Chapter 16

17 9 0
                                    

Messy Relationshits




"Hoy! Kanina ka pa, ah!"saway ni Nicole ngunit hindi ko magawang pakinggan sya.

Para akong timang dito na pagulong-gulong sa kama.

Ewan lang kung bakit malaking bagay sa akin ang ginawang iyon sa akin ni Louivan, para bang hindi katanggap-tanggap.

"Argh!"buwelta ko dahil sa inis.

"Ano ba!"sigaw ko matapos akong hampasin ng may kalakihang unan.

Masakit yun, napangiwi ako sa sakit dahil parang nakakahilo ito.

"Sakit."mahina kong wika.

"Kanina ka pa kasi, nakakahilo ka kaya."

"Eh? Bakit mo naman kasi ako tinitingnan!"sigaw ko sa kanya na medyo malakas ang boses ko.

"Eh?"naiwika nya saka napakamot.

"Di ko alam pero kasi nakakaagaw ka ng atensyon."wika nito, this time mahinahon ang boses.

"May problema ka 'no?"excited nyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maprapraning dahil imbes damayan dahil may problema, magiging malungkot sa madaling sabi, sabik pa sya!

"Hay naku, Ani! Narinig ko pala na may plano daw na pyansahan ng Papa mo yung Mommy mo. Iyan ang problema mo?"wika nito papahina ang boses kaya nagulat nalang ako.

Ramdam na ramdam ko ngayon na ang laki siguro ng mata ko. Hindi iyon ang problema ko pero napakalaking impact niyon sa pagkatao ko.

Ibig bang sabihin, makakalabas si Mommy. Bakit nya naman yun ginawa?

I mean, hindi ba sya pa nga yung nagsabi sa akin na kahit masakit, tatanggapin nya.

Maghihintay sya ng tamang panahon para makalabas na rin si Mommy.

"Ano?"bulalas ko, nagulantang nalang ako sa nabalitaan nya pero may posibilidad na gawa-gawa lang iyan.

Hindi natin alam ang takbo ng utak sa mga tao ngayon.

Di mo alam na pa tumbling saka napa split na pala yan.

"Sa'n mo nalaman?"may pagkatamad kong tanong. Hindi ko muna poproblemahin ang fake news.

Lumapit sya sa kama ko saka humiga.

"Kay Jik."maikli nitong tugon. Agad naman akong napatango saka napa...talaga?

Kasi kung si Jik, karamihan sa mga narinig kong balita mula sa kanya, totoo.

Baka naman nag tumbling lang ang utak ni Jik pero, miss ko na rin naman sya. Masyado kasi syang busy sa kursong kinuha nya, madalas nagpupuyat pa nga sya, 'eh pero nakapasa pa rin sya.

Talagang desidido talaga syang makapagtapos. Sana ngayong taon makapasa na naman sya, ang hirap kaya ng kursong medisina.

Magpupuyat ka tapos hindi kalang pala makakapasa. Kalokohan.

"Sinunggaling."bulalas ko saka napangisi.

"Totoo kaya."mahina nyang wika.

Dangerous LifeWhere stories live. Discover now