binagalan rin para maproseso talaga nya saka makapagbigay sya ng advice.

"Siguro may mahal kayo sa buhay na may problema o nasa peligro..."wika nito napaisip.

"...pero hindi ko po sinasabing yun talaga yun pero 'yan ang unang papasok sa utak ko."wika nito saka pinaandar na ang sasakyan nang magkulay-berde na ang traffic light.

Dangerous LifeWhere stories live. Discover now