Kabanata 28

94 4 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Apologize

Loud music thundered in my ears the moment I stepped inside Mikki's house.

Ano mang tanggi at palusot ko kanina ay nahila parin nila ako dito. Kath banged my room earlier when I chose to act asleep.

"You came!"

Mikki's voice made me snapped my head. Awkward akong ngumiti nang yakapin niya ako. Which she doesn't usually do.

Parang lasing na ito base sa namumulang mukha at pasuray suray na lakad. Hinila ako ni Kath paupo sa mesang pinalilibutan nila.

Si Mikki ay nakasuot pa ng uniporme nilang pang eroplano. Hindi na nagawang magbihis. Her house were filled with unfamiliar guys and girls so classy. It girls like them.

"Welcome," Erika smiled at me. Iniikot ang baso ng alak sa marahang ritmo. Mataas na nakaponytail ang buhok at pang modelo ang tindig kahit sa pag upo. Her aristocrat face is beyond perfect to even describe.

"What did we miss? Ang tagal na noong huling labas natin! Where is Maggie?" Mikki said. Grabbing another bottle.

"Nasa probinsya. Next week pa ang balik niya dito." Ani ko habang hinuhugot ko ang phone sa bulsa.

Kath tsk-ed and snatched it away from me. Umiling siya.

"We're here to party! No phones!"

"May boyfriend ka?" Erika curiously asked.

Sumandal ako sa sofa at humalukipkip nalang. Tumango ako kay Erika.

"I'm sure he doesn't mind if you party once in awhile..." She shrugged and downed the glass.

Pinalipas ko ang isang oras na nakaupo lang at nakikinig sa usapan nila. Minsan ay si Erika o di kaya ay si Kath ang kausap ko.

Nakakailang balik na ako sa kusina para kumuha ng panibagong pagkain dahil iyon lang naman ang inuupo ko sa party. Ibinaba ko ang dalawang box ng pizza sa mesa namin.

"Hindi ka pa rin umiinom?" Tiningala ako ni Kath.

"Hindi ko hilig 'yan," tanggi ko.

"H'wag niyo na pilitin." Segunda ni Erika na pinagpasalamat ko.

Baka ipilit na naman ni Mikki na uminom ako. I mean, I can keep up with people but I know my limits. Hindi ko alam ang alcohol tolerance ko kaya dapat hindi ko na iyon alamin pa.

"Anthony! Nandito ka rin?" Boses ni Kath ang pumukaw sa'kin.

Lumingon ako sa banda kung saan ito nakatingin. Nakita ko ang papalapit na si Anthony. Magaan na nakangisi. His lips formed 'o' when he spotted me in the crowd.

"I invited him, too!" Si Mikki.

"Join us!"

Sinalinan nila ito ng alak sa panibagong baso. Kasama niya ang isang lalaki na kaagad nakagaanan ng loob ni Erika na ngumingisi na sa upuan nito.

"Himala. Napadpad ka rito?" Anthony first talked.

Kumibit ako at tinuro si Kath. Natawa siya saka umiling.

"Ayaw nila akong patulugin..." Ani ko nalang.

Anthony has become my friend, too. Kakilala sila ni Kath kaya noong nagkita kami nung una ay nagulat ito habang hinahanap sa kasulok-sulukan ng isip ko kung bakit siya pamilyar.

He wasn't that hard to approach dahil magaan ang awra niya palagi. He works at some known modelling company at siya ang photographer. Aniya. Janin, his girlfriend was a model at doon sila nagkakilala.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ