AUCTION: Chapter Nine

Magsimula sa umpisa
                                    


"Okey. I'll do that. Ipapagawa ko kay Cecilla lahat ng sinabi mo. At sino ba ako para tumanggi sa request ng isang taong malapit nang mamatay?" At tumawa pa ito sa sinabi nito.


Walang galang na tumayo na siya para umalis ngunit bigla siyang tumigil at humarap ulit dito. "At saka, gagamitin ko ang isa sa mga kwarto dito sa mansion mo. Ayoko nang umuwi sa amin hanggang sa mag-all in ako." Hindi na niya hinintay na sumagot si Mr. Black. Naglakad na ulit siya palabas ng opisina nito.


——-***——-


"SHE'S so demanding, Mr. Black. Mabuti na lang at ilang araw na lang ay matatapos na ang business natin kay Ruth!"


Napangiti si Mr. Black sa sinabing iyon ni Cecilla. Nasa opisina niya ito at ipinapakita sa kanya ang mga taong nais magbenta ng parte ng katawan sa pamamagitan ng Human Auction. Normal lang sa kanya na sabihin sa kanya nito ang mga nasa loob nito. Ilang taon na ba silang magkasama ni Cecilla? Sa palagay niya ay lampas na ng limang taon. Hindi na rin niya talaga matandaan. Limang taon na ang Human Auction at limang taon na rin na si Cecilla lang ang pinagkakatiwalaan niya.


Tumikhim si Mr. Black. "Alam ko ang pinagdadaanan niya, Cecilla. I've been there. Iyong oras na wala kang malapitan. Wala kang magawa habang unti-unting namamatay ang mga mahal mo sa buhay. Humahanga ako sa tapang ni Ruth at maging sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Nakakalungkot nga lang na noong panahon na nasa sitwasyon niya ako ay wala akong nagawa..." Hindi tuloy maiwasan ni Mr. Black na malungkot nang bigla niyang maalala ang kanyang nakaraan.


"It seem na parang naaawa ka sa kanya, Mr. Black. Bakit hindi mo na lang siya tulungan kung gano'n? Give her money para hindi na siya nahihirapan..."


"I can do that pero mas pinili ko na 'wag gawin, Cecilla. Bakit? May mga taong kapag ibinigay mo ang isa mong kamay ay hihilahin pati ang isa mo pang kamay. At business ito... At sa negosyong ito, hindi pwedeng papairalin ang awa at puso. Dahil kapag ginawa ko iyon ay ako ang talo."


——-***——-



AYON kay Cecilla ay isang oras na lang at magsisimula na ang Human Auction kaya naman agad na naligo si Ruth. Tiniis na lang niya ang hapdi na dulot ng sabon sa kanyang sugat sa paa. Binilisan na lang niya at agad na nagbihis.


Mabilis na lumipas ang isang oras. Maya maya lang ay muling bumalik si Cecilla at dinala siya sa bulwagan kung saan ginaganap ang Human Auction. Umakyat na sila sa entablado at ipinasok siya sa malaking hawla. Nilagyan na rin nito ng kadena ang kanyang kamay at leeg. Hanggang sa umakyat na si Mr. Black sa stage at sinimulan na ang auction.


Isang parte na naman ng katawan niya ang mawawala sa kanya ngayong gabi. Ngunit kailangan niya iyong tiisin at tanggapin na lang. Ito na ang kapalaran niya... Hindi man siya nakaranas ng ginhawa, sigurado naman siya na mararanasan iyon ng nanay at kapatid niya. Sigurado naman kasi siya na marami pa ang matitira sa perang maiipon niya dito.


Narinig ni Ruth ang pag-feedback ng mikroponong hawak ni Mr. Black.


SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon