Chapter 28

26 8 0
                                    

Plus One




Kakatapos lang ng unang klase ko at heto na naman ako nakatulala sa may bintana, pang-apat na araw ko na 'tong nakatulala.

"Ani, yung proyekto mo?"tanong sa akin ni Marie.

Hindi ko alam kung paano sya nakarating dito gayung ilang segundo pa ang lumipas nakita ko syang nakipag-usap kay Chelsea.

Hindi ko sya inimik, sa halip ay binalik ang tingin sa bintana pagkatapos ko syang masulyapan.

"Ilang araw ka na bang ganyan?" tanong nya, sinundan ng saglit na katahimikan.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaganito.

"Apat."sagot ko sa kanya, hindi pa rin sya tinitingnan pero kitang-kita ko sa peripheral version ko na napakameywang pa sya.

"Ani..."wika nya pa saka ako bumalik sa katinuan.

"...'diba ngayon ang deadline ng mga nalate na nakapasa noong dalawang araw ang nakaraan."wika nya pilit na pinapakalma ang sarili.

Hindi ko pa rin talaga alam kung paano ko lalabanan ang sumpa pero bago iyon.

Lalabanan ko ba o hayaan nalang?

Hindi ko dapat pinag-aksaya ang buhay na hinandog sa akin ng aking kapatid kaya lalabanan ko 'to, ang tanong 'paano'?

Hindi ko rin alam.

Paano kapag wala naman talagang solusyon para ihulog ako sa pag-aalala at sa malalim na pag-iisip?

Hindi ko alam at nakakasawang isipin.

"Dyan ka na nga."wika ni Marie saka umalis.

Sinundan ko pa sya ng tingin at nag-iwas nang masulyapan ko ang upuan ni Keith at nang makitang wala na naman sya, mas lalong nagpababa sa balikat ko.

Apat na araw mula noong pag-uusap namin sa may bench at paghawak nya sa kamay ko. Hindi ko na masyadong natuonan ang relasyon namin at presensya nya dahil binabagabag ako ng sariling problema.

Nasisiguro kong may sarili rin syang problemang kinakaharap, we have our own silent battles to fight.

Ano kayang nangyari sa kanya? Mas lalo pa akong nalungkot dahil alam kong may sakit pala sya, 'yun siguro ang dahilan kaya hindi na naman sya nakapasok na ngayong araw.











"Good morning."wika ng propesor namin saka kami nasipagtayo.

"Yung mga proyekto sa'n na?"tanong nya sa amin.

Andaming projets na ipapasa, hindi ko makakaya lahat. Ayaw ko din namang humingi ng tulong kay Jik sa halos lahat ng bagay at busy rin sya sa kurso nya.

Napabuntong-hininga ako, inisa-isa ang bawat mata proyektong natanggap, tinatawag ang pangalan.

"Ms. Camhan?"

"Wala pong proyekto si Miss Camhan, Sir..."si Chelsea.

"Bakit? Anong problema? Simple lang naman yung proyekto diba, anong mahirap dun?!" sigaw nya kaya napatayo sa akin agad.

Dangerous LifeWhere stories live. Discover now