Chapter 20

22 10 2
                                    

The Other Problem




Nasa harap ako ngayon sa gate nila Kevin. Hindi pa rin ako pumasok kahit wala namang guard, hindi pa rin maalis sa akin ang mga nangyari.

Ilang oras ang lumipas. Napahagulgol muli ako saka mapait na ngumiti bago napagpasyahang pumasok.

Napagdesisyonan ko na harapin mo na 'tong isa ko pang problema.

Teka? Hindi ko naman siguro iyon dapat ikaproblema pa.

Kaya why would I care?

Besides makakapagpa-stress lang sa akin yun masyado.

"Nandyan ka na pala Ani, pasok!" Pag-anyaya sa akin ni Kevin saka ako ngitian.

Umupo ako sa isang kalapit na sofa saka sya ngitian. Pilit lamang iyon pero ginawa ko ang lahat para magmukhang natural ang lahat na para 'bang walang nangyari.

Walang nangyari?

Hindi na pala dapat ako mag-pretend dito. Alam nya naman siguro kung ano yung problema ko.

"Nandyan na pala si Lola."wika nito inanyahan ang Lola nyang bumaba.

Nagpasalamat pa ang matanda bago nya utusan si Kevin na umalis at hayaan muna kaming mag-usap ng masinsinan.

"Iha, alam ko na kung paano mo malaman ang pagkatao mo."wika nito saka ipinakita sa akin ang isang litrato ng isang babae.

Pamilyar sya sa akin.

"Agnes..."bulalas ko na bahagyang nagpagulat sa kanya.

"Kilala mo sya?"gulat pa rin sya masyado sa nalaman. Marahan naman syang napatango saka naramdaman kong mukhang kinakabahan sya.

"La, ayos lang po ba kayo?"tanong ko sa kanya saka hinagod-hagod.

Napalunok pa ang matanda saka tiningnan ako na para bang tinatanong ako kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Ngumiti sya ng may pait at maiguhit ang kanyang nakakatakot na karanasan sa buhay. Bakas sa mga mata nya ang nararamdamang lumbay noon.

"May naalala lang ako."wika nito saka muling tumingin sa litrato.

"Paano mo pala sya nakilala?"tanong nito saka inilapag ang litrato sa sofa.

"Minsan na syang nagpakita sa panaginip ko."wika ko.

"May problema ka?"agad akong umiwas ng tingin dahil sa tanong nyang iyon. Hindi ko sya inimik.

Nakita ko pa siyang napatango-tango sa peripheral vision ko.

"Hayaan mo, lilipas din yan."wika nito, sinulyapan ko sya at nakitang nakangiti sa akin kaya ngumiti nalang din ako pabalik.

"Sa'n nga pala tayo? Ahh, yung pagkatao mo pero bago tayo magsisimula. Gusto ko munang malaman mo na masyadong delikado ang gagawin natin."wika nito nakatingin ng diretso sa mata ko.

Bahagya pang naningkit ang kanyang mata saka tinapunan nya ng tingin ang litrato.

"Si Agnes, sya ang anak ko."

Dangerous LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon