Chapter 3

52 15 0
                                    

Hurt




"Sa Miyerkules daw."

"Eh, diba may pasok?" Takang tanong ni Jik.

"Oo nga pero hindi ako sasama, magdadate kami ni Leandro." wika ni Nicole saka umaktong nahihimatay sa kilig.

"Ewww..." rinig kong mahinang bulong ni Jik na narinig rin pala ni Nicole na dahilan para bigyan sya ng masamang tingin nito.

"Tss. Oo na, hindi nalang ako makikisali lalabas muna ako." wika ni Nicole habang papalabas sa pintuan.

Malakas ang kalabog ng sinara nya ang pinto.

"Ani, alam mo naman sigurong hindi tayo pwedeng lumabas, hindi ba? Lalo na sa Miyerkules may pasok tayo atsaka hindi din naman papayagan si Marie---"

"Nakiusap na raw sya sa anak ng may-ari ng school." pagpuputol ko sa daldal nya.

Bahagya pa syang nagulat na syang ikinataka ko.

"Bakit?" taka kong tanong sa kanya ng mahina.

"Wala lang." aniya habang nakatingin sa sahig. Alam kong parang may kakaiba.

"Sige na, aalis na ako. Sa dorm nalang naming ako matutulog atsaka sabihin mo kay Marie na hindi ako makakapunta masyadong busy. Hehehe." aniya saka pumeke ng ngit.

"Teka..." saka sya napatingin sa akin.

"Ano?" parang nababahala ang tono ng kanyang pagbigkas.

"Kasi parang may mali. Alam kong mahilig ka sa ganyan pero bakit ngayon ata nagbago yung ihip ng hangin." bulalas ko habang nakatingin sa nagsisinungaling nyang mga mata.

"Ani,alam mo naman sigurong nagbabago ang ta—"

"Kung babaguhin mo."pagpuputol ko.

"Jik, sabihin mo nga sa akin. Ano? Ano yung problema para kasing alam mo yun, parang may mali sayo." wika ko saka hinawakan ng mabilis ang nanlalamig nyang kamay na agad nyang binitawan.

"Ani, sige na. Aalis na ako." aniya saka nagmamadaling tumungo sa direksyon ng pinto at tuluyan nang lumabas.

Something is weird.

Naghilamos na ako sa salamin saka pinagmasdan ang sarili, tss.

"Hindi nga talaga ako kagandahan."

"Ang ganda kaya." dinig kong wika ni Nicole na nakahiga sa kama nya habang nakaharap sa cellphone. Hindi din naman ako kagandahan sa nakikita ko sa salamin at hindi din naman ako assuming para maniwala sa sinabi ni Nicole. Who knows na yung litrato lang pala sa phone nya ang tinitingnan nya tapos maganda.

"Nga pala, dinig ko meron pala kayong relasyon ng ultimate crush dito sa school." panunukso ni Nicole nang nakaupo na ako sa kama.

"Huh? Sino?" naguguluhan kong tanong saka humiga na. Narinig ko pa syang dumaldal ng dumaldal pero dinalaw na ako ng antok, hindi ko narinig ang ilan sa mga dinalda nya maliban sa 'weeeh ang gwapo gwapo nya pa naman' at mga pagtili.












Dangerous LifeWhere stories live. Discover now