Kabanata 18

94 7 1
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Bleed

"Kaitlyn Marquez!"

Hiyaw na may kasamang palakpakan ang nangibabaw matapos matawag ang pangalan ng katabi ko.

Binati ko siya saka bumaling sa nagsabit sa'kin ng sash at premyo. Ngumiti ako ng walang halong inggit kahit na first runner up lang ang nakuha. Hindi naman title ang habol ko rito.

"Congratulations, Ms Guevara!" Bati ng ilan habang nagbibihis ako.

Pumasok si Maggie at pumapalakpak na naglakad palapit.

"Hindi ka nga nanalo ngayon pero hakot awards ka naman! Pa'no mo 'yon nagagawa?" Biro niya na ikinatango ng nag ayos sa'kin rito.

Umiling ako sa paparating na pambobola mula sa kanila. Siguro ay matatawag ko silang number one supporter ko pagdating sa ganito. Hindi ko nga alam kung bakit ang laki ng tiwala nila na ipasok ako sa mga pageant pageant. Hindi ko iyon makita sa sarili kahit anong hanap ko.

Pero nagpapasalamat ako na nand'yan sila para sa'kin.

"Maging maganda ka lang at mataba ang utak! Pasok na pasok ka talaga sa banga!"

"Congrats sa'yo, Belize." Lumapit si Kaitlyn para bumati.

Nakapaskil ang ngiti sa mga kasama ko. Bumati si Maggie ngunit naging abala naman ang isa sa pagliligpit ng pinaggamitan sa mesa.

"Ang galing mo ring sumagot kanina. Parang rehearsed at kinabisado ang bawat salita! Walang mintis!" Si Maggie.

"Pinag aralan ko talaga 'yon. Expected naman na ang magiging tanong ay ib-base sa napapanahong pangyayari." Kaitlyn said humbly but surely.

"Ah. Kaya pala may pa article number kang nalalaman... kung ako rin ang magiging judge ay ipapanalo kita. Congrats!"

"Manlilibre ako. Gusto niyong sumama?" Anyaya ni Kaitlyn.

Maggie tilted her head to me. Kumibit ako. May gagawin ako pagkatapos rito.

"Ako nalang. May gagawin si Belize ngayon."

Umikot ng bahagya ang mata ni Kaitlyn sa maliit na kwarto na parang may hinahanap.

"Kayo lang magkasama ngayon? Wala ulit si Zion?" Sabi na eh...

Awkward na tumawa si Maggie.

"Busy 'yon. Ako nalang ilibre mo! Hindi ka pa mapapagastos ng malaki!" Hinatak niya si Kaitlyn palabas matapos sabihin 'yon.

Ang totoo n'yan ay isang linggo na 'kong nag aantay pero walang Zion ang dumadating sa mga rehearsals ko sa hapon. Nakikita ko naman siya doon sa site tuwing sasadyain kong dalhan si Papa ng pagkain niya.

I assumed that he was just too busy that week kaya hindi ko na inabala.

Inilapag ko ang plato ng sandwich sa harap niya ngunit hindi ito nag angat ng tingin. He's back to being snob again.

"May kailangan ka pa?" I asked just to have a conversation.

"None. Thank you." Aniya habang hindi nilulubayan ng tingin ang laptop.

"Juice? Ikukuha kita ng inumin mo." Tumalikod ako at bumalik sa loob. Sinadya ko talagang isa isahin dalhin sa kan'ya ang pagkain.

"Belize! Look, you're so pretty in sports outfit pala! I saw your video in social media. Congratulations!" Salubong sa'kin ni Olivia, pinapakita ang kuha ko na naka racer outfit at may hawak na maliit na flag.

Nilapit ko ang mata dahil parang naninibago ako sa itsura. I didn't know I'll look like this in pictures. Parang hindi makatotohanan ang kuha.

"Salamat. Si Kaitlyn ang nanalo d'yan." Imporma ko na ikinangiwi niya.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now