Kabanata 38

137 7 1
                                    

TROUBLE IN PARADISE

So Are You

Jin's Engagement Party came the day after.

Gabi iyon kaya hindi ko pwedeng isama si Las. Iniwan ko muna ito sa kwarto nang makatulog.

Kausap ko si Maggie sa telepono nang lumabas mula sa pinto ng banyo si Zion na tanging maliit na tuwalya lamang ang tumatakip sa kahubaran nito.

Umiwas ako ng tingin nang tila magtagal ang tingin ko sa kan'ya.

"May kasama ka naman pala. Mauna nalang ako kung ganoon. Bye!"

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong sumingit nang ibaba ni Maggie ang tawag.

I heaved an inaudible sigh of defeat.

Wala na nga akong magagawa pa.

Tahimik naming pinuntahan ni Zion ang lugar na paggaganapan ng party. Hindi ko maiwasang umangat ang kilay sa pagtataka tuwing maiiwan ang tingin ni Zion sa'kin.

Natatakot akong baka madisgrasya kami kung magpapatuloy iyon.

"May dumi ba 'ko sa mukha?" I can't help but ask.

O baka pangit ang suot ko ngayon. Bumaba ang tingin ko sa dress. Kasama ko si Maggie ng bilhin ko 'to dahil alam kong maganda siyang pumili ng mga damit.

Si Zion ay pormal rin ang suot tulad ng kung ano ang nakasulat sa invitation. Only that it looks like he never made an effort to brush his hair properly. Ang ibig kong sabihin, hindi naman iyon nakabawas sa itsura niya. In fact, it made him look more of a brooding person that he is.

Kung dati ay siya iyong tipo na hindi mo kakayaning banggain, sa panlabas man na anyo o kahit saang aspeto, mas dumoble lamang iyon ngayon.

He's oozing with power and authority when surrounded by people. Pero nakakatawang hindi ko iyon makita kapag pamilya na namin ang kaharap.

"You look stunning," he murmured under his breath at muling nagnakaw ng tingin.

I had a glimpse of his serious pair of eyes, sincere and honest.

Kumibot ang labi ko upang itago ang tuwang nais lumabas mula roon.

"Salamat. Si Maggie ang pumili nito..."

"Hm,"

Nang makarating sa venue ay umikot siya upang pagbuksan ako ng pinto. He eyes immediately landed on my exposed chest showing a bit of my cleavage.

Tumikhim ako na ikinakurap niya.

"Uh, yeah. Let's go in," he said, half distracted.

Tumango ako. Agad na umikot ang kamay nito sa'kin saka bumalik sa pagkaseryoso ang mukha. Walang pinapakita ni kahit anino ng reaksyon.

Somehow, the feeling of seeing a friend once again after so many years surged in. Umikot ang mata ko sa dagat ng mga tao.

Mga opisyales ng lugar at iba pang kilalang tao sa karatig bayan at lungsod ang karamihan sa dumalo.

Naagaw ng pansin ko si Maggie sa malayong table na kumakaway at may mga kasama. Nag angat ako ng tingin kay Zion nang makita kung sino ang isang naroon.

He stared back, unaware of my thoughts.

Nang makalapit ay agad sumibol ang ngiti ko nang makilala ang mga kasama ni Maggie. Kung hindi ko pa tititigan ng mabuti ay hindi ko sila makikilala.

"Belize!" Sabay na anila at tumayo matapos rin ng matagal na panunuri sa'kin.

Nanlaki ang mata ni Leo. Si Maggie ay nakangiti lamang na nanonood sa'min. Johan together with his friends that I remember and Kaitlyn on the side were watching us. Nauna si Carl na yumakap sa'kin kaya natatawa kong ibinalik ang yakap.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now